'La Lang

44 2 0
                                    

Diba sa kasal eh may parang kyeme na ibabalibag ng bride ang bouquet tas kung sino yung makakakuha eh sya yung next na ikakasal, dahil nga may inattendan akong kasal yesterday tsaka naalala ko yung takot ko maging brides maid eh may naisip akong shit na kung gagawan ko nang kwento eh magagaya lang sa iba kong gawang kwento, di ko matapos tapos. Di ko mabibigyan ng closure. (Closure by Clara B. playing in the background chos lang)

So eto, may isang girlie na galit sa mundo di na sya naniniwala sa pag-ibig. Wala na yan sa kanyang bwakanang vocabulary, ba ilang beses na syang iniwang luhaan, sugatan, di mapakinabangan. So ayun nagsawa na sya kaya ayan galit na sya sa mundo. Isa syang designer churva, designer ng mga wedding gown ganern. Tapos ang cute kasi yung client nya eh yung ex lovah nya at ang bagong girlie nito. FF sa wedding event, ayun wala syang ibang ginawa kundi kumain lang nang kumain (ps di na sya bitter sa ex lovah nya at sa bride nito ha guds na sila pero galit pa din sya sa mundo) nang biglang *bogsh* may tumama sa ulo nya habang busy sya kakarefill sa plate nya. Akala nya ano, bouquet lang pala.

Kahit galit sya sa mundo eh medyo umasa kemerut sya sa sign ng bouquet na yun. And then she met this guy charat, ayun naging oks naman sila kahit anong pakita nya sa dark side nya (dinidismiss kyeme nya, binabara, tinatarayan ganern) eh andyan pa rin. So ayun bumait naman din sya at parang woo sasabihin na rin nya sa guy na pareho sila nang nararamdaman nang biglang engk. Nawala na si guy. Iniwan na naman sya sa ere. Again. Mej patawa pa si tadhana kasi yung next client nya eh etong guy na 'to at ang mapapangasawa nya. Ikakasal na ang puta. Kahit masakit man eh tinanggap nya pa rin ang werk at ayun sya nga ang gumawa ng gown. Mangiyak ngiyak nga sya habang ginagawa yung gown eh sabay kakanta ang Aegis ng Halik sa background para sentimental talaga.

Parang cycle lang. Parang gaya lang nung dati. As usual wala syang ibang ginawa sa reception kundi kumain nang kumain nang biglang *bogsh* kinabahan sya na medyo nainis kasi parang deja vu eh. Ano? Bouquet na naman ba 'to? Aasarin na naman ba sya ulit ni cosmos? Aasa na naman sya ulit ng mga 5%? Lahat ng questions na yun eh nawala ng biglang may narinig syang boses

"Sorry miss."

Kaharap nya ngayon yung isa sa mga photographer sa kasal. Matangkad, naka-eyeglass din kagaya nya, may buhok na mas magulo pa sa buhay nya.

"Okay lang."
"Marshall pala."
"Hi Marshall, ako pala si Lily."

And that's how Lily met her "the one".

Ayun lang. Naisip ko lang. La lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#P.I.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon