PAGPASOK ni Elaine sa loob ng kwartong ibinigay sakanya ni Gunther ay kaswal niyang binuksan ang kanyang maleta sa kama upang kunin ang kanyang notebook.
"Now, it's time to see what are these vampires hiding under their sleeves.." ngiti niya at saka yon binuklat, "Hmm, so saan ako mag-uumpisa?" nilaru-laro niya ang bolpen at saka tumayo habang pinagmamasdan ang kwarto.
Naagaw ang pag-iisip niya nang may kumatok. Mabilis niyang itinago ang notebook upang pagbuksan ito.
"Hi.." tamad na bati ng binatang may pulang buhok, "Ako si Trojan, pinapunta ako dito ni Gunther para maging personal guard mo."
Natawa si Elaine, "Personal guard? Sa loob ng cafe? Galing ah, parang ang seryoso nyo naman masyado."
"Hindi ako nagbibiro." tila wala itong ganang makipag-usap sakanya.
"Ano namang panganib sa loob ng Cafe na ito bukod sa mga charming na vampire na nakatira rito?"
Napakamot ito, "Wala naman, pero kailangan mo pa rin ako hangga't nandito ka."
"Bakit nga?"
"Bakit ba nagtatanong ka pa?" inis nitong balik, "Basta, gusto ni Gunther, tapos! Wala na akong ibang sasabihin. Kung may gusto ka pang malaman sakanya ka na lang magtanong. Dahil tinatamad akong magpaliwanag."
"Ngayon lang tayo nagkita pero ang sungit mo na agad sakin." puna niya.
"Lady Elaine," pamaywang ni Trojan, "Gusto ko lang linawin na personal guard mo lang ako rito kaya wag mong bibigyan ng ibang kahulugan ang mga mabubuting bagay na gagawin ko sayo. At lalung wag mo kong ipi-flirt dahil wala kang mapapala sakin." banta nito sa dalaga.
"Opo, Mr. Sungit, tatandaan ko po yan! Saka isa pa, may boyfriend ako.. kaya bakit naman ako makikipagflirt sayo?" natatawang sagot niya, "May iba akong dahilan kaya ko tinanggap ang invitation ni Gunther at saka promo lang naman ito hindi ba as a 100th customer sa bar ni Clev? Ayoko lang sayangin yong chance ko."
Napakisap si Trojan dahil napakakaswal lang nitong makipag-usap. Ang alam lang niya ay nagtratrabaho ito sa Vampire Hunter bilang asset kaya nasa listahan ito ng VP.
Hindi siya nakapunta nang magmeeting ang mga butler tungkol rito kaya hindi niya alam ang iba pang detalye ng mga nagawa nito laban sa vampire government o anumang paglabag sa batas ng tao. Wala siyang maramdamang masama sa aura nito bukod sa mapanlinlang nitong expression.
Alam niyang maaring isa sa dahilan kaya siya pumasok dito ay para magspy. Malaki rin ang posibilidad na gamitin niya yon laban sakanila. Napakakalmado niya at halatang sanay na magpanggap.
MAKALIPAS ang ilang araw, ang akala nila ay bumibigay na ang dalaga sa pagpapaimpress ng mga butlers dahil madali itong kausapin at walang complain sa kahit na ano. Ngunit sa huli ay inamin nitong nahulog na ang loob niya Gunther at sinakyan lang niya ang mga ganap sa Cafe.
At ang notebook na puno ng mahahalagang impormasyon tungkol sakanila at sa loob ng Cafe ay sinusunog nito bilang patunay na wala itong balak na kalabanin sila o ipahamak man lang.
Naging maayos ang lahat sa pagitan nila ngunit humantong pa rin sa pagkamatay ni Elaine ang lahat dahil sa pressure na ibinigay ni Mr. Clein kay Gunther at dahil ito rin ang unang pagkakataon na nainlove ang binata sa muse kaya hindi na siya nakapag-isip ng maayos at nagdusa sa maling desisyong nagawa niya.
Vampire Police HQ
"HINDI rin po namin macontact ang kahit sino sa mga butlers." pasok ng tauhan ni Mr. Clein
BINABASA MO ANG
Vampire's Menu
VampirePrimrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself homeless. By chance, she meets a vampire named Trojan in a park. Soon after, Gunther, another vampire who turns out to be Trojan's half-broth...