Patchie's POV
Lakas pa rin tibok ng puso ko. Gusto ko na ba siya? Lalo na ngayon na feeling ko may pag asa na ako kay Achilles
May pasok na nga pala ako bukas kailangan ko ng magready.
Sam's POV
Kainis naman si kuya Achilles eh. Buntot ng buntotsa akin. Sabi pa niya hahatid niya ako pauwi, nakakainis naman siya oh. Ayaw ko sa kanya, gusto siya ng bestfriend ko. Ayaw ko masira friendship namin.
"Kuya achilles!! Wala ka bang klase?" Sabi ko
"Tapos na mga klase ko."
"Nakakainis ka naman eh" sabi ko
"Ang cute mo mainis" sabi niya. ano daw?
"Naloloko ka na ba?" Sabi ko. Ugh!!!!
"Uwian mo na diba? Uwi na tayo. Hatid na kita" sabi niya
"Wag na" sabi ko. At nagtangka umalis pero hinigit niya ako
"I insist" tas ayun hinatid niya pa rin
Tas ayun nakarating na kami sa bahay tas sabi niya magsestay siya kahit sandali lang
"Kuya achilles!! Anong oras mo balak umuwi?"
"Mga 8 pm. May angal ka?" Sabi niya
"Bakut ganun ka late? Dadating na mga magulang ko nun. Baka mapagkamalan ka ng mga nun" sabi ko, naku? Mga magulang ko pa naman hinihintay na may ipakilala ako sa kanilang boypren ko. If ever si papa jun gusto ko ipakilala sa kanila. Kyaaaa nagsaspazz ako.
"Oh bakit ka nakangiti? Iniisip mo ko noh?" Sabi niya, baliw na to grabe
"Di ah. Ano ba yang mga pinagsasabi mo?"
"By the way, matagal ko na tong gustong sabihin sa iyo" ano naman kaya to? May dumi ba ako sa mukha?
"May gusto ako saiyo. Highschool palang. Puwede ba kitang ligawan"
"Ha?" Parang nabingi ako "No. This can't be. Di mo ako gusto. Si patchie ang gusto mo, diba? Wag ka ngang maloko"
"Bakit ba lagi mong gusto ipasok sa usapan yang si madeleine?"
"Basta, di mo ko gusto at ang gusto mo ay ibang babae, imposible ako ang gusto mo" sabi ko
*ding dong
"Sammy baby!! We're home" ang aga naman nilang nakauwi. 6 pm palang ah
"Yes mommy." Tas binuksan ko na ung pinto
"Kamusta ang second day of school ng baby ko? Hehe" sabi ni mommy
"At sino yang lalaking yan?" Sabi ni daddy. Eto na nga bang sinasabi ko eh
"Kaibigan ko lang po nung highschool"
"Boyfriend niya po" anong pinagsasabi nito. Kairita siya
"Talaga? Bakit di mo agad pinakilala samin sammy, nahiya ka pa." Sabi ni mommy, naku po
"Mommy di po totoo yun"
"Joke lang po un, manliligaw po ako ng anak niyong maganda"
"Gusto ko siya para sa iyo sammy. Kelan mo siya sasagutin?" Sabi ni daddy. Ang worst naman ng araw na to
"Dad. Ngayon palang siya nanligaw." Kahit ayoko tanggapin. Matahimik lang ang magulang ko
At ayun nag dinner na kami. Puro pasikat tong si kuya achilles. Tuwang tuwa naman tong magulang ko, kala mo nakajackpot.
"We hope to see you in dinner again, achilles." Sabi ni mommy
Tas ayun nagbabye na si achilles. Sa wakas.
"Bye Samantha!" Tas hinigit niya ako at kyaaaa! Kiniss sa forehead. Kainis.
"This is my day 1 of courting you!" Sabay kindat. Ano na lang sasabihin ko kina ate patchie, ate cy, at ate rachel. Nakakainis naman oh
Una kong tinawagan si ate cy. Ang sabi niya lang naman.
"Ang maknae namin. Dalaga na. Pero si achilles talaga? Ano kaya magiging reaksyon ni patchie diyan? Nako baka magkawar kayo. Diba ayaw mo pa naman ng ganung agawan?"
"Kaya nga eh. Ano ba naman yan? Nameet pa niya parents ko. At botong boto sila kay achilles"
"Ui ah, di ko expected na ikaw pala ang gusto niya. Kala ko pa naman dahil sa sweet gestures niya kay patchie may gusto rin siya dun"
"Kinakabahan ako" sabi ko
"Ano ka ba? Maiintindihan ni patchie yan. Sana hehe"
"Sige! Si ate rachel naman tatawagan ko."
So ayun after kay ate cy, si ate rachel naman. Sinabi ko sa kanya ung pangyayari
"Girl, mahirap yan. Obsess pa naman si patchie kay achilles. Pano kaya yan?" Sabi niya
"Sasabihin namin sa kanya, pag sinabi niyang ireject ko si achilles. Edi irereject ko."
"Kawawa naman nun si achilles, mukhang may gusto talaga siya sa iyo"
"Kainis nga eh, nameet pa niya parents ko. Alam mo naman ung mga yun, gusto na ako magkaboypren."
"Pag usapan natin yan bukas ng lunch time."
"Sige" tas binaba ko na.
Di ako makatulog. Di ko alam kung paano sasabihin kay patchie lahat! Ayaw ko masira friendship namin.
Lumapit ako kay mommy for advice. Ang sabi lang niya.
"Listen to your heart and mind, whichever is more reasonable, choose it. It doesn't matter whoever said it. What you think is the best to follow is what matters." Sabi niya. Ang deep ng nanay ko buti na lan naintindihan ko.At un natulog na ako at inisip na ang the best decision is to turn him down.
*To be Continued
Nagustuhan niyo ba? Kailangan ko mag update ng magupdate dahil sa may 18 na pasukan ko. Saklap.
------Leela Turanga!
YOU ARE READING
University Love Book 1
RomantikI just graduated highschool in my ever so loving alma mater called St. Therese of Avila high school. Follow me on my journey to the third chapter of my life in "University love" as I will have a taste of what romantic love truly feels like. ...