Nang makarating kami dito sa Hospital, wala parin ako sa sarili ko.
Halos mahulog yung panga ko ng makita ko yung kalagayan ni Zoren.
Andaming nakakabit na tubo sakanya.
Isang bwan na pala sya dito sa Hospital.
Yung nanay nya wala parin tigil sa pag-iyak.
Dumating yung doctor para tingnan si Zoren, hindi ko alam kung anong ginagawa nya.
Nang matapos sya sa ginawa nya ay narinig ko nalang na sinabi nya kung gaano kalala yung kalagayan ni Zoren, hindi na daw dapat madepressed ng todo si Zoren o kahit ano pang makakapag palungkot sakanya. Dahil baka anytime ay mawala na lang sya. Actually ganun nga yung kalagayan nya e, anytime pwede nang mawala. Pero ang sabi ng doctor may maliit padin naman daw na chance. Kailangan daw sya bigyan ng rason para mabuhay pa sya o ng isang bagay na makakapag pasaya sakanya.
At syempre matic na yun! Na kailangan kong mag paraya. Dahil unang-una, yun naman yung naging dahilan e, kung bakit napunta sya sa ganitong sitwasyon. Bawal pala sakanya ang pag-iinom, pero inaraw-araw at ginabi-gabi nya dahil sa nangyari sakanila ni Jean.
Kahit naman mahirap, syempre dapat kong gawin yun. Buhay na ng tao yung nakataya e, kahit galit ako sakanya. Ayokong dalhin yung konsensyang pang habang buhay pag namatay sya ng dahil sa akin-dahil hindi ko nagawang intindihin yung sitwasyon nya.
Mamaya-maya lang ay nagising na sya.
Yung nanay nya wala parin tigil sa pag-iyak dahil sa sinabi ng doctor, ngayon naiintindihan ko na sya. Hindi pala basta basta yung kalagayan ni Zoren.
Ngayon nakapag desisyon na ako..
Napapikit nalang ako bago ako pumasok sa kwarto ni Zoren. I'm sorry Jean.
Mahal kita, mahal na mahal. Pero wala e, ano bang laban ko sa isang taong nag-aagaw buhay.
"J-jar..ed p-le--" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil sa hirap na hirap sya sa pagsasalita.
Hindi ko sya kayang tingnan.
Tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad palabas..
"Jared" narinig kong tawag sa akin ni mama. Malamang iniisip nya ang bastos-bastos ko nanaman. Kelan nya ba ko naintindihan?
"I'm letting her go" wika ko, at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Dumiretso na ako sa kotse ko at walang habas na pinatakbo ito. Wala na akong pakealam sa pwedeng mangyari sa akin. Ansakit! Ang hirap pakawalan ng taong mahal mo. Walang makakadefine kung gaano ko sya kamahal, kaya nga nung unang naging kami pumayag ako kahit na alam ko naman na hindi nya talaga ako mahal, okay lang sakin kahit isa lang akong malaking hamak na rebound. Pero ngayon! Eto na e, eto na yung part na mahal nya na din ako. Hindi ako bulag at manhid para hindi maramdaman yun. Pero wala e, kailangan ko syang pakawalan kasi may isang taong nangangailangan sakanya! Gusto kong magalit kay Zoren, gusto kong panghawakan si Jean. Pero wala akong karapatan, walang-wala. Unang parte palang naman ng istoryang to, rebound lang ako. Kaya wala akong karapatang mag demand kung anong posisyon ko kay Jean, dahil si Jean ay para kay Zoren at si Jared ay para lang maging rebound. Hindi ko naman kinukwestyon yun, na pag nasasaktan sya ni Zoren sakin sya bumabagsak kasi willing naman ako na maging ganun yung role ko e. Kasi mahal ko sya!
TANG*NANG PAGMAMAHAL!
Hindi ko na kaya! Naramdaman ko nalang ang mainit na likido na tuloy-tuloy na umaagos sa pisnge ko. Kahit lalaki ako, may karapatan din akong umiyak. Sobrang sakit na!
Dumiretso ako kela Drake na pauwi na ng ibang bansa mamayang madaling araw. Napagdesisyunan kong sasama nalang ako sakanila. Tutal hindi din naman ako mahal ni mama e. Wala na akong lugar dito sa pilipinas.
![My Rebound Guy[Short Story]](https://img.wattpad.com/cover/38877467-64-k484256.jpg)