Ang shayldhud shitheart ko ena nyo. Magkaklase kami nung Grade 1 chenelen. Seatmate kami. Kung ipapadescribe nyo sa’kin si Daniel (nung moment na yun), ang una kong masasabi is maputi. Ang puti sobra, kulay nitso na nga eh. Payat. Parang ako lang. Palaging nagdodrawing sa papel nya tas ang mas malala nagdodrawing na nga may kasama pang narration. Ang ingay sobra. Pero minsan pinapatulan ko naman mga shits nya. Yung mga dinodrawing nya? Barko. Stick man. Espada. Baril. Basta yung mga laging dinodrawing ng mga batang lalaki. Tas ang nina-narrate nya? "Ako ang prince. Tas ikaw ang princess. Ililigtas kita sa dragon. Yaaaaaah. Heeeeyaaaaa. Boom. Pew pew." May sound effects. Taray. Every recess naman, naglalaro kaming mga girls ng Cardcaptor Sakura shits. Bale, ginagaya namin si Sakura. Ako daw si Sakura. Kupal eh. Pabayaan nyo na. Bata pa ‘ko nun eh. Tas talagang magvovolunteer sya as Lee. Tas eto pa, nung naipit kamay ko sa pintuan ng room namin talagang umiyak slash sumigaw ako. Di ko talaga makalimutan yung lumapit sya sakin tas talagang may nag-aalala-ako-face. Iniinterview nya yung teacher namin kung gagaling pa ba daw kamay ko? Okay lang ba ako? Mga ganun. Natatawa talaga ako pag naaalala ko ang mga momentssss na ‘yun. Pero ayun nga, hanggang dun lang kasi kailangan nyang tumigil muna sa pag-aaral kasi nga may sakit sya. Kaya pala maputi, anemic lang pala. Naalala ko nga yung moment na sumuka sya sa room. Ayun pala. Medyo sakitin.
Second and last encounter namin is nung may handaan sa kanila. Yung mudra ko, mudra ni bespren at mudra nya eh magbabarkada kaya shemps invited kami. Dun ko sya ulit nakita. Aba, nahiya pa ang gegu. Sabi naman nung mudra nya nahihiya si Daniel sa’kin. Taray.
Tas yun lang. Pagkatapos nun wala na. Wala na as in wala na. Wala nang communication. Wala na rin akong balita sa kanya. Naaaang biglang…
LAST MONTH.
Mudra: Nagkita kami ni Tita Ann-Ann mo kanina (mudra ni Daniel)
Me: Yung mama ni Daniel?
Mudra: Oo. Kinakamusta ka nga eh. Nga pala lilipat na si Daniel sa LSU next sem. Tourism kukunin nya.
LAAAAYK WATDAAAAA… Matic kong tinext bespren ko. Sabi naman ni bespren nakita na nya daw si Daniel, maputi’t payat pa rin. Pero gumwapo.
Anak ng tokers naman. After 48 years magkikita ulit kami. Ampness. HAHAHAHAHA nahihiya na ‘ko eh. Sht. Tas nga pala, kung transferee sya tas officer ako next sem… edi kami magwewelcome and shit sa kan… kanila. HAHAHAHAHA pero syempre kasama na sya. Nakakahiya pa rin. Ang tanong, naaalala pa kaya nya ako?
(posted this on my blog last March 25, 2014)
--------
PS: Di ko pa rin alam ano ibig sabihin ng PS pero gagamitin ko pa rin, eto seryosong PS. September na ngayon pero pota akala ko magkikita ulit kami deins naman pala eh. Nice. #Paasa #Umasa #Masaquette #Xet