Highschool Life

52 4 0
                                    

1st year HS


Ah pasaway. Medyo di pa makapaniwala na HS pa eh. Medyo nagulat pa ko sa environment ko kasi yung iba galing sa ibang school ganun ganyan tapos ang angas angas na sarap sapakin. Wahttt. May barkada na agad. Medyo malaki kasi since kinder magkakilala na eh. Iyakin ako nung 1st year at isang tao lang ang rason. Yung katropa ko lang. Ako trip eh crush ata ako chareng.

May mga kaibigan na agad kaming higher years. Trip naman namin eh mga elementary. Lagi kasi kaming tumatambay sa may quad naglalaro mga ganun eh may mga elem na medyo makulit eh. Naghahamon. Oh pinapatulan din namin. HAHAHA anakng. Di pa kami makagetover. Feeling elem pa din kami. Ayun. Ang girly ko nung 1st year. Ang laki ng mga headbands ko. Sagwa HAHAHA. Tapos crush ko 4th year na tapos nalaman ko nalang na pinsan ko pala yun aba masocket. HAHAHA.

Favorite subject? Dismissal. HAHAHA. Pinakaayaw ko na subject nung 1st year... Florante at Laura. Pakialam ko sa lab story nila. Haharot. Lalandi. Wahtttt. De, sa totoo lang wala nakong matandaan. Anyare ba? HAHAHAHA. Yung teacher namin eh ang hina ng boses. First row na nga kami nakaupo pero la pa rin. Pwet lang nya nakakarinig ng boses nya :( awwwwwww ang bad ko. Ge.


2nd yr HS


Ah eto matino na 'ko. Ang tahimik ko. Yung iba ko kasing tropa nabalibag sa 2nd section tsaka 3rd section tas yung iba lumipat pa. Konti nalang kami sa 1st section. Nagbago na rin circle of friends ko, mga banal. Lakas maka-alive alive alive forermore charot lang. Basta mababait na. Ena ang bait ko talaga nung 2nd year pa 'ko. HAHA seryoso ako. Pag sabado ginagawang tambayan bahay namin eh. Parang may meeting lang. Eh halos lahat ng classmate ko dinadalaw ako. Ay di ako ang sadya uy. Yung PS2. Footspa. Nag-aagawan sa controller mga ganun. Ayos naman sila eh kasi may dala naman silang foods kaso yung mga kalat... ge nalang basta may fuds. One time nga yung isa kong tropa dun na nagpablowout sa bahay namin. Pambansang bahay ng first section ang bahay namin. Pero oyyyy. Hahaha ang daming nangyari nung 2nd year sa section namin, sila nag-aaway na nagiiyakan nag susuntukan ako tahimik lang. Wallflower kumbaga.

May eksena pa nga dati eh, open forum kunwari na nauwi sa madramang churvahan. Kajirits. Audience lang ako syempre pero enjoy na enjoy ako. Eto yun. Joshua yung name ng guy. Wait natawa ako. Hahaha ang gwapo naman nya. Tatlong girls yung... Eto... Yung ex nya nagpahayag nang saloobin chenes ganito ganyan tapos yung babaeng nagkakacrush naman kay Joshua binuhos din mga shits nya. At same lang sila ng pinaglalaban ha (sina ex at si girl na may maitim na pagnanasa kay Joshua since 1st yr). Target nila yung present ni Joshua. Ayun nagsalita na si Joshua. Tahimik ang buong klase. Wow 3d na drama to ah. Blablabla hanggang sa di na kaya ni present. Ayun nag-walk out habang umiiyak. Ang tense grabe. Hinabol sya agad ni guy. Wala lang. Ang drama nila. 2nd year HS pa pero ganyan na kadrama. Ba yan.

Ay nga pala ahihi. Crush ko nung HS pako eh kamukha ni AJ Perez pero awa ng Dyos, nasa semenaryo ngayon. Oh nganga. HAHAHAHA malas ko nga naman. Ge.


3rd yr HS


Ah eto nasa Dark Age na tayo. Wahtttttt. HAHAHA eto matinde, daming drama lalo nung intrams. Ena eto yung year na medyo friends na kami nung magpapari HAHAHA anakng kilig naman ako? Aba syempre. Pero matinde talaga 'tong year na to eh. Seryoso. Ayoko nang ikwento. Akin nalang yun chareng. Sa totoo lang di ko alam ano talaga source nung problem eh basta nagalit talaga yung isa namjng tropa sa'min dahil sa prank namin. Oh ena bumabalik na naman yung kalokohan nung first year HAHAHA. Ay may crush din ako eh yung senior, kamukha ni Andrew Garfield pramis. Nung Valentines day binigyan ko ng letter ANG LANDI ANG HAROT LANDIAN FESTIVAL LANDIRTY LANDILICIOUS hahahaha oyyy yung mga tropa ko kasi eh. Nauso kasi yung bigayan ng letter nun. Magbayad ka lang ng wanpiso mga BOD na bahalang magpadala ng letter mo sa crush mo. Bwahaha. Oh tapos ang sinabi ko lang sa letter eh mga lyrics ng kanta o diba bungga. HAHAHAHA eh wala naman akong masabi eh. Napilitan lang akong magpadala ng letter, mga tropa ko talaga ang umaariba sila nga tong daming nasabi sa mga crush nila eh. HAHA

Ah 3rd year din ako nagka-boypren kuno. HAHAHAHA pero ena ang hirap pag boypren mo kilala sa campus tas suki sa Campus Idol chenelen. Ang daming humaharot sa kanya bhe. Sya naman minsan humaharot din kaya nung may nagsumbong sakin ayun sinampolan ko ng one word chenes si boypren kuno. Natakot. Inaway pa yung nagsumbong. Luhhhh. Grabe suyo nya nun. Yung buhok ko humaba ng 2 inches. Charot.

Ah eto pa. Bawal magdala ng phone dati eh. Yung principal pumpunta kada room tapos chinicheck yung bag mga ganun. Syempre may taga alert kami eh one time sumigaw yung bantay namin: "Principal guys!" lahat nataranta. HAHAHA footspa. Laptrip talaga yung iba nilagay nila sa bra anakng. Yung iba sa sapatos, yung iba naman sa likod ng blackboard hahaha eh ako tarantang taranta na nilagay ko sa lunchbox. HAHAHA tapos ayun 2nd section at 3rd section lang pala trip ni principal. Medyo nagpanic kami ha. Medyo lang.


4th yr HS


Eto masaya. Mas lumaki circle of friends ko. Eto na yung year na medyo balance na yung mga friends kong babae at lalaki.

Sa classroom namin kaming tatlo njna Jen at Dana ang pinakaclose. As in pinaka. Lagi kaming magkadikit tatlo. Parang kaming tatlo lagi suki pag may quiz bee o essay writing contest anakng kabayo walang ganyanan. Pero saming tatlo sumusunod yung mga classmates namin. Kami batas eh nyarot.

Kung may sumusunod, meron namang sumusuway. Dito papasok sa eksena sina Nikko, Gene at JJ. Kung kami ang batas ng section namin sila naman ang mga kilabot kunwari. Suki pag usapang Mr. Intrams o kahit anong Mr. Chenes dyan. Eh sa talagang may chura naman sila. Si Nikko, chinito. To legit na gwapo. HAHAHA 1st year pa kami dami na nagkakacrush sa kanya. Si Gene naman kamukha ni Migz Haleco. Yung ilong pre panalo. Sama mo pa ang hairstyle, aba matinde Migz Haleco na nga. Si JJ naman ang mukhang santo. Lakas maka-Santino ang mukha eh at ang ugali (nung first day lang).

Sa year na to nauso ang feasibility shits and thesis. Pamatay na mga projects. One time kaming kasali sa team thesis naisipang mag halfday. Ay may isang ayaw umabsent edi sya nalang ang eyes and ears namin nun. Ayun enjoy na enjoy na kami kakapanuod ng youtube videos imbis na gumawa ng thesis nang biglang nagtext si eyes and ears sabi: "Goodluck sa'tin sa MAPEH" haaaa? Bakit? Bakit? Ano yun? Waht. Eto kasi. Project namin sa MAPEH sumayaw ng mga chenes eh nasaktong Waltz samin ayun panes. Eh wala nga kami nun, di namin nakontrol ang mga pangyayari. May nadagdag sa group namin (Si JM -babae to kalma- ,Rhonmar, Gene, Nikko at JJ) anakng samin napunta ang mga tatlong hudlom. Waht hahaha. Walang tumatanggap sa kanilang tatlo kasi mga pasaway ngaaaa. Ena pasaway nga. Ayaw sumali sa praktis. One time naiyak na talaga si Dana ayun nainis na rin ako at talagang inaway ko na si Nikko (leader nila naks) sinapak ko, uppercut, copycat, high-cut hahaha chos lang. Inaway lang. HAHA yung grado namin nakasalalay uy. Ayun tumino.

Every night kami lagi nagpapraktis. Pero one time nagloko na naman tong si Nikko at JJ nainis na sina Gene at Rhonmar muntik nang magsapakan. Sayang. Sana natuloy. HAHAHA. Basta dahil dun naging close kami at dun ko nakilala ng bonggang bongga si Nikko, mabait sya. Parang si Young Do, mga ganun. Ena this. Hahahaha. Ayun. Basta nakilala namin silang tatlo ng lubusan. Mababait naman sila eh. Oo medyo maangas nga dating nila. Medyo bad boy. Pasaway. Pero... tao lang din sila yknow. HAHAHA ge.

Tapos ayun ang saya kasi solve yung thesis namin medyo asar kasi inggit na inggit ako sa mga kinakain ng mga panelist nun eh footspa muntik na kong mawala sa focus. Ah baka may focus. Hahahaha. Tapos nung prom, dingbads partner ko. By height kasi. Malditang dingbads. Sarap upakan. HAHAHA graduation na yung baklaan moments. Medyo naiyak ako. Medyo lang HAHAHAHA. Pusong bato peg ko nun. Tigas sila ngumangawa na ako pagkain nasa isip. Iniisip ko san ba kami kakain pagkatapos neto chareng. HAHAHA.

Yun highlights ng porth year layp ko ge.

#P.I.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon