G

65 3 0
                                    

Jared's POV

May ngiti ako sa mga labi na dumating ng bahay. Para na nga akong tanga na kanina pa ngiting-ngiti.

Umuwi lang naman ako para maligo. Babalikan ko din naman sya dun agad.

Super thankful talaga ako kay tita dahil ipinagkakatiwala nya sa akin si Jean. Andami kong nalaman tungkol sakanya.

Unang-una na don ay takot sya sa dilim.

Hindi sya marunong magluto, Puro oversize t-shirt at maiksing shorts lang yung mga pambahay nya. Hindi sya komportable pag hindi nakafold yung t-shirt nya. Hindi sya umiinom ng gatas.

Kung paano ko nalaman yang mga yan? Syempre dahil kay tita, sinabi na nya sa akin lahat. Kaya nga sobrang saya ko talaga dahil sa pinagkakatiwalaan talaga ako nila tita. Para na nga akong bakla dahil sa sayang nararamdaman ko.

Pero kahit alam kong hindi sya umiinom ng gatas, nag-iwan padin ako. Syempre! Kailangan nya yun, pano sya lalakas?

Isa pa pala, sobrang thankful din ako dahil anlakas maka timing nung brown out kagabi. Nayakap ko tuloy sya. Hahaha!

"Uy bro!" Salubong sa akin nung pinsan kong si Drake, nang makapasok ako sa bahay. O? Bat nandito to, ang aga naman atang umuwi. Sa ibang bansa kasi nakatira yan. Pero magaling naman mag tagalog.

"Ang aga mo atang umuwi ngayon?" Tanong ko sakanya. Mas matanda ako sakanya ng dalawang taon

"Napa aga lang" natatawang sagot nya

"Hi ma, hi tita. Hi po" bati ko naman kela mama at sa amiga nya at kay tita Christine nadin na mommy ni Drake. Nang mapadaan kami sakanila

Hindi naman ako pinansin ni mama dahil busy sya sa pakikipagchikahan. Nginitian lang naman ako ni Tita.

"Well, ayoko talaga sakanya simula palang nung una. Hindi ko lang masabi kay Zoren" aksidenteng narinig kong sabi nung kaibigan ni mama.

Zoren? Zoren Alcantara? Yung manlolokong ex ni Jean?

Napalingon naman ako sa kausap ni mama. At agad na napalitan yung aura ng mukha ko na kanina pang masayang-masaya. May pagkakahawig nga sya kay Zoren, malamang anak nya nga ata. So yung tinutukoy nyang babae si Jean? What? Bakit hindi ko alam na kaibigan pala ni mama yung nanay nung lalaking yun.

Pero malamang ano naman bang pakealam ko sa mga kaibigan ni mama?

"Bakit? Ano ba ginawa nung babaeng yun. Hindi ko pa sya nakikita pero parang naiinis na ako sakanya. Same university lang sila nila Jared right? Oh my gosh! Baka landiin nya din yung anak ko, well ehem. Alam mo naman yung anak ko, gwapo" narinig kong wika ni mama, hindi ko alam kung mapaflattered ba ako sa sinabi nya o hindi e. Pero dun nalang siguro sa hinde! Bakit ngayon ko lang nalaman? Mapanghusga pala yung nanay ko! Hindi pa nga nya nakikita si Jean e! Buti nalang at kay papa ako nagmana.

"Jean yung nabanggit sa akin dati ni Zoren.
Mare, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Zoren. Alam mo naman na bawal sakanya ang iminom ng alak dahil sa sakit nya, pero hindi ko na sya mapigilan. Walang oras ata ngayon na hindi sya umiinom"

May sakit yung gagong yun? Tama lang yun sakanya. Kahit nga mamatay na sya e, karma nya yun.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nawalan ako ng gana. Naiinis ako! Ansarap sapakin ni mama tsaka nung kaibigan nyang ang andrama drama! Pano ko ipakikila si Jean nito? Badtrip naman o, balak ko pa naman syang ipakilala ngayon!

Nang matapos akong maligo, nagmamadali na akong bumaba para makabalik na ako kay Jean. Baka kasi may mangyaring masama sakanya, sakin panaman sya ipinagkatiwala ni tita.

"Ma, alis nako" walang emosyong pagpapa alam ko.

"O? San ka nanaman pupunta? Hindi kana nga natulog dito kagabi. Samahan mo si Drake o"

"Huh? San naman kami pupunta anlakas lakas ng ulan" iritableng sagot ko

"Punta 'kong batangas bro. Sige na samahan mo na ko!" Singit naman ni Drake

"Gagawin natin don?" Tanong ko

"Bibisitahin ko si Dad" walang emosyong wika nya

Hays, oo nga pala nakalimutan ko. Everytime na umuuwi sila ni tita dito sa philippines binibista nya si tito Owen sa batangas na may ibang pamilya na. Hindi ko alam ang gulo ng pamilya, kairita!

"Ona ona" iritang wika ko

Pumunta na kami kung saan nakapark yung kotse nya. Itetext ko sana si Jean kaso lowbat na yung phone ko at wala na din akong time para mag charge.

"Patext nga" wika ko, pagkasakay namin ng kotse.

"Hindi ko alam kung may load pa 'ko. Haha, pero try mo na din" natatawang abot nya sa akin nung phone nya.

Buti nalang at kabisado ko yung number ni Jean.

Hays, nakakainis naman. Babawi na nga lang ako bukas sakanya.

My Rebound Guy[Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon