Chapter 23 Vandivic

54 8 0
                                    

Trojan's pov

NARINIG kong nagbuntung-hininga si Prim pag-upo namin namin sa bench sa labas ng Cafe.

"Pinanghihinayangan mo talaga ang cake ni Indigo." saad ko.

"Oo naman. Alam mo bang tinulungan ko siyang magbake? Nakita ko rin ang effort niya para gawin yon."

"Kung gusto mo ng cake, ibibili kita. Mas malaki pa at kahit anong flavor pa yan basta sabihin mo lang."

"Anong akala mo, simpleng cravings lang 'to? Hindi mo ba narinig? Special ang cake na yon dahil magkatulong naming ginawa yon."

"Aish, lahat na lang special sa'yo. Alam mo namang ginagawa lang nila yon para makuha ang loob mo." diin niya, "Para piliin mo sila."

"Mas madali na yong ganito." tingin ko sa malayo, "Yong maging casual ang pakikitungo ko sakanila. Kaysa naman palagi kong alalahanin kung saan hahantung ang lahat ng 'to. Hindi naman ako nakakalimot. Sabihin nalang natin na unti-unti hinahayaan ko ang sarili ko na mag-adapt sa sitwasyon. Nagbabakasakali rin ako na makita nila ako bilang kaibigan at hindi bilang muse lang ng isang laro."

Wala sa sariling inakbayan ko siya at inihilig ang ulo niya sa'kin.

"Sa tingin ko mababait talaga sila katulad mo." dagdag pa niya na hindi man lang nabigla sa ginawa ko.

"Kung talagang kinakailangan,pag-isipan mong mabuti ang pipiliin mo sakanila. Mas alam mo sa sarili mo kung sino ang nagpapakatotoo sa'yo."

"Hmm, yan nga ang sinusubukan kong gawin. Ang pag-aralan ng paraan ng pagtrato nila sakin.."

"Tungkol nga pala sa sembreak mo.." paalala ko, "Payag ka ba na mag-outing kasama ang butlers?"

Tiningnan niya ko.

"Kung mag-iimbita ba ako ng kaibigan, sa tingin mo papayag si Empire?"

"Sino namang balak mong yayain?"

"Kahit naman hindi maganda ang tingin sa'kin ng mga schoolmates ko, mayron pa rin akong mga kaklase na mabait sa'kin-

-Tulad ni Blair?" agaw ko.

Tumango siya.

"O-oo, pero hindi lang naman siya-

-napalapit na ba talaga ang loob mo sa lalaking yon?"

"Ano ka ba? Ang sinasabi ko, magyayaya ako ng mga classmates ko. Hindi lang naman siya. Saka siya yong tumulong sa'kin na makahabol sa lessons at magreview para sa exam, hindi naman maganda na basta mo nalang siya pag-isipan ng masama?"

Inis akong tumayo.

"Bahala ka, desisyon mo yan. Sino ba ako para makialam?"

"Trojan.."

"Tatanungin ko si Empire kung papayag siya. Pwede kang magyaya ng mga kaklase mo dahil karapatan mo yan. Hindi ko hawak ang kaligayahan mo.." pagsuko ko, "Sa huli, ikaw pa rin naman ang masusunod."

Tumayo na rin siya at nakangiting humarap sa'kin.

"So, okay lang talaga sa'yo?"

"Tch, may magagawa pa ba 'ko?"

"Thank you!" yakap niya sa'kin.

"Bakit ka ba nagte-thank you hah?" marahang tulak ka sakanya, "Lahat nalang ba papasalamatan mo kahit walang kwenta?"

"Kasi kung sinabi mo na ayaw mong yayain ko si Blair, hindi ko siya yayain pero pumayag ka kaya, thank you!" masigla niyang sabi.

Napaisip ako. Ibig sabihin kung kumontra pala ako agad makikinig siya?

Vampire's MenuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon