"music buddy"

56 1 0
                                    

SIYA.

Siya. Summer of ‘13 ko siya unang nakilala. Medyo bad boy ang dating. May bisyo. Umiinom at nagyoyosi. He loves to drive. Drive by Incubus din ang favorite song nya. Muntikan naging atheist pero nagbalik loob din. Demonyo ang tawag nya sa sarili nya. He’s an artist. Leadista. Medyo naadik sa skateboard pero mukhang tumigil na ngayon, busy na kasi sa photography and shit. Three thumbs up! Ang layo na nang naabot mo. Nagkakaintindihan kami pag usapang music lalo na pag oldies. He said gusto nya ko at kahit pinapamukha ko sa kanya na lalaki ako wala pa ring epek, "Ah basta gagawin kitang babae. / Wala akong pakialam basta gusto kita"One time tinanong nya ko ano raw favorite song ko eh syempre di pwede ang isa lang. Madami eh. The next day nakita ko nalang sa blog niya lahat ng favorite songs ko. Legit happiness naramdaman ko nun. Eto pa, nangako sya na kakantahan nya ko ng So Weightless inaaral pa lang nya sa gitara. 3 months passed nawala communication namin.

August, nag-krus ulit landas namin. Wow ha. At dun, dun mas naging seryoso ang mga shits. Dito papasok sa eksena ang tinatawag nating mukhang kayo pero hindi. Alam nyo ba kung bakit ayokong tinatawag ng babe? Sya lang kasi ang tumatawag sakin nun. September 10, 2013 may sinabi sya sa’kin: "Sai, sabay tayong makikinig ng 80s songs. Sabay tayong kakain ng pizza. Sasabayan na rin kitang manood ng horror movies kahit natatakot ako." natatandaan ko pa yan syempre. Naging sweet na ang gago at may plano na kami na sabay kaming manunuod ng TFIOS kahit alam naming 2014 pa ang labas. Alam nyo bang sa kanya lang ako legit na kinilig? Lakas amats eh. Sya ang boy version ko. Seryoso ako sa kanya. Inaamin ko gusto ko na rin sya talagang denial lang talaga ako since April 2013. Ilang beses din kaming parang nag-aaway. O diba, parang kami talaga. Walang label. Taray. May isang away kami na talagang umabot ng isang linggo. Di kami naguusap nun, di nagpapansinan. Pero ayun pareho lang kaming kilos zombie. Lutang. One time sya na talaga ang unang lumapit at nagtanong: "Sai, anong nangyari sa’tin? Di ko na alam anong gagawin ko." ena di ko na papakawalan ang taong ‘to. Simula nun naging showy na ‘ko. Eto na. Gora na ‘ko. Sesettle na ang restless ko na puso chos. Ang corny ko nun pramis. Everyday may letter akong ginagawa para sa kanya. Basta araw araw ko pinapadama sa kanya na importante sya sa’kin. Hanggang sa dumating ang araw na sinabi nya na: "Ikaw na bahala sa nararamdaman mo."parehe I can’t… umikot mundo ko ng 360 degrees. Mali. Mali ang desisyon ko. Wrong move. Sana di ko binigay sa kanya ng buo ang puso ko dahil mahirap na pag magkandaleche leche na ang sitwasyon. Wala nang matitira sa’kin. At ang pangit ko pala pag ganito ako kaseryoso guys kaya lagyan natin ng HAHAHAHA. So alam ko na ano ibig sabihin ng wasak na puso. Alam ko na pano maging sawi. Seryoso, ang thaket. Ang thaket thaket. Seryoso na ko oh. Eto na oh.

Eraserheads, pasok! (Kung kelan ka naging seryoso saka ka nya gagaguhin). Simula nun kahit nanunuod lang ako ng Myx, wala na. Iyak agad. Ay wait guys, anakng. Biglang nagplay ang Babe by Styx. Ang ganda ng timing. November nung bumalik naman sya at nagsorry sa’kin pero wala na. Bato nako. Stoned. Waht. HAHAHAHA tinanggap ko sorry nya, tao lang ako syempre. At hindi mataas ang pride ko. Di tulad mo! Napansin kong bumabawi sya pero ayoko na. Tama na. Ayoko ng round 2. Kota na ‘ko. Pero anyare? Ba’t namimiss ko na naman sya? Ba’t parang hinahanap hanap ko na naman sya? Di pa ba sapat Sai? Kulang pa yung ginawa nyang pangwawasak sa puso mo? Nyarot.

Siya? Siya si music buddy. Sya ang summer love ‘13 ko na medyo naextend. Ikaw? Anong kwento ng summer mo?

#P.I.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon