iii

301 16 5
                                    

I dedicate this Chapter to my Dyo Kambal. Salamat sa pagaantay nito, Sis. Saranghae!>:D<
_____________

iii

Seth

“Kuyaaaa!” malakas na sigaw ko. Pilit kong tinatabig ‘yung kamay ni Kuya Brent habang inilalayo ‘yung ulo ko sa hawak niya. “‘Wag kasi. Kuyaaaa!” Tumakbo ako palayo at nagtago sa ilalim ng kama para makalayo sa Kuya Brent ko.

Humalakhak lang si Kuya at lumapit sa’kin para mas inisin ako. Dumapa siya sa sahig at sinilip ako sa ilalim ng kama. “Ano ka ba naman Seth, daga lang naman ‘to, hindi ka kakainin nito.” Tawang-tawa siya habang ako, halos mahimatay na dahil sa hawak niyang puting daga.

“E takot nga ako diyan. Ilayo mo ‘yan!”

“Hindi ka naman aanuhin nito, hawakan mo na.” He teased me even more and held the tiny animal just a few centimeters from my face.

“Kuyaaaaa!” Napapikit na lang ako. Halos maiyak na ako dahil sa sobrang takot. Nakakainis si Kuya, porke hindi siya takot sa maliliit na hayop parati niya akong inaasar.

Mas lumakas pa ‘yung tawa niya. “6 years old ka na, Seth, pero takot ka pa rin dito. Nakakatawa ka talaga. Hawakan mo na kasi,” pamimilit pa niya.

Apat na taon ang tanda sa’kin ni Kuya Brent. Dalawa lang kaming magkapatid. We were raised na sobrang close sa isa’t isa, dahil na rin kami lang ang anak ng mga magulang namin. Pero Kuya was more of an out-going boy, habang ako, tahimik at hindi masiyado mahilig makipaglaro. Kuya was always after challenges and risks. Gustong-gusto niya ‘yung may nadi-discover na bagong bagay. Masayahin siya, at ako ‘yung parati niyang napagti-trip-an.

Kung ano-ano kasi ‘yung gusto niyang i-try ko. One time, pumunta kami sa ilog at tumalon mula sa mataas na bato. Buti hindi kami nadisgrasiya. Tapos tinuruan niya rin akong mag-bike. Mahina ako sa balance kaya madalas natutumba ako. Tuloy, ang dami kong galos. Mahilig siya sa mga maliit na hayop, habang takot ako sa mga ‘yun kaya madalas, inaasar niya ako sa pamamagitan ng mga alaga niyang puting daga.

“Brent, Seth, ano na naman ang ginagawa niyo?” bungad na tanong ni Mommy. Biglang nagliwanag ‘yung mukha ko pagpasok niya sa kwarto namin ni Kuya.

I crawled away from the bed at tumakbo palapit sa Mommy ko. I hugged her waist at isinubsob ang mukha ko sa tiyan niya. “Mommy, si Kuya po...” mahinang sumbong ko.

“Brent?”

Narinig ko ‘yung paglapit ni Kuya sa’min. “E, mommy...”

“Sabi ko po sa kaniya takot ako sa daga pero pinipilit niyang hawakan ko ‘yung—”

“E hindi ka naman kasi kakainin nito,” putol ni Kuya sa pagsumbong ko. “Ang liit kaya nito. Ang laki laki mo na takot ka pa rin sa daga. Tss.” Nakita kong napakamot sa batok niya si Kuya.

Inalis ni Mommy ‘yung mga kamay kong nakayakap sa kaniya. “Okay na, Seth. Ibabalik na ni Kuya ‘yung daga sa kulungan. ‘Wag ka nang matakot, okay?” Hinaplos niya ‘yung pisngi ko bago bumaling kay Kuya. “Put that back on its cage, Brent,” sabi ni Mommy kay Kuya sa mahinahon na boses. “Tapos maghugas ka ng kamay. We have visitors coming tonight.”

Sumunod naman si Kuya.

“You, little boy,” she squatted and smiled at me, “go change your clothes. May bisita tayo later.” Tumango ako at ngumiti sa kaniya. “Give Mommy a kiss first.”

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon