REVENGE BOOK 2
ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
BY...EMMZSobrang naawa si Thea sa kanyang pamangkin dahil sa kwentong iyon ni Nicole sa kanya kaya pati siya ay napaiyak narin habang yakap yakap ang pamangkin..
"Iha tahan na at makakalimutan mo rin siya at balang araw ay maghihilom din ang sugat na dulot ng lalaking iyon and dont worry dahil naririto lang kami na handang dumamay sa iyong kalungkutan at pagdurusa "...ani Thea kay Nicole..
"Tita thanks po hu hu hu!....walang patid ang luhang dumadaloy sa pisngi ni Nicole dahil sa sakit nang katotohanang natuklasan nito...
"Your welcome iha basta kung may problema ka ay sabihin mo lang at naririto lang kami at handang dumamay sa iyo!..oh sige na tahan na at ayusin mo na ang sarili mo at magpahinga kana sa kwarto ni Angela kana lang muna matutulog at bukas ka na lang umuwi sa inyo dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa daan!....saad ni Thea ng may marinig siyang ugong ng sasakyan at saka ng tingnan ni Thea ay si Bern at nakasunod din sina Allena at Nick na noon ay habang nasa daan ay tinawagan na ni Bern ang mga magulang ni Nicole kaya nagmamadali silang pinuntahan ang kanilang anak sa bahay nila Thea at Luke...
"Nicole anak!!!.halos sabay na wika ni Allena at Nick ng makita ang hitsura ni Nicole na mugtong mugto ang mga mata nito sa walang tigil na kaiiyak nito...
"Mommy!..daddy!!...luhaang wika ni Nicole saka agad na yumakap sa mga magulang nito at doon niya muling inilabas ang lahat ng sama ng loob sa nakitang kataksilan ni Brent sa kanya...
"Stupid that man!...magbabayad siya sa ginawa niyang ito sa iyo!!..,.gigil na turan ni Nick na nanggagalaiti ito sa galit...
"Daddy wag na po ninyong palakihan pa ang isyu basta ayaw ko na siyang makita pa at tinatanggap ko na ang offer ninyo ni mommy na pumunta kila lolo Alfonso at lola Clara sa New York baka sakaling makalimutan ko na ang lahat lahat ng mga ito!...lalo na siya baka sakaling mawala na siya sa aking isipan dahil habang naririto ako ay parang hindi ko matiis ang sarili ko na hindi ko siya makita dahil mahal na mahal ko siya kaya kay sakit ng ginawa niyang ito sa akin hu hu hu!!....yugyog ang mga balikat ni Nicole habang yakap yakap ng mahigpit ni Allena at parang ramdam ni Alllena ang sakit na nararanasan ng anak nito dahil ganoon din siya noon ng makita ang lahat lahat ng mga pinaggagagwa ni Nick ngunit ang lahat pala ng iyo ay mga pawang mga kasinungalingan ng naghatid ng muntikang pagkasira nila ng tuluyan at buti nalang at talagang mahal nila ang isat isa kaya't nanaig sa kanilang puso ang kapaptawaran at tunay na pagmamahalan...
"Anak sigurado kana ba sa desisyon mong iyan?....naninigurong tanong ni Allena sa anak nito dahil nais niyang maging maayos ang lahat lahat sa kanyang anak...
"O..opo mommy gagawin ko po ito para sa ikatatahimik na naming dalawa at siguro ay talagang hindi kami para sa isat isa!...tanging sagot ni Nicole saka kumalas ito sa kanyang ina...
"So kailan ang balak mong pag alis?...tanong ni Nick kay Nicole..
"Kung maaari po daddy ay tomorrow na po!...malungkot na sagot ni Nicole dahil sa nangyayaring ito sa kanila ni Brent at ngayon ay talagang wala na silang pag asa pang magkaayos at kung noon ay pilit niyang inaayos ang kanilang relasyon ngayon ay pipilitin niyang kalimutan at ibaon sa limot ang lahat lahat sa kanila ni Brent upang magkaroon na rin siya ng katahimikan ng isipan....
"I can't do it tomorrow!..,the next day will be better!!!..ani Nick sa anak..
"Ok daddy thank you po!...tanging sagot ni Nicole saka tumabi ito kay Bern na noon ay mas naging malungkot ang mukha ng kaibigan at parang maiiyak ito...
"Friend malulungkot ako kung lalayo ka ngunit kung ito ang dahilan para makalimutan mo ang lahat at maka move on ka ay maiintindihan kita but sana ay wag na wag mo akong kalilimutan kung naroroon kana sa states at lagi mo akong i cha chat huh?....ani Bern kay Nicole at tuluyan ng umiyak ito at yumakap sa kaibigan..
BINABASA MO ANG
Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)
RomanceBy...emzalbino