MAAYOS na ang kondisyon ng katawan ni Trojan nang bisitahin si Prim sa loob ng confinement room.
"Trojan!" yakap niya rito at nag-umpisang humikbi.
"Pagkatapos ng trial, mailalabas ka rin namin dito." kuskos niya sa buhok nito, "May kasama nga pala ako.." at saka pumasok ang isang tauhan bitbit si Purple na agad itong binitawan sa sahig.
Masiglang nagtatahol at tumakbo ang tuta papunta sakanya. Yumuko siya upang salubungin ito.
"Miss na miss na kita, Purple!" mahigpit niyang yakap, "Ilang araw lang kitang di nabuhat parang mas bumibigat ka yata?" puna niya rito.
"Syempre, hindi lang naman ikaw ang pwedeng magspoil sakanya," ngiti ng binata, "Bukod sakin, alagang-alaga rin siya ng mga ninong niya.."
Nabago ang expression niya nang maalala ang huling nangyari bago siya ikulong.
"Kumusta na ang butlers? Okay na ba sila? Si Ross okay na ba siya?"
Hinaplos nito ang kanyang buhok bago marahang hulihin ang pisngi niya.
"Sa totoo lang, kahit alam kong si Ross ang pinakamalapit kay Gunther hindi ko inaasahan na maapektuhan siya ng husto sa pagkawala ng kapatid ko." tugon nito, "Pero kumpara sakin, mas matagal silang nagkasama kaya hindi na rin nakakapagtaka.."
"Ganon ba?" bumaba ang tono niya, "Kung hindi dahil saki-
-Prim, wala kang kasalanan sa nangyari." agaw niya, "Kung may dapat sisihin si Blair yon dahil siya ang nag-umpisa ng gulong ito. Nanghihinayang lang ako dahil naging madali lang para sakanya ang lahat at namatay siya ng ganon lang samantalang naiwan tayong nagdurusa." tiim-bagang nito.
Flashback..
NANGINGINIG na kinuha ni Ross ang mga damit ni Gunther mula kay Prim. Kasalukuyan silang nasa ospital dahil dinala ron sina Trojan, Amber at ang iba pang guest mula sa event.
"P-pano?" gulung-gulo ang mukha ni Ross, "Imposibleng maging pabaya si Gunther, hindi siya mamamatay ng ganon lang kadali!" halatang pigil ang iyak.
"Hindi niya nakalimutang sagipin si Astrid." bigay alam ni Prim, "Bumalik siya para sakanya."
Don mas lalung nagasamot nito ang damit.
"Pwedeng isacrifice ni Gunther ang buhay ni Astrid dahil isa lang naman siyang maid pero mas pinili niyang balikan siya dahil alam niyang interesado ka sakanya." komento ni Empire, "Hindi lang para sa isang pabor, siguro paraan din niya yon para ipaalam sayo sa huling pagkakataon, na isa ka sa pinakaimportanteng kaibigan para sakanya." tapik nito sa una, "We all know na hindi mahinang bampira si Gunther, he can easily dodge those bullets if he intended to but obviously he decided to let go right then and there, and let his guards down sacrificing himself. He probably believed, that was the easiest way to end all of this."
Nanatiling tahimik si Ross habang nakatitig sa hawak na tela. Tila pinipilit pa rin nitong iprocess ang sitwasyon. Nilapitan ito ni Indigo upang tapikin rin sa balikat.
"Ang akala ko, ako lang ang pasaway.. pero mas higit pa pala siya." pasaring ni Clev.
"Nakakapagtampo dahil hindi man lang siyang nagpaalam ng maayos sa 'ting lahat," si Tangent.
"I agree," salo ni Empire, "Sana man lang niyaya niya tayong uminom.."
"Totoo nga ang sabi nila, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sayo.." sambit ni Prim, "Mas napatunayan ko ngayon kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa," mapait siyang ngumiti, "Kung hindi siguro ako dumating-
BINABASA MO ANG
Vampire's Menu
VampirPrimrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself homeless. By chance, she meets a vampire named Trojan in a park. Soon after, Gunther, another vampire who turns out to be Trojan's half-broth...