Chapter 5

5.5K 133 5
                                    

ALIPIN NG KAHAPON
REVENGE BOOK 2
"BRENT & NICOLE"
BY:EMMZ

Halos magtitili si Nicole ng matanggap niya ang text message ni Brent na nagpapasalamat sa binigay nitong pizza kaya naman sa sobrang saya nito ay agad niyang tinawagan ang numero nito ngunit bigla itong napasimangot dahil hindi man lang sagutin ni Brent ang kanyang tawag nakailang missed call na siya ngunit hanggang ring lang ang cellphone nito kaya nanlulumo itong napaupo sa may sofa na parang maiiyak ang hitsura nito...

"Oh friend bakit parang namatayan ka diyan ano bang nangyari sayo at ganyan ang hitsura mo?...takang tanong ni Bern na noon ay kagagaling lang nito mula sa kusina...

"Ang mokong na iyon ayaw niyang sagutin ang tawag ko!,..halos maiyak iyak na sumbong ni Nicole sa kanyang kaibigan..

"Kaya ganon halos magluksa ka na sa hindi nito pagsagot sa iyong tawag!.,,eh baka naman busy yung tao kaya hindi niya masagot sagot ang iyong tawag!,...ani Bern kay Nicole ngunit mas lalo pang napasimangot ang kanyang kaibigan sa tinuran nito...

"Eh paanong magiging busy yun eh halos katetext lang niya sa akin ng tawagan ko siya at nakailang tawag ako sa kanya but his phone is keep on ringing but he just ignore my call!,..parang naiirita na maiiyak ang hitsura ni Nicole ng mga oras na iyon at samantalang si Bern ay pigil nito ang kanyang emosyon para sa kanyang kaibigan dahil natatawa na siya sa hitsura ng kaibigan dahil kung makapag react ay akala mo syota na nito ang lalaking tinatawagan...

"Hmm ewan ko lang kung ano ang dahilan ng hindi nito pagsagot sa iyong tawag o baka naman kasama nito ang kanyang girl friend kaya hindi niya masagot sagot ang tawag mo at malamang na silang dalawa ang kumain ng bigay mong pizza!,..naks Nicole magising ka dahil baka pinagtatawanan lang niya sa pinaggagawa mong iyan!,..paalala ni Bern kay Nicole ngunit mas lalo pang napakunot ang noo ni Nicole sa sinabing iyon ng kaibigan kaya naman dali daling kinuha ang kanyang bag at nilisan ang bahay ni Bernadeth sa inis sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan...

Natatawang pinagmamasdan ni Bern ang kaibigan habang papalabas ng kanilang bahay...

"Hay Nicole inlab ka na nga at ano nga ba ang damdamin saiyo ng lalaking iyon?.. Ang tanging ikinakatakot ko ay baka paaasahin ka lang sa wala at masaktan ka ng labis dahil sa nakikita ko sayo ay baliw na baliw ka sa lalaking iyon.... bulong ni Bern sa kawalan habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ng kanyang kaibigan...

Nais na matawa ng malakas ni Brent ng makita ang pagtawag sa kanya ni Nicole ng ilang beses mula ng pagkapadala niya ng mensahe sa dalaga para pasalamatan ito sa pagpapadala niya ng pizza..
Alam niyang madali itong mapikon kaya sinadya niyang hindi sagutin ang tawag ng dalaga kaya pinagmasdan nalang niya ang aparatong nag iingay ng ilang beses habang nakangiti ito at halos sumakit ang tiyan nito sa katatawa na pinipigil nito dahil baka masabihan siya ng kanyang lola na baliw at maya maya pa'y dinampot ni Brent ang bunny na bigay ni Nicole sa kanya..

"Alam mo Nikulit nakakatawa ang amo mo kaya kay sarap na asarin eh bagkus ba naman na sapawan niya ako sa panliligaw na dapat sana ako ang gumagawa..,, nakakainsulto sa ego ng mga lalaki ang ginagawa niyang ito but in other way ay nagugustuhan ko dahil parang ipinapakita lang niya na mahal niya ako at i really like it dahil minsan ay napipikon siya at naiimagine ko yung hitsura niya na halos mamula ang kanyang mukha sa galit at yun ang gustong gusto ko sa kanya her blushing face that makes her more even beautiful..
Konting pasensiya pa at ako naman ang babawi sayo sa susunod kunting asar muna ang gagawin ko sayo... natatawang wika ni Brent sa bunny na tinawag niyang Nikulet saka naupo sa kanyang kama at ng makalipas ang halos kalahating oras ay may narinig siyang katok sa pinto ng kanyang kwarto at ng buksan niya ito ay ang kanyang lola ang naroroon na mag ngiti ito sa kanyang labi...

"Oh lola bakit po at parang masaya kayo yata ah!... ani Brent sabay puna sa kanyang lola sa pilyang ngiti sa kanyang labi...

"Magbihis ka apo kasi nasa baba yung magandang babae na manliligaw mo hi hi hi!.... saad ni lola Soledad na kinikilig habang pinagmamasdan nito ang kanyang apo...

Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon