REVENGE BOOK 2
ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
BY:EMMZHindi mapalagay si Nick sa kakaisip sa kanyang panganay na anak kung saang lupalop na ito naroroon dahil sa nakagalitan niya ito sapagkat ipinagpipilitan niya ang kagustuhan nitong pagpunta sa Bagiuo na siya namang inaayawan niya ng labis at ilang sandali pa ay papalapit na sa kanya ang asawang si Allena...
"Oh hon nakontak mo na ba si Nicole?...alalang tanong ni Nick sa asawang si Allena..
"Yap hon!..nasa bahay nila Bernadeth at doon narin nagpalipas ng magdamag at hindi raw siya uuwi ngayon dahil may party na naman daw silang dadaluhan ni Bernadeth... pahayag ni Allena sa asawang si Nick..
" Eh hon saan na naman daw sila pupunta at sinu sinong mga kasama nila?... muling tanong ni Nick na mas nag aalala ang hitsura nito dahil sa totoo lang ay mas pasaway pa ang anak nitong babae kesa sa lalaki nitong anak na si Niel...
"Eh yun ang hindi niya sinabi hon.,hay naku alam mo hon minsan napipikon na ako sa katigasan ng ulo ng anak mo kasi naman eh inispoiled mo noong bata pa iyan ngayon kung anong magustuhan ay siyang ipinagpipilitan niya at kung hindi mo naibigay yun magtatampo na!..
Kailan kaya magbabago ang babaeng iyon sobrang spoiled na siya at kayhirap pagsabihan.... buntong hiningang iiling iling si Allena na tumingin kay Nick na ngumiti lang ito dahil sa totoo lang ay siya ang naging dahilan ng pagiging spoiled brat ng panganay nito.."Matatauhan din siya hon....ani Nick saka nagkibit balikat nalang ito..
"Naku ewan sa iyo kaya ganyan ang anak mo eh kasi pinababayaan mong siya ang nasusunod sa lahat nang gustuhin niya kaya wag na wag kang magagalit sa mga pinaggagawa niya dahil ikaw din naman nagturo sa kanya...ani Allena sa asawang si Nick...
Maagang bumiyahe sina Brent at Arnold kaya alas siyete palang ay naroroon na sila sa may General Trias..
"Oh bro siya ang pinsan kong si Cathy at siya naman ang boyfriend niyang si Ivan..,pakilala ni Arnold sa mga ito kay Brent...
"Nice to meet you both and happy birthday Cathy... nakangiting bati ni Brent sa kanila saka inilahad nito ang kamay...
"Same here nice to meet you too and thanks for coming...sagot naman nd dalawa sabay nakipagkamay ang mga ito kay Brent...
Samantala dahil sa kapipili ng damit ay halos tumagal ng ilang oras ang dalawa sa pagbibihis kaya alas otso pasado na ng makarating ang dalawa at pagdating nila doin ay marami ng tao...
Nakapantalon nang skinny jeans na fitted at tenernuhan niya ito ng shirt na spagheti strap na medyo loose pero hanging naman kaya kunying galaw lang niya ay litaw agad ang makinis at impis niyang tiyan...
"Hay finally nakarating din tayo malayo rin naman pala ang bahay ng girl friend ng pinsan mo Bern napagod ang mga braso ko sa pagdadrive huh!...reklamong wika ni Nicole sa kaibigang si Bern...
"Aangal angal ka eh buti na at nailigtas kita sa panibagong kasinungalingan mo na naman sana...semplang ni Bern kay Nicole na ikinibit balikat lang ng kaibigan at ilang sandali pa ay agad na sinalubong sila ng pinsan ni Bern na si Ivan...
"Oh pinsan salamat at dumating rin kayo kanina pa namin kayo hinihintay ah!...ani Ivan saka kinayag niya ang mga ito sa isang bakanteng mesa na malapit sa kinaroroonan ng may bday at maya maya pa'y may lumapit na babae sa kinaroroonan nila...
Ah pinsan meet my girlfriend Cathy..,Ah babe si Bernadeth ang pinsan ko sa mother side na sinasabi ko at siya naman ang kaibigan nito na si....ani Ivan na nabitin ang pagpapakilala kay Nicole...
"Hi nice to meet you by the way im Nicole... Nicole Dizon....pagpapakilala ni Nicole sa sarili at ng mapalingon si Bernadeth sa kanya dahil sa pag iba nito ng kanyang apelyedo ay agad na tiningnan niya ang kaibigan ng isang nagbabantang tingin kaya naman tumahimik nalang ang kaibigan dahil alam ni Bern kung paano magalit ang pasaway niyang kaibigan...
Masaya ang lahat habang nagkukuwentuhan at pagala gala ang mga mata ni Nicole sa paligid ng biglang magpaalam ang kanyang kaibigan dahil tumatawag ang kanyang boyfriend na si Alfie kaya naiwang mag isa sa kanyang mesa si Nicole...
Halos kalahating oras na ay wala pa ring Bernadeth na bumabalik sa kinaroroonan niya kaya naman ipinasya niyang hanapin ito sa paligid...
Halos malibot na ni Nicloe ay wala pa rin hindi pa rin niya makita si Bern kaya nakaramdam na siya ng pagkainip at naiirita na siya kaya't padabog siyang babalik sana sa kanilang mesa ng sa pag ikot niya'y biglang bumangga siya sa isang malaking bulto ng kung ano man iyon at ng mapagtiyanya niyang tao ay agad...
"Ano ba hindi mo ba alam na may mababangga ka huh!..akala mo kung si.... hindi naituloy ni Nicole ang pagtataray nito sa lalaking nakabangga ng umangat ang mukha niya sa lalaking kaharap at makita ang kabuuan ng mukha nito..
Para siyang natuka ng ahas sa pagkatulala dahil sa gwapong mukha na para bang si adonis....Nabigla si Brent sa pagkabangga sa babaeng bigla nalang sumulpot sa kanyang daraanan ngunit mas nabigla siya sa katarayan nito ngunit para siyang nahiptonismo sa ganda ng babae na kahit kay taray ng bibig nito ay kay amo naman ng mukha niya....
Hindi malaman ni Nicole kung ano ang kanyang gagawin dahil ewan ba niya at bigla siyang kinabahang bigla na parang hindi paawat ang pagkabog ng kanyang dibdib at saka lang siya nahismasan ng may magsalita sa kanyang likuran...
"Hoy Nicole naririto ka lang pala!.... ani Bern ng makita ang kaibigang hinahanap...
Saka lang nahimasmasan si Nicole sa pagkatulala ng magsalita sa likuran niya si Bernadeth...
"Hi sorry hindi ko nakita ang daan ko nagmamadali kasi ako at hinahanap ko ang aking kaibigan ng bigla nalang kitang mabangga.,,anyway im Nicole Dizon.... bigay todo ang ngiti ni Nicole ng ilahad nito ang kamay sa lalaking kaharap at hindi niya kilala...
Nais matawa ni Brent sa babaeng kaharap na kanina akala mo ay susugod ito sa giyera ngunit ngayon ay daig pa nito ang maamong tupa at ngayon ay nais pang makipagkilala..
Dahil ayaw namang magmukhang bastos ni Brent ay tinanggap niya ang pakikipagkamay ng dalagang kaharap niya..."It's ok and im Brent Midrano... tanging sabi Ni Brent saka nakipagkamay sa dalagang nagngangalang Nicole Dizon saka nagpaalam na babalik na ito sa kanilang mesa...
Halos katapat lang ng mrsa nila Bern at Nicole ang mesa nila Brent kaya kitang kita niya ang guapong mukha ng lalaking nakabangga niya...
"Oh my goodness ang gwapo niya at ng hawakan niya ang aking kamay kanina ay bigla akong nakaramdam ng kilig na para bang isang teenager na...
Oh my God i can't help my self to keep staring at him...
Hmm kung sino ka mang lalaki ka hinding hindi kita titigilan hangga't hindi kita nakilalang mabuti...bulong ni Nicole sa sarili habang nakatunganga sa lalaki sa kabilang mesa na walang iba kundi si Brent..ITUTULOY!!!
BINABASA MO ANG
Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)
RomanceBy...emzalbino