v

254 13 11
                                    

This will be my shortest update.:)           
_______________

v

Seth

Going back to the city felt like I was being dragged to somewhere I didn’t want to be at. Gusto ko lang muna sanang manatili sa beach house, magpahinga, at i-spend ‘yung mga araw kasama si Bianca at ang mga magulang ko. I was not being possessive. Gusto ko lang sulitin ‘yung mga araw na kasama sila. Pero wala na akong magagawa. My parents already left for Australia; at nasa school na ulit ako. I guess I just have to endure again, like how I always did before.

“Wala na talaga siguro tayong magagawa,” nakabusangot na sabi ni Chan while looking down at his printed enrolment form.

We were at our usual spot sa corridor. As always, it’s the six of us. But the past months, madalas na naming kasama sila Sara and her friends.

“Bakit, ano’ng problema, Chan?” nag-aalalang nakitingin si Dominic sa hawak ni Chan.

“Ano ba’ng meron sa form mo?” hablot ni Hans sa papel. He studied it with his brows furrowed.

Chan sighed, kaya pati kami nag-alala at napaisip na sa rason ng malungkot niyang mukha.

Lumapit ako sa kaniya. “What’s the matter, Chan?”

Lumapit na rin si Kai. “May hindi ka ba na-enrol na subject?”

Nagkibit balikat siya. “Wala lang,” sabi niya. “Siguro hanggang maka-graduate tayo, kaklase ko kayo. Nakakasawa na rin.” Pumikit siya. “Bakit ba kasi same course ang kinuha nating lahat? Kainis!” He frowned as if he was that disappointed.

Isang malakas na batok ‘yung nakuha niya mula kay Kai. “Sira ka pala, e! Akala naman namin kung ano na.”

Natatawang tinapik ni Sara si Kai. “Kahit nga ako nagtataka kung bakit naipon kayo sa iisang klase. You could have taken different courses. But why enroll in the same course?”

“Gaya-gaya kasi ‘yang mga ‘yan,” turo ni Chan sa mga kaibigan. Napailing na lang si Kai.

3rd year college na kami ngayon, but this was the first time we ever talked about the fact that we’re still in the same class, in the same course, in the same school.

It’s kind of funny how our friendship began. Hindi naman talaga kami close when we were in High School. Iba-ibang sections kami nun. Classmate namin ni Bianca sila Kai, Kris at Sara; while Chan, Dominic and Hans were at another class. Of course, Sara was not yet a part of our group until last school year. Enrollment noon nang magkasabay-sabay kami nila Chan sa liniya sa Registrar’s office para sa schedules namin, when we realized na same course ‘yung papasukan namin: Engineering.

We decided na sabay-sabay na lang kaming lahat mag-enrol. Hanggang makuha namin ‘yung mga schedules namin at makabayad sa cashier, sama-sama kami. And that’s how the six of us became best of friends. Buddies ‘til the end kami.

Sabi nila, wala kang magiging permanent friends sa College, but I know better. Itong limang ito ‘yung mga totoong kaibigan na meron ako. Dahil din sa kanila kung bakit mas lumawak ‘yung tingin ko sa mundo. Iba-ibang personalities, iba-iba ng gusto at paniniwala. Pero never pa kaming nag-iwanan sa ere. Kaya nalungkot ako nang magkaron ng gap between Kai and Kris. They were the closest, at maging kami ay naapektuhan nang magkairingan sila dahil kay Sara. But everything’s okay now, thank goodness.

Talking about that tall guy Kris, natatanaw ko siyang may kausap sa telepono. For sure, si Alexi Rei ‘yun. Bakas sa mukha niya ang sigla habang kausap ang girlfriend. Finally, that guy is smiling.

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon