xiii

226 17 18
                                    

Because when you find your perfect love, you are more than lucky.        
_____________

xiii

Seth

“Bee, may sasabihin ako,” kinakabahang sabi ko sa kaniya. We were on our third year in High School, at kasalukuyan kaming nagpi-prepare para sa final requirement namin sa Filipino.

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagdikit ng decorations sa cardboard. “Ano ‘yun?”

Sa simpleng tingin na ‘yun, agad na bumilis ‘yung pintig ng puso ko. “‘Wag kang magagalit, ah?”

Kumunot ‘yung noo niya. “Bakit, ano ba ‘yun?”

“Kasi…” napakamot sa ulo na simula ko. Pero dahil sa sobrang kaba, napaupo ako sa tapat niya. Hinang hina na kasi ‘yung mga tuhod ko.

“Uy, ayos ka lang ba?” natatawa pero worried niyang tanong. “Namumutla ka na, oh.” Hinawakan niya ‘yung noo ko. “May sakit ka ba?”

“W-wala,” sagot ko. “M-may gusto lang akong s-sabihin sa’yo.” Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Eto na naman ako, natotorpe na naman. Ilang ulit na akong nag-attempt, pero ganito at ganito pa rin ‘yung nararamdaman ko.

“Ano nga ‘yun? Sigurado kang okay ka lang?”

Ito na ‘yung pag-asa ko. Ito na ‘yung tamang oras para sabihin ko to. Wala nang atrasan. Huminga ako nang malalim.

“Gusto mo bang samahan kita sa clinic? Magpahinga ka mu—”

“Mahal kita, Bianca…” nakapikit na amin ko. Hindi ko kayang makita ang reaksyon niya. Halos sumabog na ‘yung dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi na rin ako makahinga nang maayos.

Nang wala akong marinig na sagot mula sa kaniya, unti unti kong iminulat ‘yung mga mata ko. I didn’t know what to feel when I saw her smiling sweetly at me when I opened my eyes. Nakangiti lang siya sa’kin, habang bahagyang namula ang mga pisngi niya.

“S-sabi ko nga,” nasambit ko. Biglang nabalot ng lungkot ‘yung puso ko. “Sige, Bianca, alis na ‘ko. Pasensiya na, naabala pa kita.” Tumayo na ako. “A-at, ‘wag mo na din palang pansinin yung… ‘‘yung sinabi ko. W-wala ‘yun, sige.” Nagmamadaling naglakad na ako pabalik sa upuan ko.

Ganun pala ‘yung pakiramdam ng mabasted ng taong mahal mo. Ang sakit lang.

Napayuko ako para itago ‘yung pamumuo ng mga luha sa mata ko. Baka makita pa ako ng mga kaklase namin. Ang lakas pa man din mang-asar ng mga ‘yun. Buti busy ang lahat sa kani-kaniyang naka-assign na gagawin.

Bumuntong hininga ako. Pagtingala ko, nakita ko siya sa harapan ko. Nakangiti pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit gandang-ganda pa rin ako sa kaniya, at kung bakit lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko, kahit na nga basted na ako. Haaay.

“Seth…” mahinang sambit niya sa pangalan ko. Kahit kelan, parang musika sa pandinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Naupo siya sa upuan sa harap ko at inabot ‘yung mga kamay ko.

Pilit akong ngumiti. “Okay lang ako, Bianca. Pasensiya ka na kanina,” mahinang sabi ko. “‘Wag kang mag-alala, walang magbabago.” Pinisil ko ‘yung mga kamay niya.

Ngumiti siya lalo. “Wala naman talagang magbabago,” sagot niya. “Dahil mahal din kita.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, at hindi magkamayaw sa tuwa ang puso ko. Napangiti na lang ako. “Thank you,” bulong ko. Isang matamis na ngiti rin ang iginanti niya sa’kin.

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon