xi

208 14 10
                                    

I don't write plots. I just write whatever comes into my mind; what my heart tells me to write; and what my fingers end up writing. palusot.com kkaebsong~

_______________

xi

Seth

“Congratulations, Seth! I’m so proud of you!”

I opened my arms and enveloped her body to an embrace. “Congratulations din, Bee. Graduate na tayo!”

Hindi mawala sa mga labi ko ‘yung ngiti ko. Ang saya saya ko dahil sa araw na ito, sabay kaming nakatapos ng isang yugto ng buhay namin; at sabay naming haharapin ang mga susunod pang pangyayari sa buhay namin.

Matapos ang picture taking ng bawat class, nagpasya na kaming umuwi. Nagpaalam na rin ako sa Adviser namin at pinayagan na niya kaming umalis.

“So, saan tayo?” nakangising tanong ni Kuya Brent. “Tara na at gutom na ang mga bulate ko sa tiyan.”

“Sa bahay namin, Kuya,” sagot ni Bianca. “Tara.”

We celebrated our Graduation with each other, together with our families. Tuwang tuwa naman ang mga magulang namin na makita ang mga anak nilang nagkakasundo at nagkakamabutihan.

Nang mag-summer break, naging abala kami sa pag-asikaso ng requirements namin for enrolment. Dahil magkaiba kami ng paaralang papasukan, may mga araw na hindi kami nagkikita. Pero minsan, sinasamahan ko siya sa school na papasukan niya, at sasamahan niya rin ako sa’kin.

“Magsisimula na tayo sa College, Seth. Galingan mo, ha? Umayos ka sa pag-aaral mo. Kasi kung hindi, makukurot talaga kita,” kunwari ay nagbabanta na sabi niya nang minsan ay sinamahan niya akong magpasa ng requirements.

“Oo naman, Bee. Para sa’tin,” nakangiting sagot ko saka ko inabot ‘yung kamay niya at hinalikan iyon.

“Uy, Seth. Ano ba? ‘Wag ka ngang ganiyan?” bawi niya sa kamay niya.

Lumawak ‘yung ngiti ko. “Bakit, nahihiya ka?”

Namula naman agad ‘yung pisngi niya. “Baka isipin nila nagpi-PDA tayo.”

“Ay, oo nga. Sorry.”

Nahiya naman ako, siya pa talaga ‘yung nagsabi sa’kin. Dapat ako ‘yung unang may alam na hindi ko ‘yun dapat ginagawa in public. Baka isipin ng ibang tao, katulad kami ng ibang couples na wagas maka-PDA.

“Tara na?” yaya niya nang tapos na kaming kumain sa McDo. “Gumagabi na rin. Baka abutan pa tayo ng ulan.”

Sa mga araw na hindi kami nagkakasama, binabawi namin sa mga araw na nagkikita kami. Ang bilis ng panahon. Isang buwan na lang, pasukan na ulit.

“Ano’ng wish mo sa birthday mo, Seth?” malambing na tanong ni Bianca sa’kin one night na nasa bahay kami. “Ilang araw na lang, birthday mo na.”

“Mm, oo nga. Tatanda na naman ako.” Tumawa pa ako.

“Hindi naman halata,” natatawang sabi niya.

“Bakit? Dahil na naman sa height ko?”

Tinakpan niya ng palad niya ‘yung bibig niya para pigilan ang pagtawa. “Wala akong sinabi.”

“Alam mo, nakakainis ka,” sabi ko sa kaniya. “Kung hindi lang kita mahal.”

Napahawak siya sa braso ko. “Uy, Seth. Sorry na. Joke lang naman ‘yun, e.” Tatawa-tawa pa ring sabi niya.

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon