April 2013.
"Hi ang cool ng theme mo. Dark Side of The Moon ng Pink Floyd. Ayun lang."Simula nun naging magkaibigan tayo. Nagkakasundo tayo lalo na pag music na ang pinag-uusapan, pareho kasi tayong mahilig sa mga old songs.
May 2013
Hindi ko alam kung seryoso ka ano pero lagi mong sinasabing "Gusto kita." "Wala akong pake kahit astang lalaki ka basta gusto kita" "Gagawin kitang babae" "Pag ma-fa-fall ka sakin sasaluhin kita." "Sakin di ka masasaktan". Eh putangina naman alangan naman sasabayan agad kita sa trip mo? Pabebe muna. Titingnan ko muna kung seryoso ka ba talaga o sadyang malandi lang.
June 2013Di ko alam kung anong nakain ko pero parang binigyan kita ng hint na gusto rin kita. Wala lang. Parang gusto ko na ring malaman mo na gusto rin kita matagal na. Habang nasa kahabaan ka ng lecheng EDSA naisipan mo kong kausapin kasi pota traffic daw.
"Oy. Ano?"
"Traffic eh. Mga ilang oras na rin ako dito."
"bla bla bla bla"
"bla bla bla"
"bla bla bla bla bla"
"bla bla"
"Ah gusto din pala ako ng taong gusto ko."
"Teka, ano sabi mo? Pwede pakiulit?
"Wala."
"Crush mo rin ga ako?
Di na ko nagsalita"Sinwerte nga naman ako oh."
July 2013
Nawala connection natin. Busy tayo pareho. Ikaw, bilang isang MAS student. Ako naman bilang isang Tourism istupident.
August 2013
Nakausap kita ulit. Medyo awkward nga lang kasi... ewan. Matapos ko kasi sabihin sayong feeling's mutual bigla nalang nawala lahat. Biglang croo croo. This time balik tayo sa dati, nag-aasaran ulit tayo. Tulad lang nung dati.
September 2013
I gather all my courage, it's now or never. Nagconfess ako sayo. September 10. 12 midnight. Binuhos ko lahat. Akala ko magagaya lang ako 2 years ago, akala ko masusupalpal na naman ako pero I'm wrong, di mo ko binigo. Ang ending? Happy ending. Waht loljk. And simula nun parang may something na tayo and to be honest ikaw ang pinakaunang lalaki na ina-allow kong tawagin akong babe o baby. You fill my life with colors. Sayo ko lang naramdaman kong ano ang feeling ng maging special. Basta, di ko maexplain.
October 2013Okay naman tayo. Normal. May konting away pero nagbabati din naman. Di ko talaga makalimutan yung nag-away tayo ng isang linggo, ni isa satin di nagsasalita pero ikaw ang unang bumigay. "Di ko na alam anong nangyayari sa ating dalawa. Namimiss na kita." nung sinabi mo yun dun na. Ayun na. Sinabi ko sa sarili ko na ikaw na. Oras na para magseryoso, doe seryoso naman ako sayo dati pa pero this time intense na seriousness level na ituuuu. Ako, di ako showy na tao, pero pagdating sayo... labo pare. Araw araw kitang pinapadalhan ng letter at hindi ako nagsasawa o napapagod. Basta para sayo.
November 2013
Naging malabo na ang lahat. Kinakaya ko naman, iniintindi naman kita. Alam kong lagi kang busy sa plates at kakaskateboard mo pero minsan nakakatampo na rin eh kasi nawawalan ka na talaga ng time sa'kin. Naghahanap ako ng paraan para magkaron tayo ng quality time pero lagi ka nalang busy and parang di na gaya ng dati. I don't know, ang bilis pero biglang nagbago na ang lahat.November 10, binigyan kita ng letter. Panghuling letter ko para sayo akshali.
November 11, nag-sorry ka sakin. Nagsorry ka sa ugali mo, nagsorry ka kung bakit di mo daw maibalik sakin lahat (wtf di ko hiningi na ibalik mo lahat oras mo lang ayos na), at eto nagsorry ka kasi di mo naman pala ako ganun kagusto at ako nalang daw bahala sa nararamdaman ko. Puta, edi wow. Salamat chong.
December 2013
Nagsorry ka. Gusto mo makipagbati. Friends daw. Dyos nga nagpapatawad, ako pa kayang tao lang? I forgive but I never forget. Oo tinangggap ko sorry mo pero masakit pa rin. Natatandaan ko pa rin lahat. Bumabalik ka na naman sa dati, nagiging madaldal ka na naman. Parang nung April lang. Parang walang nangyari. Parang wala lang.
January 2014
Di ko makakalimutan ang kaarawan mo syempre. I miss you.
February 2014
"Tensionado. Nagulat din ako nung malaman na hindi lang pala ako yung nanghinayan nung nan-away tayo nun at natuluyan sa iyakan at tampo." Nasabi na ng Soapdish. Nalaman kong nanghinayang ka pero huli na. Kami na ng best friend mo.
December 2014
Heto. 3rd year Tourism istupident na. Hinihintay ko nalang ang Christmas break. Alam kong isang taon na ang lumipas pero natatandaan ko pa rin ang nangyari simula nung una tayong nagkakilala hanggang sa nawalan na tayo ng communication. Music buddy, ilang buwan na rin kitang iniyakan. Ilang buwan na rin kita palaging kinikwento sa blog ko. Ilang buwan at ilang gabi na rin kitang gustong kausapin ulit. Namimiss na kita. Hindi ko alam bakit nangyari yun. Sa tuwing may naririnig akong old songs, ikaw agad naaalala ko. Sa tuwing may nakikita akong mga drawings o plates, ikaw na naman naaalala ko.Gusto kitang makausap ulit. Ewan ko kung sinong asshole sa ating dalawa, basta sorry. I miss you. I miss you so much it hurts.