E

75 5 0
                                        

Parang baliw si Jared, bago magshoot titingin sakin. Pag hawak nya yung bola titingin sakin. Minsan naaagaw, minsan naman na sho-shoot nya. Feeling ko nga super pula na ng mukha ko.

Nang matapos yung second quarter lumapit sya sakin at inabutan ako ng towel?

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko

"Punasan mo ko" nakangising sabi nya.

Kahit pawis na pawis sya ang bango nya parin.

Nilagay ko naman sa dibdib nya yung towel.

"Kaya mo na yan"

Pero nagulat naman ako ng punasan nya yung mukha ko.

"Sabi ko punasan mo sarili mo, pawis kana o! Gusto talaga ako pa magpupunas e" nakangising sabi nya.

"Wala ka--"

Di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil start na ang 3rd quarter. Hays! Baliw talaga, wala naman talaga syang sinabi e.

First time akong kinabahan sa panonood ng basketball, actually first time ko din manood. Di naman kasi ako mahilig sa mga ganito. Kinakabahan ako di dahil sa lamang ang kalaban kundi dahil baka may mangyaring masama kay Jared. Super pisikal kaya ng laro na yan. Syempre may pakialam din ako sakanya.

3rd half na at lamang na sila ng dalawa.

hawak nya yung bola ngayon at dinidrible nang biglang inagaw ng kalaban yung bola... at aksidenteng natumba sya...

Nabagsakan ng katawan nya yung paa nya.

"JARED!" napasigaw talaga ko dahil nakita ko kung paano sya bumagsak at ngayon ay namimilipit pa sya, hindi sya makatayo.

Dinala na sya sa bench at nilapitan ko sya. Ayaw pa nga ako palapitin kung hindi nya lang sinabi na "kailangan ko sya" muntik ko na nga masapak buti nalang injured sya.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko sakanya nung makalapit ako sakanya.

"Okay lang ako andyan ka e" at tumawa pa sya sa sinabi nya.

Pinalo ko sya ng mahina sa braso. "Ano nga?! okay ka lang ba, anong nangyari sa paa mo? Masakit pa ba?"

"Okay lang ako, it's part of the game" nakangiting sabi nya. "Yie! Nag-aalala sya!" Dagdag pa nya.

"Che! Sige bahala ka dyan"

Akmang tatalikuran ko na sya ng hilain nya yung braso ko.

"Dito ka lang sa tabi ko please?" Tss.

"Ona!" At umupo na ako sa tabi nya.

Dahil kung lalabas din ako, baka di ako makalabas ng buhay at kuyugin ako ng fans club nya.

Wala naman syang imik, nanonood lang sya ng laro. Tapos iinom ng gatorade, tapos manonood ulit. Ako naman hindi na nakafocus dun sa game.

Maya maya, sabi nya ay papasok na daw sya.

"Wag kana pumasok, naano na nga yang paa mo o!" Utos ko sakanya.

"Don't worry babe im alright" nakangiting wika nya.

"Babe?" Inirapan ko lang sya. Bahala sya, gusto nya maglaro e.

Pumasok na sya, at medyo paika-ika syang maglakad pero pinipilit nyang lumakad ng maayos. Tss! Kulit kasi e.

Last 2min. Nalang at lamang ng dalawa ang kalaban. Agawan lang sa bola ang ginagawa nila, hindi ko naman kayang idescribe dahil wala akong alam sa larong yan.

Nagulat naman ako ng makitang last 10sec. nalang at lamang padin ng dalawa ang kalaban.

9

8

My Rebound Guy[Short Story]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon