Dear future boypren

44 3 0
                                    

Dear future boypren ahihi. Naks dumedear nampota. Wala lang, trip ko lang magdear sayo. Di ko alam kung asan ka ngayon, ano ginagawa mo, sino kausap o kalandian mo ngayon. Basta magkikita din tayo soon o baka malay natin nagkita na pala tayo. Wag tayo puro patweetums, nakakasawa din eh. Dapat may konting kalokohan naman tayo. Yung tipong pupunta tayong FOREVER 21 tapos sisigaw tayo ng "Gago walang forever" tapos sabay tayong kukuyugin ni kuyang guard mga ganern ahihi. Sabay tayong magkape, magkwentuhan tayo. Random shits. Tapos pag high na tayo masyado sa kape pumunta tayo sa isang crowded place, park pwede o plaza pwede o mall, much better basta madaming tao tapos pupunta tayong gitna at sabay nating kantahin ang Bohemian Rhapsody by Queen with feelings. Piyukin man o sintunado, gora pa rin. Tumakbo tayo na parang baliw, magvandal tayo. Sumakay tayo ng rides. Pumasok tayo sa horror house, ang sisigaw o matatakot manlilibre. Waht. Roadtrip tayo, soundtrip na rin. Angas. Sabay tayong kumain ng pizza tsaka fries. Tumambay tayo sa rooftop, magtulakan tayo dun. Mahulog patay. WAHAHAHAHA biro lang ahihi. Gumawa tayo ng mala-Moymoy Palaboy na video. Masaya yun. Pareho tayong magsusuot ng onesies. Lumabas tayo na parang may topak, magbabakla-baklaan ka tapos ako tomboy ang peg kunyari. Akshali andami ko pang kalokohang gustong gawin kasama ka, magpakita ka gago ha HAHAHAHAHAHAHA gusto ko kasing manggago kasama ka.

#P.I.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon