Chapter 3

6.8K 146 8
                                    

REVENGE BOOK 2
ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
BY:EMMZ

Hindi mapakali sa kanyang kinauupuan si Nicole maya't maya ang lingon nito sa kabilang mesa kung saan naroroon si Brent at ang mga kasama nito...

"Ano ba Nicole kanina ka pa parang pusang hindi makapanganak diyan sa kinauupuan mo ah!.,,baka mamaya niyan eh matunaw nalang bigla ang lalaking yun sa katititig mo oh baka gusto mong lumipat nalang doon sa mesa nila para face to face muna siya!... naiiritang sabi ni Bren sa kaibigan ngunit parang hangin lang na dumaan sa kanyang tainga ang sinabi nito sa kaibigan dahil hayun at nakatunganga na naman doon sa kabilang mesa...

"Bro yung babaeng maganda na nakabangga mo kanina eh kanina pa nakatingin sayo may tama yata sayo bro ah!... nanunuksong wika ni Arnold kay Brent na noon ay ngingiti ngiti lang..

"Hayaan mo bro parang may pagka weird nga eh kanina pa nakatulala rito na animo nanuno... sagot ni Brent sabay sulyap sa kinaroroonan ng babae na Nicole daw ang pangalan nito...

"Hindi weird bro kundi napana mo yata ang puso niya oh tingnan mo kung makatingin parang ayaw kumurap but in fairness ang ganda niya... buong paghangang saad ni Arnold na ikinangiti naman ni Brent dahil sa totoo lang ay tama ang kanyang kaibigan na maganda nga ang babaeng nakapangalumbaba sa pagtunghay sa kanya mula sa kabilang mesa...

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na sina Bernadeth at Nicole para uuwi na at ng patungo na sila sa kotse ay agad na lumigid si Nicole sa may driver seat na ipinagtaka ni Bern dahil kanina lang ay nagreklamo ito sa pagmamaneho ng papunta sila sa party...

"Oh akala ko ako ang magdadrive ng kotse dahil kanina lang eh nagrereklamo kana!... turan ni Bern kay Nicole ngunit patuloy lang sa pagsakay sa may bahagi ng manibela...

"Nope i will drive the car!... tanging sagot ni NIcole saka inayos ang sarili nito...

Ngunit ilang minuto na silang nakaupo sa may kotse ay hindi parin niya ito ini estart ang kotse at palinga linga sa paligid na parang may inaabangan...

"Hoy Nicole ano ba ang balak mo bakit hindi mo pa pinapaandar ang kotse.,, wag mo sabihing may hinihintay kang tao kaya hindi mo pa ito pinapaandar... sermon ni Bern sa kaibigan nito..

"Exactly my dear!...tanging sabi nito at ng may mamataang palabas ng gate ay agad niyang pinagmasdang mabuti at ng masigurado na tama siya ay agad niyang pinaandar ang kanyang kotse at dahan dahan niyang sinundan ito ng lumabas na ang kotseng puting audi..

"Hoy Nicole wag mong sasabihing susundan mo ang lalaking iyon?... nagtatakang tanong ni Bern dahil hindi makapaniwala sa gagawin ng kanyang kaibigan...

"Absolutely yes my dear friend susundan ko siya hanggang sa bahay niya para malaman ko kung saang panig ng mundo nakatira si Brent Midrano!... nakangiting sagot ni Nicole habang patuloy sa pagmamaneho at pagsunod sa kotseng minamaneho ni Brent...

"Hoy babae napufrustrate kana ba ha at talaga pang susundan mo ang lalaking iyon!... hindi makapaniwala sabi ni Bernadeth dahil kahit gaano kataray at kakalog ang kaibigan niyang ito ay hindi gumagawa ng anumang kawerduhan ngayon lang niya ito nakitang ganito ang kanyang kaibigan kaya naman sobrang alala ito kay Nicole...

"Yes mapufrustate ako kung hindi ko malalaman kung saan siya nakatira kaya pwede ba tumahimik kana lang diyan kung salungat ka lang rin naman sa mga plano ko at baka mabulilyaso pa ako nito eh!....sermon ni Nicole kay Bern dahil sa katatanong nito sa kanya...

Dahil sa nakitang kaseryosohan sa mukha ni Nicole ay walang nagawa si Bern kundi tumahimik nalang sa kanyang upuan dahil seryoso talaga ang kanyang kaibigan na sundan ang lalaking nagngangalang Brent...

Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon