I really despise people who hate and restrict me for no fucking good reason. Like... hell? Ang bobo lang."Where the hell are you, Olive? Kanina pa ako naghihintay rito!" Inis kong sigaw habang nasa tenga ang phone. Maingay sa loob ng bar kung kaya't kailangan ko pang sumigaw para magkarinigan kami ng kaibigan ko sa phone.
"Chill, Kelssey! Ano ba? Alam mo namang bantay sarado ako, 'diba? My father won't let me go out after what happened!" She answered.
I groaned in frustration.
"Pati ba naman ikaw? Ganyan ka na rin? Ako rin naman, grounded ah! But I make ways to escape because it's fucking bored there. Ikaw ba hindi ka nabobored? Come on! Go out! Let's have fun! Ikaw na nga lang ang natitira kong kaibigan tapos mawawala pa." Nanghihina ngunit frustrated ko pa ring dagdag.
I don't know if it's because of alcohol that I find myself tearing up due to the bitterness and sadness I am feeling.
"Kelssey, you're already drunk. Sa school nalang tayo mag-usap bukas. Come on, it's already late, you need to go home already dahil may pasok pa tayo bukas ng hapon." Olivia answered from the other line.
Hindi ko na napigilan na mapahikbi dahil pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng lahat. Wala na ba talagang gustong magsaya kasama ako? Ang lungkot-lungkot na nga ng buhay e.
It has been a month already. A month since Gigi, one of my best friends, was caught in a sex scandal and my parents became too invested with it. Hindi naman kasalanan ng kaibigan ko, alam ko iyon dahil kilala ko siya, but my parents believe otherwise. Para sa kanila ay masamang impluwensya ang kaibigan ko, when in fact, siya naman ang biktima because the video was filmed and spread without her consent.
Oo, alam kong wala siyang consent dahil kilala ko si Gigi. And it was so frustrating that people thought that way towards her... na marumi siyang babae dahil sa video na 'yon. I really hate how crooked their mindsets are, and I hate her family too for doing nothing to protect her kahit na may kakayahan naman silang gawin 'yon.
And people... damn. If only I could do something with their twisted minds and dirty mouths ay matagal ko nang ginawa dahil nakakainis sila. Lalo na 'yong ibang mga kakilala namin na wagas makadikit sa amin dati pero nang mangyari iyon ay sila pa ang nangunguna sa pambabash. Mga bwisit!
Everything was so frustrating... so so damn exasperating.
After that, my parents started caging me, preventing me from going to places I used to go for fun, at hindi ako sanay sa buhay na gano'n. It's boring as hell.
I miss partying! I miss the smell and taste of liquor, and the loud music.
"S-sige, h-huwag nalang. Mukhang pati ikaw ayaw na rin akong makasama. F-first, Gigi. Tapos..." I covered my mouth and then wiped my tears.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.
"You're acting like a spoiled brat again, Kelssey Resziele. Bukas nalang tayo mag-usap kapag matino ka na, you need to go home already, okay?"
Hindi ako sumagot dahil naiiyak pa rin. Nakakainis naman si Olivia!
"Sige na. Ciao! Mommy's outside my room to check on me na. I love you, sis! Good night! See ya tomorrow kapag sober ka na. Huwag nang makulit, okay?" She added and ended the call.
Nanghihina kong ibinalik ang phone sa bag ko. I sobbed like a baby after that and when I finally got tired of crying ay dumiretso na ako sa dance floor para sumayaw. Pouring all my frustrations on it.
Tangina, tipsy na nga talaga ako, pero wala na rin akong pakialam. I just want to dance and forget everything!
Nakakapagod ang mundong ito at sa ganitong paraan ko nalang naiibsan ang pagod na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Falling for the Criminal
RomanceKelssey Gonzales has no clue on what she really wanted to be, she always feels inferior to other people, she feels like there's nothing she's good at. But her mindset changed when she met Lazarus Urien, her bodyguard, as he always makes her feel tha...