Chapter 14

4.9K 128 3
                                    

REVENGE BOOK 2
ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
BY..EMMZ

Nang dumating ang inorder na drinks nila Nicole at Bern ay agad na sinunggaban ni Nicole ang tequila at sinalinan nito ang dalawang kopita saka ibinigay nito ang para kay Bern at dinampot nito ang kanyang kopita,...halos ilang lagok lang ang ginawa nito sa halos higit sa kalahating laman ng kopita saka muli na namang sinalinan nito ang kanyang baso...

"Oy friend hinay hinay lang hindi yan tubig wine iyang iniinom mo baka hindi mo alam!...paalalang wika ni Bern kay Nicole dahil parang tubig kung inumin nito ang alak sa kanyang kopita...

"Bern please just let me do it!,...gusto ko na sana kahit ngayon man lang ay maging manhid ang aking damdamin sa sakit na aking nararamdaman!....maluha luhang wika ni Nicole sa kaibigan...

"Ok but wag namang masyado baka magkalat ka pa rito!...muling paalala ni Bern saka iiling iling na tiningnan na lang niya ang kanyang kaibigan dahil naiintindihan nito ang pinagdadaanan nito...

....

Samantala habang nasa daan ang magkaibigang sina Brent at Arnold ay parang dinadaganan ng mabibigat na bato ang dibdib ni Brent dahil sa mga bagay bagay na gumugulo sa kanyang isipan...

Nais na niyang makita ang kanyang nobya ngunit parang may kung anong pumipigil sa kanya,...ang galit na matagal na niyang kinimkim sa kanyang puso at ngayon ay nahihirapan na rin siya kaya hindi niya alam ang kanyang gagawin at gulong gulo na siya kaya nais niyang ilabas ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag inom ng alak baka sakaling gumaan kahit sa sandali man lang ang kanyang dibdib...

Nang makarating sa may bar ay magkasunod na bumaba ng sasakyan sina Brent at Arnold saka agad na dumiretso sa loob,..ngunit hindi nila alam na may lihim na aninong nakasunod sa kanila...

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Mariz bago pumasok sa loob ng bar at kumuha ito ng pang dalawahang mesa at doon siya naupo patalikod sa may malapit ng mesang kinaroroonan nila Brent at Arnold na malapit sa may entablado..

Halos ilang sandali lang ang lumipas at halos kalahating case na ng beer ang nainom ng dalawa ngunit mas maraming nainom na si Brent kesa kay Arnold na alalay lang sa pag inom dahil siya ang may hawak ng sasakyan..

"Bro marami kana yatang nainom ah!....ani Arnold kayBrent ng mapansin nitong halos kalahati na ng case ng beer ang naitumba nilang dalawa ngunit mas maraming nainom si Brent kaysa kay Arnold...

"Wala yan bro andiyan ka naman eh na maghahatid sa akin pauwi"...birong sagot ni Brent saka muli nitong nilagok ang tangan tangan niyang kalahating beer sa bote na hawak nito...

"Waaahh kaya mo pala ako niyaya para maging alalay ko!...birong sabi ni Arnold sa kaibigan..

"Ngayon lang ito bro at alam kong naiintindihan mo naman ako diba?,...ngayon lang ito bro kumukuha lang ako ng lakas ng loob para labanan ang nararamdaman kong ito dahil hirap na hirap na ako dahil hindi mawala sa isip ko ang sakit ng dulot ng pagkawala ng aking mommy kung kaya't umaalipin sa aking isipan ang naging kalungkutan ko kahapon at kayhirap iwaglit ito!,...pero bro mahal na mahal ko si Nicole siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito!....maluha luhang pahayag ni Brent sa kanyang kaibigan...

"Kaya nga bro kailangan mong liwanagin ang lahat lahat para sa ikakaayos ninyo ni Nicole at syempre ng kanyang pamilya!....ani Arnold sa kaibigan...

"I will try bro!....tanging saad ni Brent saka muli nitong sinaid ang huling patak na hawak nitong bote ng beer...

Samantala ng makalahati na ni Mariz ang inorder niyang tequila ay medyo tipsy na ito at mas nagkaroon na siya ng lakas ng loob para lapitan sina Brent sa kanilang mesa...

Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon