x

235 11 7
                                    

Hindi maiiwasang magkasakitan. Pero sa huli, mangingibabaw pa rin ang pagmamahalan. Masasabi ba nating sapat ang pagmamahal para mapawi ang sakit na nararamdaman?

____________

x

Seth

Who would have thought I would feel this way? Who could have forseen this would happen? Who would have believed that things would end up this way?

Thirteen years. I have known her for thirteen years. Simula pagkabata, mahalaga na sya sa akin. Inalagaan ko sya nang higit pa sa isang kaibigan. Pinahalagahan ko sya nang higit pa sa sarili ko. Inintindi sa abot ng makakaya ko. Minahal ko na sya kahit nung mga panahong hindi ko pa alam ang kahulugan ng pagmamahal.

Sobrang mahal ko si Bianca.

Nasanay ako na araw-araw, kausap at kasama ko sya. Karamay ko sya sa bawat pangyayari sa buhay ko, masaya man o malungkot. Halos sya na ang buhay ko.

We’ve been together for so long; in love with each other since forever. But what happened? Saan kami nagkulang? Saan kami nagkamali?

Saan ako nagkulang at nagkamali?

Akala ko nung una, matatanggap ko sakali man na magkagusto sya sa iba. Sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi maiiwasang manibago sya sa pinapakita ng iba. Akala ko lang pala madali.

Akala ko rin ako ang unang titiklop; ang unang bibigay sa relasyon namin. Akala ko ako yung mahina. Tama nga ako. Dahil ako yung unang pinanghinaan ng loob. Masyado kasi palang masakit.

To see them with my own two eyes, my heart was shattered into pieces. Hindi ko alam kung paano pupulutin at muling bubuuin ang nawasak kong puso. I know I should have listened to her explanation first. But then, I also knew we both needed space.

It’s really painful. I have been crying over our break up for the past months. It’s been three months and it’s still as painful as the first day.

“Ikaw na kasi…” narinig kong bulong ni Chan kay Hans.

“Iiih, ayoko. Ikaw na lang,” sagot naman nung isa.

Napangiti ako dahil sa kanilang dalawa. Sa wakas nagkaayos rin sila.

“Ikaw na kasi, Chan. Dali na,” pamimilit ni Hans.

“Ayoko nga! Mamaya magalit pa yan sakin.”

We were at Hans’ place. Dahil kakatapos lang ng exams, nagplano kaming muling mag-relax. Kai and Kris went out to buy food.

“Naku, kayo talagang dalawa. Tabi nga dyan.”

Maya-maya pa, nasa tabi ko na si Dominic. He patted my shoulder and smiled warmly at me.

“Kamusta ka na, Seth?”

I smiled back at him. “I’m good.”

“Seth, Dude, it’s been months. Sigurado kang—”

“Sige, ituloy mo pa yan nang mabatukan talaga kita.” Agad namang tumahimik si Chan dahil sa pagsaway ni Hans.

“No, it’s okay, guys. I’m okay.”

I heard Dominic’s sigh. “Do you honestly think Bianca cheated on you?”

I looked at him. “She would never do that to me,” I answered. “I know she would never do that.”

“Pero nakita mo, diba?” tanong ni Chan.

Tumango ako. “And it hurt like hell, honestly,” I told them. “But Bianca is not that kind of a woman. Alam ko na nadala lang sya. She’s still a girl who can easily be swooned. Sa tagal ng panahon na ako lang ang lalake sa buhay nya, hindi maiiwasang makaramdam sya ng kakaiba para sa ibang lalake na magpakita ng kabaitan sa kanya. Aside from you, of course.” I laughed shortly.

Lucky (EXO Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon