MINSAN ang hirap pa ring paniwalaan na nasa paligid lang sila.
Lumilibot ang paningin ko habang naglalakad para obserbahan ang mga bampirang nasasalubong at nadaraanan namin. Halos katulad lang sila ng mga tao.
Mas putla nga lang ang balat nila kaysa normal kaya madali na lang mahulaan kung sino sila. Maliban na lang sa mayayamang vampire na nagagawan ng paraan para magmukha din silang normal na tao gamit ang pera nila.
Saka ko namalayang magkahawak kamay pala kami ni Trojan. Hila-hila niya ako habang tuloy lang sa paglalakad.
Nag-init ang mukha habang nakatingin sa likuran niya. Ewan ko ba kung guni-guni ko lang o sadyang bumagal ang oras sa paligid namin. Parang nag-slow mo ang lahat. Ano bang nangyayari sa'kin?
Tinapik-tapik ko ang pisngi ko para matauhan ako. Nang bigla akong bumunggo sa likuran niya dahil huminto siya sa paglalakad.
"Oh?" react niya.
"S-sorry, bigla ka kasing huminto.." pispis ko sa ilong ko.
Hindi pa rin sya bumibitaw sa kamay ko.
Nagdial siya sa phone at nilapat yon sa tainga.
"Hello, andito na kami sa Eastgate. Sunduin mo nalang siya..hihintayin ka namin."
"Sino yon?" Tanong ko matapos ang tawag.
"Si Ross."
"Close ka sakanya?"
"Hindi." tanggi nya, "Bakit ganyan ka tumingin?" Puna nya dahil nakatunganga ako sakanya.
"Naghilom na pala ang mga sugat mo?"
"Yeah, kanina pa. Ngayon mo lang napansin?"
"Oo, eh. Ang galing.."
"Sabihin mo nga, bukod sa'kin at sa iba pang nasa cafe.. hindi ka pa ba nagkaron ng close encounter sa mga bampira?"
"Hindi pa," iling ko, "Kayo palang.."
"Sorry.." paumanhin niya.
"Sorry san?"
"Nadamay ka pa sa katuwaan ng mga spoiled brats na yon." seryoso niyang sabi.
"Sa tingin ko mabait naman talaga silang lahat, lalo na si Gunther."
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.
"Bago pa matapos ang larong yon. Sasabihin ko sa'yo lahat.."
"Ang sabi mo kasama sa trabaho ang manahimik?"
Hindi na niya ako nasagot nang may humintong limo sa harap namin. Bumaba ang salamin non at bumungad ang nakangiting si Ross. Nakasuot siya ng shades.
Ipinagbukas ako ng pinto ni Trojan at inalalayan papasok.
"Magkita tayo mamamaya." Saka siya bumitaw sa kamay ko.
Nakaupo si Ross na parang nasa pictorial. Daig pa niyang modelo na nagpopose sa camera minu-minuto. Hindi naman yon masagwang panoorin, ang totoo kahit flashy at 'ggss' masarap siyang titigan.
Kung hindi ko nga lang nabenta yong phone ko, baka palihim ko na siyang kinunan ng picture. Ang problema naholdap ako nong araw din mismo bago ako napalayas sa apartment, kaya nawala ang inipon kong pambayad sana sa upa at pambili ng bagong matinong phone.
Sa isang iglap nawala lahat sakin, pera, tirahan at 'dignidad'. Kaya gusto kong samantalahin ang opportunity na inalok ni Gunther. Minsan lang ito at hindi ko alam kung hanggang kailan.
BINABASA MO ANG
Vampire's Menu
VampirePrimrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself homeless. By chance, she meets a vampire named Trojan in a park. Soon after, Gunther, another vampire who turns out to be Trojan's half-broth...