two years after

116 8 0
                                    

I am just sooooo happy I was able to write this update. Geeee, I'm so proud of myself! Hahahaha

May 3, 2015 | 6:50PM

________

two years after

Seth

"Dude, mauna na kami sa baba. Mamaya ko na lang tatapusin 'yung akin."

Nilingon ko ng bahagya si Dominic na nag-aayos ng mga gamit niya saka tumango. "Sunod na lang ako sa inyo. Tatapusin ko lang 'to, tapos bababa na rin ako."

"Alright," sagot niya habang ina-unlock ang iPhone niya. Tinapik niya ako sa balikat bago siya tumalikod at lumabas na ng kwarto.

"Sunod ka, Seth, ha?" narinig kong sambit ni Chan sa likod ko. He was fixing his stuff, too. I thought they already left but turned out I was wrong dahil maging si Hans ay nag-aayos pa rin lang ng mga gamit niya. "Mamaya niyan ikaw na naman lang ang wala. Sa sala niyo na nga lang ang venue baka hindi ka pa maka-attend. Parang nagpaparamihan na kayo ng absences ni Hans," ngunguso ngusong dagdag niya.

"Ako na naman nakita mo!" kontra ni Hans sabay batok sa matangkad naming kaibigan. "Nagpapakita naman na ako, ah? Sadyang busy lang."

"Aray ko naman! Ang hihilig niyong mambatok. Nakakaasar, ah! Wala na ngang natitira sa utak ko ginaganiyan niyo pa ako," daing ni Chan na kakamot-kamot sa ulo niya habang halatang nainis kaagad kay Hans.

"E paano, parating si Eunice ang laman niyan," dagdag pang-aasar ni Hans. Nang akmang gaganti ng pambabatok si Chan sa kaniya, agad siyang tumakbo palabas ng silid. "Basta, Dude, sunod ka na lang!" pasigaw na pahabol niya bago tuluyang nakalabas.

Napangisi ako sa kanilang dalawa. Always fighting. Aso't pusa talaga.

Ibinalik ko ang atensyon sa problem na sino-solve ko. I have been trying to find the right answer to it pero lalo lang akong naguluhan nang mapansin na mali ako sa unang part pa lang ng solution na ginamit ko. Calculus.

Hindi pa sana ako titigil sa pag-solve nung problem dahil gusto kong matapos 'yun bago lumabas ng kwarto ko at daluhan ang mga kaibigan ko sa sala. But when I heard a light knock on the door and heard her voice from behind it, alam ko na kailangan ko nang tumigil.

"Seth... tama na muna 'yan. Mamaya naman." She peeked through the door and smilingly walked up to me. "Kanina ka pa namin inaantay sa sala."

Ibinaba ko sa study table 'yung ballpen na hawak ko at inabot ang mga kamay niya. "Sorry, pinag-aantay ko kayo... pinag-aantay kita." Ngumiti ako sa kaniya at pinaglaruan sa daliri 'yung singsing na ibinigay ko sa kaniya nung mag-propose ako almost two years ago. That memory still sends shivers to my system. Hindi ko pa rin lubos maisip na engaged na ako sa kaniya, sa babaeng pinakamamahal ko.

She held my hands tighter and walked closer. "Okay lang naman sa'kin. Kaso, kailangan mo rin magpahinga. You can get back to reviewing after the show. Wala naman 'yung one hour."

Tumango tango ako. "I know, Bee. Gusto ko lang maintindihan kung paano 'to i-solve bago ako manood," sabi ko sa kaniya at tiningnan 'yung sheets of paper na nagkalat sa mesa, lahat may cross out 'yung solutions.

Ginulo niya ang buhok ko at ngumisi. "You never change, Seth," mahinang sabi niya. "But I won't allow you to miss this moment with your friends. And, you can't skip lunch. Kaya halika na po at manood na tayo."

Siya na mismo ang humila sa'kin patayo at nagpatianod naman ako. Saka ko lang narinig 'yung paghihimutok ng tiyan ko. It's almost twelve, anyway, at alam kong inaantay niya rin ako dahil sabay kaming kakain. I don't want her skipping meals just because of me.

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon