Prim's pov
SINUNDO ako ni Trojan mula sa confinement. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Dinadaga naman ang dibdib ko dahil bago kami umalis ay sinabi na niya sakin ang dahilan kung bakit natapos agad ang paglilitis. Pinili kong tanggapin ng bukal sa loob ang sakripisyo ni Gunther. Dahil siguradong susungitan ako non kung sakali mang pinapanood niya ako kung nasan man siya kapag malaman niyang guilty ako.
Hinding-hindi ko pagsisisihan ang lahat bilang respeto sa desisyon niya at sa patuloy na pagsuporta ng butlers sakin.
Isang limousine ang huminto sa harap ko. Nakaramdam tuloy ako ng nostalgia nang unang beses akong makasakay ron.
"Naghihintay na ang butlers sayo.." nakangiting giya sakin ni Trojan, "Lady Prim.."
"Bakit parang ang formal mo ngayon?" natatawa kong tanong.
"Malalaman mo rin kapag nasa Cafe na tayo." balik niya.
"Sandali," hila ko sakanya pabalik, "Wala ka bang nakakalimutan?"
Napaikot siya habang nag-iisip, "May dapat pa ba tayong dalhin?" pagtataka niya.
Napanguso ako.
Nakailang kisap siya nang mabaling ang mata niya sa labi ko. Kaya mas lalong nanghaba yon.
"Ang lungkot kaya sa loob ng confinement! Tapos namimiss pa kita kaya mas lalo akong nahirapan," parang bibe kung turan, "Kapag nasa Cafe na tayo siguradong mahirap nang makahanap ng chance para-
Hindi na niya ako pinatapos at natatawang hinagip sa batok para pagbigyan ang request ko.
"Hindi kita matatanggihan kung magpapacute ng ganyan sakin," ngisi niya, "Kapag di ka pa tumigil baka iuwi na kita sa bahay.." muli niyang huli sa labi ko.
Nagpaubaya ako at ipinulupot ang kamay ko sa batok niya. Ramdam ko ang mga matang nakamasid samin dahil nasa harapan pa rin kami VP Headquarters pero wala na akong pakialam dahil yon ang araw na malaya na ako mula sa anino ng Vandivic at sa pagiging muse ng Empire's Cafe.
Wala nang pipigil sakin para mahalin si Trojan, ang una at huling vampire na magmamay-ari ng pag-ibig ko!
"Ehemm.."
Agad niya akong pinakawalan ng marinig ang tikhim mula sakanyang likuran. Namumula naman akong napayuko nang makita ang mukha ng daddy niya.
"D-dad?" halatang nagulat siya.
Ngumiti si Mr. Clein at hinawakan siya sa balikat, "Mabuti at naabutan pa kita," anito, "Nagmamadali kang umalis kanina, ganyan ka ba kaexcited na iuwi ang future daughter-in-law ko?"
Nanlaki ang mata ko sa pahayag niya. Magkahalong hiya at saya ang naramdaman ko. Di ko inexpect na makukuha ko ng ganon kaaga ang basbas nito.
"Hija," napaayos ako ng tayo nang balingan niya ako, "You must have heard alot of negative things about me and mahirap nang baguhin ang impression na mayron ka sa ngayon, but being a father and a Vampire Lord is not an easy job. Will you give this old man a chance?"
"Wag po kayong mag-alala, naiintindihan ko po na magkaiba ang batas ng vampires, sa mga tao. Hindi rin po ako magaling sa pagbasa ng tao, minsan yong inakala kong masama, yon pala ang mabuti at ang taong akala kong mabuti ay siya palang masama. Natutunan ko po sa loob ng Cafe na hindi mo makikilala ang isang tao sa isang tingin, salita o gawa lamang. Kaya wala po ako sa lugar para ijudge kayo. Ang alam ko lang po.." tiningnan ko si Trojan, "Bilang ama, gusto niyo lang na piliin ng mga anak nyo kung ano ang makakabuti para sakanila at maiiwas sila sa gulo."
"I see now, why my sons are so eager to protect you." tila pagsuko nito, "Gunther has always been a brat this is the first time that he did a selfless act. He made me proud. Welcome to the family.."
BINABASA MO ANG
Vampire's Menu
VampirePrimrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself homeless. By chance, she meets a vampire named Trojan in a park. Soon after, Gunther, another vampire who turns out to be Trojan's half-broth...