Di naman ako puyat kagabi ah pero bakit sobra sobra sobrang antok ang naencounter ko kanina. As in sobra. Pers taym yun.
Una sa retreat, san pa nga ba ako tatambay? Derecho sa favorite spot ko at nagbasa char medyo mapayapa ang environment, nice. Pero bumigay din ang mata ko, nakatulog na naman ako habang bitbit ko ang libro ko. Nagising nalang ako ng bigla etong nahulog ena naman nakakahiya sa mga nakakakita. Mabuti nalang at dumating ang isa kong tropa kaya ayun inikot nalang namin ang school.
Pangalawa sa tambayan ng mga officers. Dahil di ko na kaya humiga ako sa pinagdikit-dikit ko na chair at pinikit ang aking beautiful eyes pero la eh, ang daldal nung mga Educ officers, usapang pag-ibig puta corny nyo.
Pangatlo sa MIS class. Dahil failed ang mission chenes ko sa officer’s quarters naisipan kong pumikit sa MIS class, nagrecite lang naman iba kong classmates ng code of ethics and shit eh. Petiks. Sakto vacant ang katai kong chair kaya nilagay ko ang bag ko dun at natulog. Pero nakaupo lang ako. Doe medj maingay kaya putol putol ang logtu ko pero ayos lang. Pag papalakpak sila, pati ako sasabay pero nakapikit ako. Pag tatawa sila, ako naman ngingiti na rin pero nakapikit. Hanggang sa nakatulog na talaga ako.
Nung malapit na mag-time minulat ko na tantalizing eyes ko at umayos ng upo. Napansin ako ng mga tropa ko na nasa last row (nasa likuran ko lang) at tinanong ako kung nakatulog ba ako. Tumpak. Ang himbing nga ng tulog ko eh. Pagtingin ko sa salamin ena naman para naman akong nakahithit ng weeds, sabog ng peg ko. Sorry, napasarap lang sa tulog.
Log2 hits, bow.