Chapter 24 Relief

101 13 2
                                    

     "HINDI alam ni Trojan na overqualified ka pa para maging muse. Sobra-sobra tuloy ang pagprotekta niya sa'yo."

"Inosente pa rin ako. Ano bang alam ko sa pinaggagawa ng magulang ko?" sumpong ko, "Ikaw na rin nagsabi na sanggol palang ako non!"

"Kung hindi sila napatay at lumaki ka sa puder nila. Sa tingin mo, ano ka ngayon? Hindi ba't mananatili kang Vandivic at malamang isa ka sa sakit ng ulo ng MidKnight."

Hindi na ako nagdahilan pa kahit alam kong kaya kong idepensa ang sarili ko. Halata namang biased siya at mas pinapaburan ang batas nila. Ano bang laban ko sakanya? Kahit noon pala magulo na talaga ang buhay ko.

"Matagal ka nang may hatol kaya ito na ang kapalaran mo."

"P-pwede bang sa'kin nalang ang folder?" pahid ko sa mga luha ko.

"It's yours." tayo niya.

"Gunther sandali.." habol ko, "May balak ka bang sabihin kay Trojan ang tungkol dito?"

"Bakit?"

"Ayoko sanang malaman niya."

"Natatakot ka ba na magbago ang pagtingin niya sa'yo?"

Nagbaba ako ng tingin.

"Palagay ko hindi yon ang dapat na inaalala mo. Nasisiguro kong kapag nalaman niyang siya ang dahilan ng pagkaulila mo, hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Kilala ko si Trojan kahit hindi kami totoong magkapatid."

Sa sinabi nito mas natakot akong ipalam sakanya.

"Kapalit ng pananahimik ko, wag mong hayaang mapalapit pa ng husto ang loob niya sa'yo. Piliin mong mabuti ang susunod na owner ng Cafe. At kung sino man yon siya na ang magpapasya para sa buhay mo. Wag kang mag-alala, hindi ako makikialam. Ayoko lang maapektuhan ang laro dahil sa kapabayaan ni Trojan."

"Kaya siguro walang nangyayaring maganda sa buhay ko. Ayaw sa'kin ng mga tao sa paligid ko kahit wala naman akong ginagawang masama. Lahat sila pinagtatawanan ako dahil hirap na hirap akong sumabay sakanila. Kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko at mamuhay mag-isa. Kung hindi lang dahil sa scholar hindi ako makakapasok sa school ni Tangent."

"Well, blame your parents for all your misfortune."

Tumayo na rin ako, "Hindi ko sila kilala, wala akong alam sa mga dahilan ng naging desisyon at pinili nilang landas, kaya hindi ko sila sisisihin." sagot ko, "W-wala na bang iba?" pigil kong muli sa luha ko.

"Pwede ka nang bumalik sa kwarto mo kung wala ka nang gustong itanong pa."

Kagat-labi akong tumango. Palabas na sana pero pumihit ako pabalik at inilahad ang palad sakanya.

"Salamat nga pala.."

Nagulat siya pero agad ding nakabawi, "Para saan?"

"Dahil sinabi mo sa'kin lahat. Nasagot ang mga tanong ko mula nong bata pa ako. Ngayon alam ko na kung sino ako, kaya salamat."

"Hindi yon ipinagpapasalamat, Prim."

"Pero gusto ko pa rin.." hinagip ko ang palad niya para kamayan siya, "Sinagip mo 'ko sa paghihirap ko sa labas at napakalaking bagay non para sa'kin. Nong tumira ako rito sa Cafe, nagkaron ako ng kasama. Nagkaron ako ng mga bagay na wala ako noon. At least, naranasan ko ang mga yon kahit pa sabihin na panandalian o pagpapanggap lang ang lahat. Kung iisipin maswerte pa rin ako na naranasan ko ang ganito sakabila ng katauhan ko, hindi ba?"

Nailang niyang inagaw ang kamay at idineretso sa bulsa.

"Kahit anong gawin mo hindi mo makukuha ang simpatya ko."

Vampire's MenuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon