vi

274 11 15
                                    

vi

Bianca

“Alex! Baba na dito. Mali-late ka na!” I shouted from outside her room. Tapos na akong magluto ng breakfast at inaantay ko na lang siya para makakain na kami. I heard no answer from her. “Alexi Rei~! Bangon na!”

“Opo na, Ate. Eto na, gising na,” narinig kong sagot niya. Maya-maya pa narinig ko na ‘yung pagbaba niya ng hagdan. “Good morning, Ate.” Lumapit siya at tinitigan ‘yung nasa hapagkainan. Agad na naglaho ‘yung ngiti sa mga labi niya nang ma-realize kung ano ‘yung ulam na niluto ko. “Tortang talong?” nakabusangot na reklamo niya. “Ate, hindi ako kumakain ng talong, ‘di ba?” Halos hindi na maipinta ’yung mukha niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Alex, habang nasa poder kita, kakainin mo kung anong niluto ko.” ‘Yun ‘yung rule ko sa kaniya. Bawal ang arte-arte para masanay siya.

Ayaw man niya, wala siyang magawa dahil ako ang Ate niya. Kelangan niyang matutong kumain ng kung anumang inihanda para sa kaniya. Palibhasa nasanay mamuhay mag-isa. Puro fast food ang alam.

“Marunong magluto si Kris, ‘di ba?” tanong ko bigla sa kaniya. At kahit na para siyang namatayan ng kuko, agad na nagliwanag ‘yung mukha niya nang marinig ang pangalan ng kasintahan.

“Oo, Ate! Ang sarap magluto ng isang ‘yun. Nakaka-in love tuloy lalo.” Hindi naman halatang kinikilig siya. Halos umabot sa tenga ang ngiti. “Si Kuya Seth din, ‘di ba?”

“Lalo na ‘yung isang ‘yun. Walang kasing sarap ang mga luto.” Ako tuloy ‘yung kinilig ngayon.

Nagpalitan kami ng mga papuri sa mga boyfriends namin.

“Haay. Nakaka-miss sila,” sabay naming sambit. Nagkatawanan na lang kami.

There’s no doubt that we miss both our guys. We’re indeed lucky to have those boys in our lives. Maging ‘yung mga kaibigan nila, nakaka-miss din. I hope they’re doing fine.

Nalaman na rin ni Alex ‘yung nangyari between Chan and Hans, at worried siya para sa magkaibigan. Masiyado na yatang personal ‘yung mga nasabi nila sa isa’t-isa.

“I’ll go ahead, Alex,” paalam ko sa kaniya. Matapos namin mag-breakfast, naligo na ako. Mas maaga ‘yung pasok ko sa kaniya kaya kelangan kong mauna. “Lock everything up before you leave,” bilin ko.

“Opo, Ate. Ingat!”

On my way to school, I texted Mom and Dad and informed them about my itenirary for the week. May off-campus observation kami. Nai-excite na ako na magturo. Pero for now, I have to focus sa pag-observe sa mga assigned Teachers sa amin. Isang buwan ‘yung ibinigay sa amin para mag-observe. The remaining months of the Semester, Practice Teaching na kami.

Then, I texted Seth and I told him the same information. But not the fact na lalake ‘yung partner ko, and that si Sean ‘yun, ‘yung kaisa-isang tao na nagkamaling magpakita pa ng interes sa’kin even though the words ‘taken and happy’ were already written all over my face. Hindi ko naman kasi alam kay Sean kung bakit nag-aaksaya pa siya ng panahon na ligawan ako.

Ayokong sabihin kay Seth dahil baka mag-isip siya ng kung ano. I know he trusts me, and I would never do a thing that would break his trust. But Sean was a sensitive issue for him.

“I don’t like that Sean around you, Bee,” he told me once habang hinahatid niya ako sa building ng next class ko. Minsan kasi, bumibisita siya sa school–without prior notice–dahil miss niya na raw ako. He handed me my books and said, “He doesn’t seem like a good guy”. Alam niya rin na may gusto sa’kin si Sean. And I could sense some jealousy here.

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon