Chapter 23: Girlfriend

5.9K 172 3
                                    

It was the first time someone ever set me a candlelight dinner kaya tuwang-tuwa ako. I couldn't believe that someone like Lazarus would really do that for me. I suddenly feel so special. Kung ganito palagi ang gagawin niya as his way of courting me ay mukhang sasagutin ko nga siya.

Wait, I don't even think I'm planning to reject him. I mean, I also like him naman kasi 'diba. And I like kissing him and spending quality time with him.

I was still smiling when we got home. Ang saya-saya ko, at kahit nag-umaga na ay gano'n pa rin ang mood ko.

"What's with the smiling face? Kung hindi ko lang alam na in love ka, iisipin ko nang nakapatay ka ng tao. Ang creepy!" Bungad ni Olive sa akin kinaumagahan na agad kong ikinatawa.

"Maging masaya ka nalang, Olive." I laughed.

She rolled her eyes. "Mukha ba akong hindi masaya?"

Mas lalo akong natawa. "Well, you look bitter."

"Yabang mo naman! Palibhasa may manliligaw!"

"Kaw kasi, huwag ka nang umasa d'yan sa hindi mo alam kung saan ba." Balik ko sa kanya.

"E sorry, loyal ako e."

Naputol ang pag-uusap namin nang dumating si Lazarus sa tabi na may dalang cupcake mula sa cafeteria. Maaga pa kasi ay nag-ki-crave na ako ng matamis.

"Thank you!" Nakangiti kong sabi sa kanya, tumango naman siya sa akin at ngumiti bago tumungo sa upuan niya na nasa tabi lang naman ni Olive.

Agad namang naagaw ang atensyon ko no'ng may pumasok na bagong mukha sa room.

"Omg, siya na ba 'yong bagong professor natin sa Person and Family Relations?" Olive asked.

Kumunot naman ang noo ko. "May bago tayong professor?"

"Gagi, oo! Sabagay absent ka nga pala no'ng nakaraan kaya hindi mo alam. Anyway, ang gwapo naman niya! Nakalagay sa notice Marcus De Vera pangalan niya."

Napataas ako ng kilay. "Akala ko ba loyal ka?"

"Bawal na ba magwapuhan? Nagugwapuhan nga ako d'yan sa future jowa mo e." Aniya na agad ikinasama ng timpla ko.

I guess I'm really possessive.

"Back off," I muttered, leaving her laughing her ass off.

I was busy hushing Olive's noise when I glanced at Lazarus na ngayon ay seryosong-seryoso na nakatingin sa harapan.

Wow, parang ang eager naman niyang masyado matuto. Sabagay, ako lang naman ang bobo rito.

The day went okay. Bukod sa bagong professor ay wala naman kakaibang nangyari. Lazarus and I went somewhere again before going home, he brought me to an overlooking place, kung saan kitang-kita ang city lights. Sayang nga lang at medyo maambon, pero na-enjoy ko naman, lalo na't kumain kami ng ramen na gustong-gusto ko habang nakatingin sa tanawin na nasa labas.

And of course, I enjoyed it so much because his presence is giving me comfort. Akala ko nga katulad ng usual ay sa tapat ko uli siya mauupo, but he didn't, sa halip ay tumabi siya sa akin.

"Wait, you have something on your face." Aniya at lumapit sa akin, akala ko ay pupunasan niya ang bibig ko, but I was wrong.

He instead kissed it away gently, sending volts of electricity all over my body.

Damn, why is he so good at this?

"Cute," dagdag pa niya nang makita ang gulat kong reaksyon. Dahil do'n ay nahampas ko siya.

"Umayos ka naman, kumakain tayo e. Mamaya mo na ako landiin." Saway ko.

He then chuckled and pinched my cheek before he resumed eating.

Falling for the CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon