Chapter 28 Lielow

48 6 0
                                    

Flashback

NATARANTA ako at tumakbo palabas. Si Empire ang una kong hinanap. Sakto naman na nakasalubong ko siya sa may hagdanan.

"Empire!" Nanginginig kong harang sakanya, "S-si Trojan.. hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya.."

Alerto niya akong hinawakan sa kamay at sabay kaming tumakbo pabalik.

Naabutan naming nakahandusay na si Trojan sa sahig.

"Anong nangyari?"

Umiling lang ako. Nag-alangan akong sabihin ang totoo. Wala pang nakakaalam sakanila ng pagkatao ko bukod kay Gunther.

"Prim.." agaw niya, "Wag kang matakot."

Kahit papano nakaramdam ako ng assurance sa sinabi niya. Maingat niyang binuhat ang ikalawa para ihiga sa kama.

"Si Gunther?" lakas loob kung tanong, "Gusto ko siyang makausap."

Taka niya ako tiningnan, "Sa tingin ko okay lang si Trojan, wag kang magpanic masyado..." sagot niya.

"Buti naman," sagot ko, "Pero may ibang dahilan kaya gusto ko sana siyang makausap."

"Bumalik na siya sa Cafe kasama si Ross at Clev."

"Pupuntahan ko siya."

Lumapit siya sakin at mataman akong tinitigan.

"Umiiyak ka ba?"

Iniiwas ko ang mukha ko nang tangkain niyang punasan ang luha ko.

"W-wala ito." Pahid ko sa pisngi, "N-nag aalala lang ako kay Trojan. Bigla nalang sumakit ang ulo niya kanina. Marami akong nasabi sakanya na hindi ko nalang dapat sinabi."

"Masyado kang nag-aalala, vampire si Trojan. Hindi siya mamamatay agad nang dahil lang sa may nasabi kang hindi maganda. Siguro epekto pa rin ng nainom niya kagabi kaya siya nagkaganyan."

"Pwede mo ba akong ihatid sa Cafe?" angat ko ng mukha.

"Walang problema."

Matapos maihabilin kay Indigo si Trojan ay nagtungo na kami sa Cafe.

Hindi naman nawala sa tabi ko si Empire nang makarating kami don.

"Ako lang ba o may attachment akong nakikita sa pagitan nyong dalawa?" mapanuring komento nang lumitaw na si Ross.

"Wala pa ring malay si Trojan kaya ako nandito para samahan siya.." excuse ni Empire.

Nagbuntung-hininga ito, "Nag-iba na talaga ang ihip ng hangin. Una ang host, tapos si Clev.." natawa, "Pati ba naman ikaw Empire?"

Napayuko lang ako ng ulo sa sinabi niya. Halata naman kasing ako ang sinisisi niya sa mga nangyayari.

"Nawawalan ka na ba ng pag-asang manalo?" upo ni Empire sa sofa.

"Kung ganyang isa-isa na kayong nababaliw sakanya, sino pa bang gaganahang makipaglaro?" tamad nitong sagot.

"Sino bang may sabing nababaliw ako sakanya?"

Sumeryoso ito, "Malayo sa kilos mo ang sinasabi mo Empire.."

Nakaramdam ako ng ilang sa sinabi nito. Napaayos naman ng upo si Empire na tila apektado sa pahayag nito.

"May nakakagulat ba?" tawa nito, "Pwede mong lokohin ang iba, pero ako? You cant deny the fact na isa ka na rin sa nahuhumaling sakanya." diin nito, "Kung pagbabasehan ang rules ng roulette. Pwedeng pwede ko siyang patayin dahil nainlove na ang players sakanya, tama ba?"

Hindi siya umimik at nagtiim-bagang.

"Napakaunfair para kay Gunther ang sitwasyon na 'to? Napilitan siyang patayin ang muse last year para lang masunod ang rules. Ano kayang gagawin niya pag nalaman niyang ikaw mismo ang lumalabag sa rules na ginawa mo?"

Vampire's MenuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon