"Ang aga niyong umalis, saan kayo pumunta?" Yen asked when we returned.
Nang bumalik kami ay naroon siya sa labas naghihintay. Siguro ay ipinagluto niya ulit kami ng agahan.
"Uh, sa Cagsawa Ruins." I answered and smiled as I remembered what happened.
I can't explain it pero pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik, pakiramdam ko ay gumaan ang nakadagan sa dibdib ko.
Lazarus' words made me feel better and motivated.
"Kain na kayo, nagluto ako."
Tumango ako at sumama na kay Yen sa loob. Samantalang si Lazarus ay naiwan sa labas, kausap si Arvee.
Uminit naman ang pisngi ko nang maaalalang muli ang nangyari kagabi. Hay, hindi na talaga dapat ako umiinom. Dahil kung ano-anong kahihiyan ang nagagawa ko kapag nalalasing.
"Sinundo ka ni Lui kagabi ah." Yen smirked.
Naubo ako.
"Kinarga ka rin niya," dagdag pa niya.
I don't know if she's teasing me but her face is telling me she is.
"Uh... k-kasi bodyguard ko siya," I uttered, nahihiya na.
Yen nodded. "Right. But I've known Lui for years already, hindi man sobrang tagal, I could say that this is really new, Kelssey."
Kumunot ang noo ko. "B-bakit?"
She sighed. "I've never seen him being so worried about a girl. Alam mo naman, malamig siya sa mga tao. He's always emotionless kung titingnan mo. But I saw him last night, and for the first time, nakita kong nagbago ang mga mata niya. There's a flick of emotion... of something new."
Ayokong umasa, I mean I really shouldn't, but I couldn't help it after what Yen said.
I pouted. This is bad.
"Why? Hindi ba siya nagkakagirlfriend pa o nanligaw?" I tried to laugh it off.
Matagal na hindi nakasagot si Yen. Akala ko hindi na nga sasagot, but she answered.
"I met Lui four years ago, kasama niya rin sina Leon at Cire no'ng pumunta sila rito. Among the three of them, si Cire ang pinakamadaldal, Leon is silent din, pero si Lui talaga ang pinaka tahimik. He's so stoic at nakakatakot lapitan." Yen chuckled. "Ang hirap din niyang kilalanin kasi ang suplado at snob. Badtrip nga ako sa kanya e. But when I learned that one thing about him, pakiramdam ko kahit papaano nagbago ang tingin ko sa kanya, onti-onti ko na siyang naintindihan."
One thing?
"Ano iyon?" I curiously asked.
Nginisian naman ako ni Yen.
"Sigurado ka gusto mong malaman?" She asked, her face starting to turn serious, kaya bigla akong kinabahan.
She then chuckled. "Charot lang, ang cute mo Kelssey! Ang bilis mong matakot. Anyway, I learned that his girlfriend died back then, iyong first love niya at fiance. It was six years ago when that happened."
My eyes widened, pakiramdam ko rin ay may kumurot sa puso ko nang marinig iyon.
"B-bakit? Bakit siya namatay?"
Pakiramdam ko ay gusto kong manlumo. It must've been so hard for him. Kasi kung ako 'yon, hindi ko alam kung paano ko makakayang isipin na hindi ko na makikita pang muli ang minamahal ko.
Yen shook her head. "No one knows. Basta ang alam ko lang, sinisisi pa rin ni Lui hanggang ngayon ang sarili niya. He still feels responsible for it. And you know what? Siya lang kasi ang meron siya noon and to lose that person must really feel hell for him."
Bumuntong-hininga ako. I feel really bad for him. Hindi ko alam na may gano'n pala siyang pinagdadaanan.
"Do you like him?"
I choked in my saliva when Yen suddenly asked that.
"H-huh?" Nalilito kong tanong.
"Gusto mo ba si Lazarus?" She repeated.
For seconds, I was speechless.
Pwede ko namang sabihing hindi, but my lips won't move. Like they don't agree with what I am thinking.
Yen chuckled. "It's okay. Mukhang hindi pa malinaw sa iyo ang nararamdaman mo." She paused and tapped my shoulders. "Don't rush it though, mas mabuti ang pinag-iisipan. I know that what I just said may affect your judgment, pero mas mabuti na ring alam mo, 'diba?"
Tumango ako.
She smiled. "Don't worry, sa nakikita ko naman ay masasabi kong mahalaga ka sa kanya. Lui cares about you, Kelssey. And personally, I want the two of you together. Because I want him to be happy too dahil deserve rin naman niya iyon. But that, of course, is up to him to decide."
Indeed, what Yen told me stilled a lot of emotions within me. I couldn't look at Lazarus directly in the eye the whole day. Hindi ko alam kung dahil sa mga nangyari, sa mga nalaman ko, o sa onti-onti kong napagtatanto.
But I know for sure that something really changed. And I'm kind of scared with the what ifs in my mind.
Lumabas ako at naglibot-libot no'ng hapon kasama si Arvee because I want to clear my mind, ang dami ko kasing iniisip.
Pinahiram niya ako ng bisekleta at iyon ang ginamit namin sa paglilibot. Iyon nga lang ang awkward dahil nakasuot ako ng dress.
"What happened to your legs?" Nagtataka niyang tanong nang makita ang peklat sa legs ko.
Nasa tapat na kami ng bahay at biglang hinangin ang suot ko kaya nakita niya iyon.
I sighed. "I got this from an accident."
"Ang laki! Ano ba minamaneho mo? Motor?" He laughed.
"Grabe ka naman sa motor. Kotse kasi. Dahil kung motor 'yon baka patay na ako." Natatawa kong sagot. "And also, hindi lang 'yan, eto pa..." I smirked and showed him the scar on my head, sa gilid na bahagi ng ulo.
"Gagi ka, so nawalan ka ng malay noon?"
Tumango ako. "Oo, paggising ko nasa ospital na ako. Buti na nga lang buhay pa ako ngayon."
"At buti nalang din hindi ka nagkaroon ng amnesia." Dagdag pa niya na mas ikinatawa naming dalawa.
Napatigil lang kami nang makarinig ng kalabog sa harapan namin and that's when I saw Lazarus looking at us, may hawak na pangumpuni ng sasakyan.
Napaiwas ako ng tingin no'ng magkatinginan kaming dalawa. It just felt awkward.
Nagpaalam na si Arvee pagkatapos at pumasok na rin ako sa loob. Dumiretso ako ng kitchen para magtimpla ng gatas at laking gulat ko naman no'ng sumunod sa akin si Lazarus.
He was looking at me intently as I drank my milk. It was so damn uncomfortable kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"Uh... bakit?"
I heard him heave a sigh.
"Your scars..." he uttered, tila hirap na hirap. "You got that from an accident?"
I pouted. Narinig niya siguro ang usapan namin ni Arvee kanina.
"Yeah. I got into an accident when I was 16."
Tumango siya. "Does it still hurt?"
Umiling ako. "H-hindi na... matagal na rin e."
Ngumiti siya but I could see that there was no humor in it.
"Right, that was years ago already. I'm glad you survived." Aniya at tumalikod. "By the way, I cooked your favorite dish. Kumain ka na, you must have been hungry already," he added as he walked out of the kitchen.
Agad akong napahawak sa dibdib ko nang umalis na siya. Doon ko lang napagtanto na halos kanina pa pala ako hindi humihinga.
Damn. This is bad.
Do I like him?
Well, I think I ridiculously do.
BINABASA MO ANG
Falling for the Criminal
Storie d'amoreKelssey Gonzales has no clue on what she really wanted to be, she always feels inferior to other people, she feels like there's nothing she's good at. But her mindset changed when she met Lazarus Urien, her bodyguard, as he always makes her feel tha...