September 20

182 4 0
                                    

Hindi ko paborito ang buwan na September. May sumpa kasi 'to. Seryoso walang halong joke, kalokohan, biro, sugar, 1 egg, onion, 1/2 kilo flour at cheese.

Lagi akong minamalas lalo na sa buwan na 'to.

Nakakabadtrip.

Pero parang biglang nagbago bigla ang ihip ng hangin, at naawa ata bigla ang tadhana sa'kin naisipan nyang iparanas naman sa'kin ang matuwa sa buwan na sinusumpa ko. Parang sinasabi nyang: "Nakakaawa naman ang yagit na 'to. Pagbigyan na nga. Wing wing walla wala bing bing nawa'y swertehin ka namang kupal ka shing"

Ayun. September 20. May paint war event kaming dadaluhang magbabarkada, dehins ako active na nilalang mas gugustuhin ko pang tumambay sa bahay at magbilang ng strands sa buhok pero kakaibang vibes and naramdaman ko nung nalaman kong may paint war kaya lakas-loob kong nilabanan ang katamaran at gumising ng maaga para matapos na agad ang mga gawaing bahay before 4pm (start ng event). In fairness napakaproductive ko, sa sobrang productive ko 3pm na 'ko naligo kasi busy ako kaka-PC hihi.

Productive nga.

Ayun. Derecho na sa event place, nakaputi na kaming magbabarkada. Ready na makipagbakbakan charot lang.

Nagsimula na ang paint war na napunta rin sa basaan ng tubig. Kingina biglang nag-San Juan galore. Gusto kong makulayaan ang puti kong tshirt PERO. AYOKONG. MABASA.

Masaya. Bibo. Kasi may bandang kumakanta sa stage habang may nangyayaring paint war galore. Pero later on nawalan ako ng gana, nag-expire din ang free-taste of kaligayahan ni tadhana. Paksyit.

Habang busy na sa kakangawa ang singer sa stage at busy na sa kakasabay sa tugtugin ang mga madlang pipol at busy na sa paint war at sa water war (lol pauso ko lang) ang mga tao bigla na naman akong nalongquote. Ang drama ko talaga schette. May naalala lang. Ang saya saya na nga ng atmosphere eh pero talagang nakuha ko pang mag-emote. Yung kanta kasi hassle eh ayan tuloy kaya inaliw ko nalang sarili ko scroll scroll nalang sa phone kahit walang nagtext at walang katext hala gora. Muntik ko na namang itext ang taong dapat di na tinetext, I was about to… chos english magtatype na sana ako nang biglang *splash* nakanamshet anong kalokohan ‘to!? Binasa ba naman ako ng tubig ng isa kong tropa. Di pa ko tinigilan. HUHU kahit tumakbo na ‘ko, hinabol nya pa rin ako. Y u gotta be so rude? Don’t u know I’m human too? Charotation. Asar. Cellphone ko basa. Pati na rin ako. Quits na kaming lahat. Ayos lang, atleast nadistract naman ako kahit papano. Muntik na talaga akong magdrama nun.

Salamat sa libreng shower.

Kingina nyo.

#P.I.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon