Epilogue

96 8 4
                                    

    HINDI na namalayan ni Prim ang paglipas ng mga araw. May isang taon na rin ng makagraduate siya ng highschool at hindi pa niya napagdidesisyunan ang tumuloy sa college. Dahil mula nang mamatay si Gunther, nagkaron siya ng mga responsibilidad at aminado siya na kahit naging maayos na ang buhay niya, ay napressure siya sa mga yon.

Pero naging hands on naman ang butlers sa pagtulong sakanya. At katulad ng dati nandon pa rin ang habit ng mga ito na magset-up ng dates para sakanya, only this time bilang boss nila at kaibigan.

"Tea?" baba ng tasa ni Empire sa table.

"Salamat.." ngiti niya, "Uhm, nakausap mo na ba ang parents mo?"

Umupo ito sa tapat niya, "Well, hindi sila nagulat na fake ang lahat. Pero muntik na raw silang maconvince kung hindi pa ako nagconfess sakanila." panimula niya, "My mom was so upset, bakit ko pa raw pinaabot ng isang taon ang fake engagement natin? They could've save my engagement with Litisha."

"Ganon ba?" napatango siya, "Hindi na ba pwede? I mean, hindi ka ba talaga interested sakanya kahit kaunti lang? Yong nagawa niya sa villa non, I'm sure naman na nagawa lang niya dahil gusto ka niya talaga."

"It doesnt matter anymore, unfortunately, her family found a suitable guy for her to marry. Nainsulto sila sa nangyari.."

Napakagat-labi siya, "N-nakakapanghinayang naman.."

Natawa ito, "Kung pumayag ako sa engagement na 'yon, I probably would've never get to know you. So, there's no regret at all. If you ask me, mas gusto kong mag-stay sa Cafe, kasama ang butlers at.." he paused, "Ikaw.."

Bigla siyang nasamid nang marinig ang huling sinabi nito. Nagsisi tuloy siyang ininom ang tea sa harap niya.

"Are you okay?" Dalo agad nito sakanya.

"O-okay lang," uubo-ubo niyang kumpas, "Nabigla lang ako sa pag-inom.."

Muling bumalik sa upo si Empire, "I meant what I said, sorry kung nagulat kita."

"Hindi naman, promise, walang kinalaman yon sa sinabi mo.." pasinungaling niya.

"If you say so.." suko nito, "By the way I have an appointment to attend," tutok nito sa wrist watch, "See you later.."

"Sige, salamat ulit sa tea.." kaway niya.

Nanatili pa siya ron at nag-umpisang magbrowse sa cellphone-na binili ni Trojan para sakanya. Napangiti siya nang makita ang ilang post ni Ross sa socials nito. Nagpaalam kasi itong magbakasyon muna para magpalamig kasama ang maid nitong si Astrid.

Bakas na bakas ang confidence nito sa bawat pictures, kabaliktaran naman si Astrid na kahit nakabihis na parang manika ay halatang nahihiya at nagba-blushed sa bawat kuha.

Napakunot pa siya ng makita ang isang solo pic ng dalaga na nakabini. Pero kahit maganda ang pose nito ay ramdam niyang hindi ito komportable.

"Isn't she the best gift ever?" Mahina niyang basa sa caption.

Bumagsak ang balikat niya nang maalala kung paano ito itrato ni Ross, para itong isang mamahaling bagay na regalo ng matalik na kaibigan pero alam niyang sakabila ng magagandang pictures na yon ay matabang ang pakikitungo ng binata sa dalaga.

"Hindi lang siya basta isang regalo, kaya ingatan mo siya Ross." comment niya at nagheart react.

Maya-maya natanaw niya ang pagpasok nina Clev at Tangent. Sabay itong kumaway sa direksyon niya.

"Bakit mag-isa ka lang dito, Lady Prim?" maaliwalas ang mukha nito.

"Wala naman, nagpapahangin lang.." balik niya.

Vampire's MenuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon