Chapter 12

4.7K 105 3
                                    

REVENGE BOOK 2
ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
BY..,EMMZ

Halos hindi na makahinga sa bigat ng dibdib niya si Nicole habang panay ang hikbi nito sa pag iyak dahil sa pagtataboy sa kanya ni Brent ngunit hindi naman niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa sa may harapan ng nakapinid na pintuan kaya ang ginawa niya'y isinalampak nalang niya ang katawan doon saka humagulgol ng humagulgol...

"Brent bakit mo ito ginagawa sa akin!...ang tanging kasalanan ko lang sayo ay minahal kita ng labis kaya kahit na anong gawin mo sa akin ay hindi ko makuhang magalit saiyo dahil mahal na mahal kitaaa!!!....humihikbing sigaw ni Nicole habang kinakalampag nito ang pintuan ng bahay...

"Bakit hindi mo man lang pakinggan ang paliwanag ko kung talagang minahal mo ako!..sana man lang Brent bigyan mo ako ng pagkakataon para makapagpaliwanag man lang!,...Breenntt pleaaassee talk to meee hu hu hu!!....samo ni Nicole na parang batang nag iiyak at humihingi ng awa....

Dahil hindi makontak ni Bern ang kaibigang si Nicole ay tinawagan niya ang mommy nito na si Allena ngunit ng sinabi nitong wala sa bahay nila ay agad na sumagi sa isip nito na baka pumunta sa bahay nila Brent kaya agad niyang pinaharurot ang kanyang kotse para alamin kung tama nga ang kanyang kutob at ng makarating sa pakay na bahay ay halos tumulo ang luha ni Bern ng makita nito ang hitsura ng kanyang kaibigan na parang batang pulubing nakasalampak sa harap ng nakasarang pinto kaya agad siyang bumaba sa kanyang kotse at halos takbuhin nito ang kanyang kaibigan para alalayan at suportahan sa kalungkutang pinagdadaanan...

"Nicole tahan na halika na uwi na tayo!....lumuluhang wika ni Bern saka niyakap nito ang pinakamamahal na kaibigan...

"Bern bakit ganito ang nangyayari sa amin ni Brent?...mahal na mahal ko siya Bern!...luhaang saad ni Nicole sa kaibigan...

"Nicole tahan na muna magpakalma na muna kayong dalawa saka kayo mag usap ng masinsinan para magkaliwanagan kayo dahil sa ngayon ay kapwa kayo naiipit sa magulong sitwasyon!....ani Bern saka inalalayang tumayo si Nicole at inakay itong papunta sa kotse ng dalaga...

"Bern hindi ko kayang hindi makita si Brent ng matagal at kahit na anong pagtataboy niyang gawin sa akin ay wala akong pakialam dahil mahal ko siya!...saad ni Nicole habang walang tigil parin ang kanyang pagluha..

"Nicole alam ko kung gaano mo kamahal si Brent pero dapat mo ring tirhan ng kunting awa ang sarili mo sa ginagawa niyang pagtataboy sayo!...sermon ni Bern sa kaibigan dahil sa galit na ginawa ni Brent sa kaibigan nito..

"Ewan ko Bern kung makakaya ko ang nangyayaring ito sa amin ni Brent,..ewan ko!...lumuluhang sabi ni Nicole saka dahan dahang tinungo ang kanyang sasakyan at naupo habang ang luhaang mga mata nito ay nakatuon sa kabahayan kung nasaan si Brent...at ng hindi na niya kaya pa ang bigat na dumadagan sa kanyang dibdib ay muli na namang humagulgol at isinubsob nito ang mukha sa may manibela habang walang patid ang pagbuhos ng kanyang mga luha at saka lang siya tumigil ng binusinahan siya ni Bern kaya sandali niyang pinakalma ang sarili saka nito pinaandar ang kanyang sasakyan at nakasunod naman si Bern sa kanyang kaibigan dahil alam niyang kailangan siya nito sa kanyang pagdadalamhati sa oras na iyon....

.....

Halos madurog ang puso ni Brent sa nakikitang hitsura ni Nicole lalo na ng humihikbi itong lumabas ng bahay at dinig na dinig niya ang pag iyak at pagkalampag ng nobya sa may pinto na nagmamakaawa....

Gustong gusto niyang yakapin at patahanin ang nobya ngunit bigla na lang sumasagi ang sakit at hapdi na dulot ng kahapon kaya nawawalan siya ng kontrol sa sarili at sa tuwing nakikita niya si Nicole ay naaalala niya ang mga pasakit na pinagdaanan niya na hindi niya nakasama ang kanyang mommy ngunit sa tuwing naririnig nito ang hagulgol ng nobya ay gusto niyang yakapin ito ng mahigpit para aluin ngunit hindi niya magawa dahil sa galit na pilit na sumisiksik sa kanyang puso na pinaniniwalaang kagagawan ng pamilya ni Nicole...

Nakaalis na ang sasakyan ni Nicole at Bern ngunit naroroon parin sa may bintana si Brent at tinatanawparin nito ang sasakyan ni Nicole kahit wala na ito sa tapat ng kanyang bahay na katapat naman ng kanyang kwarto kaya kitang kita nito ang pag iyak ng nobya sa loob ng sasakyan nito....

"Nicole i love you so much ngunit hindi ko alam kung kailan maaalis ang galit ko sa mga magulang mo kaya tayo ngayon ay nalalagay sa alanganin!....bulong ni Brent sa kawalan at ng matuon ang paningin nito sa bunny na bigay ni Nicole na pinangalanan nitong Nikulet at niyakap nito ng mahigpit na para bang doon ibinuhos ang sobrang pangungulila sa nobya....

....

Sa di kalayuan ay may isang taong nakakita lahat ng nangyari at naganap sa labas ng bahay ni Brent at kitang kita rin nito ang parang batang pag iyak ni Nicole na halos magmakaawa upang makausap at dinggin siya ni Brent ngunit bigong umuwi ang dalaga...

"Now Nicole wala ka ng magagawa pa dahil ayaw na sayo ni Brent at sisiguraduhin ko na hindi ka na niya babalikan pa at magagawa ko rin ang plano kong pag akit sayo Brent and in this game im sure that i will take home the price!.....nakangiting saad ng babae sa loob ng kotse....

ITUTULOY!!...

Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon