REVENGE BOOK 2
ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
By...emmzNagmamadaling tinungo ni Brent ang kanyang kwarto saka agad nitong hinarap ang kanyang laptop para magpa book ng kanyang ticket upang sundan agad si Nicole...
Matapos niyang magawa iyon ay agad siyang lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo ng kusina kung saan naroroon ang kanyang lola Soledad dahil tinuturuan nito ang bago nilang katulong na si Tina dahil umalis ang dati nilang katulong...
Agad niyang niyakap ang kanyang lola na siyang ipinagtaka nito ng labis...
"Apo bakit ano ba ang nangyayari saiyo ah!...nagtatakang tanong ni lola Soledad kay Brent ngunit mas lumawak pa ang ngiti nito sa kanyang mga labi na ang mga mata nito parang kumikislap pa sa kasiyahan...
"Lola ang saya saya ko alam mo ba!!....ani Brent na kitang kita sa aura ng mukha ang kasiyahang kanyang nadarama..
"Oo nga kitang kita ko nga kaya nga kita tinatanong kung bakit eh!..,naguguluhang tanong ni lola Soledad..
"Lola masaya ako dahil magkikita na kami ni Nicole!,..makikita ko na ang babaeng pinakamamahal ko!...turan ni Brent na hindi maalis alis ang nakaplaster na ngiti sa kanyang labi..
"Paano mo siya makikita eh nasa New York siya diba?...kunot noong tanong ni lola Soledad..
"Eh di susundan ko siya and actually ay bukas ng hapon ang flight ko patungong New York!...saad ni Brent....
"Talaga apo o ginugudtym mo lang ako huh?...,hindi makapaniwalang tanong muli ni lola Soledad..
"Nope lola!,..actually kagagaling lang ng mommy ni Nicole rito kanina ng palabas sana ako ng gate para puntahan si Bern ngunit nagtaka ako dahil may sasakyang biglang humarang sa akin at ng hindi nagtagal ay bumaba mula sa kotse ang mommy niya na si tita Allena saka lumapit sa akin at binigay niya ang isang brown envelope at ng maibigay niya ay umalis rin siya at ng hindi nagtagal ay binuksan ko ang laman ng envelope at halos mapatalon ako sa tuwa ng malaman kong address pala ni Nicole ang nilalaman nito kaya imbis na umalis ako ng bahay ay agad akong nagtungo ng aking kwarto upang magpabook ng ticket at kaya bukas na ng hapon ang alis ko dahil gustong gusto ko ng makita ang mahal ko miss na miss ko na siya lola at kailangang suyuin ko muna siya at pangako pi na hinding hindi ko na siya hahayaang umiyak pa,..hinding hindi na lola dahil mas ako ang higit na nasasaktan pag alam kong nasasaktan siya....pahayag ni Brent sa kanyang lola at napangiti naman ang matanda sa tinuran ng apo...
"Salamat kung ganoon apo dahil sa totoo lang ay nalulungkot din ako kung tuluyan kayong maghihiwalay!...saad ni lola Soledad..
"No lola hinding hindi mangyayari iyon at hinding hindi ko mapapayagan!..matatag na wika ni Brent sa lola nito...
......
Kinabukasan ay maagang nagising si Brent para ayusin ang mga gamit na dadalhin at dalawang linggo ang kinuha niyang bakasyon dahil nais niyang makapamasyal na rin doon kasama si Nicole at nais niyang dalawin ang kanyang ama sa amerika na si Mark na mula ng mag asawa ang kanyang ama ay hindi na niya ito kinausap pa kahit na anong paliwanag nito sa kanya kaya nais niyang itama ang lahat lahat ng kanyang pagkakamali bago niya suungin ang panibagong buhay na kanyang pinapangarap na kasama si Nicole...
Nang bago sumapit ang oras ng pag alis ni Brent ay inayos muna niyang mabuti ang kanyang kwarto at maya maya lang ay binuksan niya ang kanyang drawer at mula roon ay kinuha niya ang dalawang maliliit na kahita saka napangiti ito at nilagay niya ito sa kanyang bag at binalingan nito si Nikulet...
"Hmm baby Nikulet maiiwan ka muna rito sandali dahil pupuntahan ko lang ang iyong mommy sa New York para suyuin at ng maiuwi ko na siya rito at promise ko sayo na sooner ay makakasama natin sita araw araw kaya behave ka lang rito habang wala si daddy!"....nakangiting kausap ni Brent sa bunny stuff toy na bigay ni Nicole sa kanya saka nito kinumutan ng blanket at nilisan ang kanyang kwarto at ng makarating na ng sala ay naroroon na ang kanyang lola na naghihintay sa kanya upang ihatid siya nito sa airport...
...
New York..
Ilang araw na si Nicole sa New York ay parang mas lalong bumibigat ang kanyang dibdib dahil wala pang araw at gabi na hindi siya napapaluha kaya ang resulta ay laging mugto ang kanyang mga mata na siyang ipinag aalala ng kanyang mga lola at lolo na si don Alfonso at donya Clara ang mamang at papang ng kanyang mommy Allena na siyang kumupkop noon ng mapadpad siya sa Maynila at siyang tumulong sa kanya upang muling bumangon sa pagkakadapa..
"Apo lagi kana lang ganyan!...aba'y nag aalala na rin kami ng iyong lolo dahil wala ka man lang tigil sa pag iyak lagi nalang mugto ang mga mata mo!...alalang wika ni donya Clara kay Nicole..
"Lola akala ko pag pumunta ako rito ay makakalimutan ko siya ngunit hindi naman pala dahil mas lalo akong nasasaktan lalo pa at lagi kong naaalala ang itsura niyang nagmamakaawa sa airport noon para lang pigilan niya akong wag umalis ngunit pinagpatuloy ko parin dahil akala ko ay kaya ko ngunit parang nagkamali po yata ako lola!,...lola mahal na mahal ko parin si Brent kahit na anong pasakit ang ginawa niya ay mas nananaig ang pagmamahal ko sa kanya!..lumuluhang saad ni Nicole sa kanyang lola Clara..
"Apo ko!...ang kawawang apo ko!...maluha luhang wika ni donya Clara saka niyakap nito si Nicole..
"Kay lungkot pala pag malayo ka sa taong minamahal mo lola!...ani Nicole habang nakayakap sa lola nito..
"Oo apo talagang napakalungkot ngunit kailangan mo ring lumabas para mamasyal man lang kahit diyan lang sa may park o mag mall shopping tayo o kaya ay magpiknik tayo!...yaya ni lola Clara nito ngunit umiling lang si Nicole at tumuloy sa kanyang kwarto at naiiwang iiling iling ang donya habang malungkot na pinagmamasdan ang papalayong apo..
...
Kinabukasan ay may mahalagang lakad ang mag asawang din Alfonso at donya Clara kaya't mag isa lang si Nicole sa kanilang bahay...
Nilibang niya ang sarili sa pagbe bake at nagawa naman niya ng tama dahil sinunod nito ang procedure na kinopya niya sa google..
Nang matapos siyang magbake ay nagpahinga sandali saka naligo at muling bumalik sa sala para doon manood...
Napaidlip siya sa panunood ng tv kaya bigla nalang siyang naalimpungatan ng may kumatok sa pinto at laking gulat niya ng makitang isang delivery man ng bulaklak kaya napakunot noo siyang nilapitan ito..
"Hi there!...who are you looking for?...tanong ni Nicole sa lalaking may dala ng bulaklak..
"Im looking to ms.Nicole Beltran!..is she's there?...nakangiting sagot ng lalaki..
"I am Nicole Beltran!...ani Nicole sa kaharap..
"Oh i see!...so those beautiful flowers like you are yours!...saad ng lalaki sabay abot nito ng bulaklak na tulips at three red roses..
"Huh!..i didn't order any flowers for me and i don't have any friends here that can give me those flowers because i just arrived here few days ago!...gulat na turan ni Nicole sa lalaki..
"But you have a handsome guy who can give you all this and his there!...anang lalaki sabay turo nito sa isang sulok malapit sa kinaroroonan nila..
Muntik ng mapasigaw si Nicole sabay kabog ng kanyang dibdib ng mapagsino ang taong tinutukoy ng lalaking kaharap at noon din ay tumulo ang kanyang mga luha sa halo halong emosyon na nadarama ng mga sandaling iyon...
ITUTULOY....abangan ang FINALE..
![](https://img.wattpad.com/cover/38883674-288-k620772.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)
RomantikBy...emzalbino