Nang makarating ako sa bahay 1:56pm na pala, umakyat nalang ako sa kwarto at nagpahinga.
---
"Oy! Gumising kana dyan!" At naramdaman ko nalang na may tumamang unan sa ulo ko. Ano ba 'to?!
Uminulat ko naman yung isang mata ko, at nakita ko si Ate na andito sa kwarto ko.
"O? Bakit?" Tanong ko.
"Wala ka bang planong mag-ayos?" Nakataas na kilay na sabi nya.
Napatingin naman ako sa oras sa phone ko at, 5:02 na pala. Hindi ko namalayan nakatulog pala ko kanina.
"Ona! Maliligo lang ako sandali" at pinalabas ko na sya. Medyo maaga pa naman kasi, excited lang! 6:45 pa yun e hays!
Nang matapos akong maligo nagbihis muna ako ng damit na pangbahay, alangan mag gown na kagad ako.
Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko para malaman ni ate na tapos na akong maligo.
Nagulat naman ako nung pumasok sya/sila nung kasama nya. Akala ko ba sya yung magmemake up sakin? Bakit may bakla syang kasama.
At kung ano-ano na ginawa sakin nung bakla, tinuyo nya yung buhok ko gamit yung blower tapos kinulot naman. Ewan ko ba kung anong ginagawa nya. Tapos nagsimula naman syang make-up'an ako.
"Light lang po" utos ko
"Oo, sya ng bahala. Wag ka ng magulo dyan" wika naman ni ate. Ano bayan!
Napatingin ako sa phone ko at 5:30 na kaagad, ang tagal naman kasi nitong baklang to e. Daming arte.
6:05 sakto kaming lahat natapos sa pag-aayos, si mama, ate at boyfriend ni ate yung mga kasama ko.
Dun na kami sumakay sa kotseng dala ni kuya Max(boyfriend ni ate)
Nang makarating kami dito sa school madami ng tao, dumiretso nadin ako kung saan dapat ako pumunta. Nakasalubong ko pa si ma'am Aniana at sinabing 'ang ganda ko daw' tss. Kumpleto nadin naman yung mga contestant dito. 5min. nalang at mag sisimula na.
Zoren's POV
Nagulat ako ng malaman kong pumayag si Jean na maging rep. ng section nila sa Ms. Intramurals, kasi lagi naman na tumatanggi yun sa mga ganyan-ganyan. Ayaw nya daw kasi nakakahiya.
Naalala ko pa nga noong nakaraan na pinilit ko sya sa Ms. Nutrition ayaw nya pumayag dahil nahihiya daw sya. Lagi nyang sinasabi na nahihiya sya, kahit na wala naman syang dapat ikahiya dahil maganda sya.
Ayoko sanang pumunta dito dahil ayokong makita sya, naiinis lang ako sa sarili ko. Kaso pinilit ako nung kabarkada ko kaya hindi na ako nakatanggi.
Naiinis parin ako sa nangyari nung isang araw. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi man lang ako nakapag explain sakanya.
Oo inaamin ko, noong una niloko ko sya nagkaroon ako ng girlfriend. Pero pinagsisihan ko na yun. Kaya nga ako nakipag balikan e, dahil narealize kong mahal ko sya at pinagsisihan ko yung nagawa ko. God knows how.
Pero pakshit lang! Dahil noong isang araw inakusan nya akong may bagong girlfriend nanaman, pero wala naman. Hindi ko girlfriend yung jeniffer na yun! Sya yung nanghalik sakin, hindi ko ginusto yun! Pakshit lang talaga tapos ayun. Hindi na ako nakapag salita noong tinanong nya ako. Una kong sinabi 'sorry' dahil alam kong nasaktan ko sya, for the second time. Mag-eexplain naman ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na wala talaga akong kasalanan sa nakita nya, ayoko ng magtaas ng pride. Alam kong nasasaktan sya sa side nya. Gusto kong ipaintindi sakanya na mali yung iniisip nya.Pero hindi ko na nagawa, tsaka papaniwalaan nya ba 'ko? Tang*na lang talaga, tapos ngayon lagi nya nanaman kasama yung Jared na yun.
Pero nagpapasalamat nadin ako kay Jared dahil, dahil sakanya kaya narealize ko na gago ako para pakawalan ko si Jean.
Napatigil naman ako ng marinig ko yung emcee na nagsalita at magsisimula na daw.
Tumalikod ako at pumunta sa mga pagkain. Magpapakabusog nalang ako. Hindi ko pa kaya... hindi ko pa kayang makita sya. Masakit
"Oy! Pare anong ginagawa mo dito? Di mo nasabi sakin, patay gutom kana pala" natatawang sabi nya. Gago talaga tong si Jerome
"Lul ka! Problema mo?" Tanong ko sakanya, habang kumakain ng marshmallow.
"Tara, nood tayo dun. Malapit na sa talent portion!"
"Ayoko, nakakatamad" sagot ko sakanya.
"Tang*na bro? Bitter kana pala ngayon?" Nakangising sabi nya.
"Pakyu! Mamatay na lahat ng bitter! Tara na nga!" Bwiset. Di naman talaga ako bitter e
"Ang iksi ng mga short pre, nakakalaway!" Wika naman ni Nico ng makarating kami sakanila.
"Tss, ge pakasawa ka" sagot ko sakanya.
"Sungit mo brad? Meron ka?" Nang-aasar na wika ni Ian.
"Pakyu! Mamatay na lahat ng meron ngayon!" Naaasar na sagot ko. Gago talaga tong mga barkada ko.
"Wag naman ganun pre, mamamatay mga chikababes ko" Nico na parang gago.
"Lakompake" walang emosyong sagot ko.
"Candidate number 9"
Kusang napa-angat yung ulo ko at napatingin sa stage.
Ang ganda nya ngayon-hindi mali, lagi naman syang maganda e. Naiinis nanaman ako sa sarili ko dahil ilang beses ko na syang napa iyak.
Nang matapos syang rumampa sa outfit nyang pangbasketball tumalikod na sya... *lunok* para u-umexit...
Mineses..
FUCK! sila na ulit?
Tumalikod na ako para umuwi. Pakshit na buhay! Mahal nya ba talaga 'ko? Bakit sa twing magbebreak kami may bago na kaagad sya. Tang*na lang! Ansakit, para akong sinampal ng sampung beses!
"I dedicate this song to someone i really love" narinig kong wika ng isang lalaki. Wala akong pakialam sakanya. Dere-deretso lang ako sa paglalakad tumatabi naman sila pag dadaan ako.
'Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Sa 'twing magkahawak ang ating kamay ...Nagsimula ng kumanta yung lalaki, sana pala kumanta din ako. Di hamak na mas maganda naman yung boses ko sa isang yun. Tapos yung kakantahin ko 'sorry na. Hays! Di ko naisip yun a!
Nang matapos kumanta yung lalaki.
"J-jean Fuentes? Candidate number 9 pwede ba kitang ligawan, for the second time?"
Napako ako sa kinatatayuan ko.
At nabadtrip nalang ako sa sunod na ginawa ko.
Napalingon ako sa stage at nakita kong nakaluhod si Jared sa stage hawak hawak yung gitara nya. At nasa harapan nya si Jean.
Hindi ko na narinig yung sunod na nangyari, ang alam ko lang tumakbo na ako papuntang kotse ko. PAKSHIT!