Prim's PovTATAKBO sana ako palapit sakanya pero mabilis akong hinagip ng isang braso. Nilingon ko kung sino yon at nakita ang seryosong mukha ni Tangent.
"Hindi ka dapat lumapit kapag may bampirang nag-aaway." sabi nya, "Maari kang mapahamak."
Napalingon akong muli kina Trojan, nakailang suntok na sakanya si Ross at hindi pa rin sya nakakabawi. Dahil tuluyan na siya nitong nakorner sa sahig.
"P-pababayaan mo nalang ba sila na nag-aaway ng ganyan?" tanong ko, "B-baka kung mapano pa ang isa sakanila.."
"Matatapos din ang dalawang yan." walang pag-aalala sa tono nito.
"Pang-ilang pinto na ba yan ni Ross?" Napakunot-noo ako sa tanong ng bagong dating.
"Obviously hindi pa rin siya natututo hanggang ngayon," sagot ni Tangent rito. "Palagi nalang siyang sumusuway sa rules."
"By the way, I'm Indigo." Pakilala ng ikalawa.
"H-hi.." awkward kong tinanggap ang kamay nito.
Tulad ni Tangent at maamo ang mukha nito. Bagay na bagay rito ang suot niyang chef uniform. Medyo kulot ng kaunti ang buhok niya at siya ang may pinakamaputing complexion.
"Ibig nyo bang sabihin palagi silang nag-aaway ng ganito?" balik ko sa usapan.
"Hindi." Iling ng una, "Ang totoo ngayon ko lang nakita na ganyan kagalit si Trojan, tingnan mo ang mukha niya. Gigil na gigil siya kay Ross.." krus ng braso ni Tangent.
Naiba na kasi ang pwesto ng dalawa at si Trojan naman ang nakacorner kay Ross.
"Dati na niyang sinisita si Ross pero mas madalas nagkakasagutan lang sila. Kaya nakakalibang silang makita na nagsasabong ng ganyan.." ngiti ni Indigo na tila wala ring pakialam sa nangyayari, "Makakatulong din naman sakanila yan physically. Isipin mo nalang na nagwo-work out sila."
Mabilis ang kilos nilang dalawa at kung san-sang bahagi ng kwarto lumilitaw. Kaya nahihirapan din akong makita kung sino na ba sakanila ang mas argabyado. Basta ang alam ko lang ay kinakabahan ako para kay Troj.
"Matulog ka na Lady Prim." suggest ng una, "Bukas na ng umaga mo sila kumustahin."
"Yap, baka mapuyat ka lang kung papanoorin mo ang dalawang yan.." pangalawa ni Indigo na aalis na sana pero napahinto rin agad.
Dahil narinig namin ang malakas na pagkakabasag ng salamin ng isa sa mga bintana. Inihagis na pala ni Trojan don si Ross palabas. At saka tumalon pababa para sundan ito.
Patakbo akong sumilip ron at nakitang tuloy pa rin ang dalawa sa pagpapambuno. Ayaw nilang mapatalo sa isa't-isa.
"Ouch!"
Dahil sa may mga bubug na naiwan sa nabasag na salamin ay aksidenteng nahiwa ko ang aking sarili. Hindi ko napansin na may nakausli palang salamin sa pinatungan ko ng braso.
Parang may hanging umihip mula sa likuran ko at naramdaman ko nalang na may humawak nang mahigpit sa'king braso.
"Indigo, wag!" sigaw ni Tangent nang akmang kakagatin ako nito.
Kinabahan ako dahil mapupula ang mga mata nito.
Mabuti nalang at napigil siya agad ni Tangent. Iniharang nito katawan para iprotekta sakin.
"Talian mo ang sugat mo, bilis!" sigaw niya na hindi ako nilingon.
Sa taranta ko ay pinugit ko na lang ang palda gamit ang bubog para makakuha ng piraso at takpan ang sugat.
Napamulagat ako nang si Ross naman ang lumitaw mula sa bintana paharap sa'kin. Duguan na ito dahil sa laban nila ni Trojan, pero nakangisi pa rin siya at nakatingin sa braso ko. Naamoy din niya siguro ang dugo ko kaya siya tumalon ron.
BINABASA MO ANG
Vampire's Menu
VampirePrimrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself homeless. By chance, she meets a vampire named Trojan in a park. Soon after, Gunther, another vampire who turns out to be Trojan's half-broth...