3rd year HS ako nun. Saktong Valentines day. Eh may activity yung BOD eh. Syempre pinatulan naming magbabarkada. Eto yun…
Letter - magbayad ka lang ng wanpiso at sila na ang bahalang magpadala sa letter mo sa crush mo o kaya sa boypren/gerlpren mo o ka-MU mo kaya kalandian mo.
Medyo public na letter - walang bayad pero babasahin ng mga BOD sa room ng pinadadalhan mo ang message mo.
Harana - Magbayad ka lang ng bente tas kakantahan ng official songer ang gusto mong… alam mo na. Gets mo na uy. Ayoko ng pahabain.
So ayun nga. Yung pinili namin is yung letter na medyo private. Di ko pa alam sino papadalhan ko eh, kaso nung tinanong ko mga tropa ko sabi nila crush daw nila papadalhan nila edi sige, yung crush ko nalang susulatan ko. Pero di ko yun crush na as in crush na crush. Hinahangaan ko lang sya. Yun lang. Tas ayuuun sinulatan ko. Nga pala yung papel na gagamitin pang chuchu is hugis puso. Naman. Syempre pinuno ko. Sayang piso ko eh.
Pero di lang dun nagtapos. Mga tatlong beses kaming pabalik balik dun sa nagbebenta ng hart shape chuchu na BOD edi tatlong beses din namin pinadalhan yung mga kras namin. Haharot. Pero sila lang ha. Peer pressure eh. Waht HAHAHAHAHA.
Hapon na nun. Naisipan naming mag-CR (sila lang pala, sumama lang ako kaso gusto kong lumabas. Kasawa pagmumukha ng mga classmate ko) nasakto namang nasa likuran lang pala namin yung pinadalhan ko ng sulat. Eh magkakilala sila nung isa kong tropa eh kaya ayun, chinikabels ni tropa.
crush: may kilala kang *insert my pseudoname*
tropa: hihi. natanggap mo pala? oo kilala ko yan
crush: pakisabi sa kanya hi. gusto ko sana syang replyan kaso di ko naman sya kilala.
Anak ng tokwa. Nasa unahan lang ako nun kaya klarong-klaro sa ‘king pandinig ang lahat. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA wala lang natatawa lang ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Tas the next day nabalitaan kong wala na sila ng jowa nya. Tas ayun pala naintriga si girl kung sino daw si *insert my pseudoname*. Huhuhu. Ang awkward awkward tuloy pag nagkikita kami sa hallway. Panginoon. Tas ayun lang. Eto naman si girl uy, masyadong selosa. Wala naman akong sinulat sa letter kung hindi mga lyrics lang. Dyan lang naman ako magaling eh, dinadaan ko lahat sa lyrics. HAHAHA.
Binasa mo? Salamat ha.
(PS: Di ko alam ano ibig sabihin ng PS pero ginagamit ko pa rin, enlighten me chareng. Napansin nyo bang andami kong "HAHA" sa entry na 'to? Ha? Napansin nyo ba? Galing kasi 'to sa blog ko at naisipan kong isali dito. Ayun lang. Wala pa rin akong pinaglalaban kasi PIOLO)