Ako lagi class president naks tapos ako taga-erase, taga-sulat sa mga gustong ipasulat ni ma'am anak ng tokwa naman ma'am sana ako nalang pala nag-teacher no? HAHAHAHA syempre matic dadami kaaway ko pag ako na pinapalista ni ma'am sa kung sino ang noisy o kaya standing galore mga ganun. Ako batas dati eh. Mga kaaway ko talaga, lalaki. Kulang nalang makipagsapakan nako. Pero yung iba behave naman sakto lang, ang di ko talaga malimutan is si Mark Dominique. HAHAHAHA yun makulit yun. Number 1 sa listahan pero minsan talagang tatayo sya pero dadalhin nya chair na nakadikit sa pwet nya tas sasabihin nya di daw yun standing yung ginawa nya. Sakit sa batok. HAHAHAHAHA ge.
==============================================================
Eto nakakahiya. Oo mahilig ako sa old songs pero di naman lahat ng old songs trip ko. May pakulo teacher namin nun, kakanta daw kami lahat. Dapat lahat. With matching mic tas speakers mga ganun kingina sadyang masunurin at mabait lang talaga akong anak na talagang sinunod ko yung kantang sinuggest ni mader dear at papsy, HOPELESSLY DEVOTED TO YOU. Grabe tawa ng teacher ko nun. Ako naman parang wala lang pero schette naman oh. Grade 4 na yagit ang lakas maka Olivia Newton John. Syet.
==============================================================
Eto solid. Nacorrupt utak ko dahil dito waht. Syempre dati palang di talaga ako lumalabas ng bahay, sa loob lang talaga ako. Tv o kaya ps2 solve na. Pero syempre labidabs naman ako ng mga kaibigan kong kapitbahay ko lang sila na pumupunta sa amin tas para kaming may meeting dahil dami eh naks. Pero masaya. One time may dalang dbd si friendship sabi nya nakakatawa daw. Tiningnan ko yung title, Scary Movie. Oy. Maganda 'to, horror tas sabi pa ni friendship nakakatawa raw edi maganda times two. Tas nung pinlay namin... my innocence level dropped to -1000000. Amp. Kayo haaaaa.
==============================================================
Parehong nagtatrabaho parents ko pero noon si mudrabels is nagwowork sa far far away so kami lang ni papsy naiiwan huhu so pag nagwowork si papsy iniiwan nya ko dun kina tita elvs. Puro lalaki mga junakis ni tita, so ano pa nga ba? Puro lalaki kalaro ko. Dahil sa kanila natuto akong umakyat papuntang rooftop pero schette talaga yung anak nung kabarkada nina tita elvz at ni mudrables na di ko na matandaan anong pangalan nya kasi may nakita syang patay na butiki tapos ayun ibabalibag nya sana papunta sakin. Leche flan sino ka di na kita matandaan sino ka dudurugin ko pa balls mo. Waht. HAHAHAHAHA hassle eh naiyak ako nun tas ang yagit yagit ko pa nun eh.
==============================================================
May classmate kami nun (grade 4 memories to) na ang daming alam sa buhay sabi nya may third eye daw sya, may yaya daw silang may alam sa witchcraft, sinapian na raw sya, yung mga ganun sarap dukutin yung eyeballs eh. So ayun may pinabasa sya saming parang litanya or something na galing sa yaya nya tas kami naman hala basa minemorize ko pa. Hanep. Tas late na nyang sinabi na pag binasa mo raw yun ng malakas parang nag-iinvite ka raw ng the anothers na tumabi sayo pag midnight. Kingina boi sa sobrang takot ko napabasa ako ng bibliya nun, tinabi ko pa. Nagulat mader earth ko nun tas ayun kinwento ko sa kanya lahat habang humihikbi. Tinawanan lang ako ni mader earth nun lam nya kasing yung kaklase naming yun walang ibang alam gawin kundi mantrip pero kingina talaga legit akong natakot nun. Parang ewan.
==============================================================
Gumagawa ako ng sarili kong singing contest galore. Ako ang host, ako ang audience ako na rin ang contestant. Tapos pag kakanta ako syempre may mic ako kunwari naks tapos may kaharap akong songhits para naman tama lyrics ko kahiya kaya te wala ka na sa tono mali pa lyrics mo. Ba.
==============================================================
Nagdadrama ako mag-isa. May props ako syempre, shoulder bag ni mader dear at pamaypay ni mama lo. Kunwari mayamang kontrabida raw ako naks tapos lakas maka-doble kara eh kasi ako na rin ang mahirap na bida naks. Sagwa ko pala dati schette.
==============================================================
Di ako conyo kaya di na rin ako magcoconyo. Waht. Eto yun may sarili akong toilet bowl nun, pambata version and guess what I was like stuck there huhu. Yes. HAHAHAHAHAHAHA kingina di raw conyo ha. Sapak Sai gusto mo?