Patchie's POV
After kong makita ung letter ni Peanut Butter ay napagdesisyunan kong basahin ulit yun.
"Dear Patchie:)
SIguro sa oras na binabasa mo eto ay nasa airport na ako. Matagal ang byahe pero mas matagal ang panahong itatagal ko sa Canada. Oo pupunta na ako ng Canada.
Sorry di ko agad sinabi sa iyo. Gusto ko kasi ang huling alaala nating magkasama dito sa Pinas ay nakangiti ka. Ayokong makita kang umiiyak dahil sa lungkot.
Mamimiss talaga kita.
Sa susunod nating pagkikita Jelly ko:)
Nagmamahal,
Peanut Butter- Zach
~
Naalala ko pang tumakbo ako papunta kay mommy para sabihing pumunta kami sa Airport.
Ibabalik ko nasa sana ung letter nang may nakapa ako dun sa envelope nung sulat. Ngayon ko lang napansin na meron pa palang laman un.
Earrings na may PB&J na nakalagay. Tapos ung mismong earrings eh pb&j sandwich. Ang cute niya. Di siya ung dangling type kaya di siya mukhang pambata. Bakit ngayon lang to nakita?
Triny ko siyang suotin. Super cute talaga niya.
Nakatulog na ako ng suot yun.
*Kinabukasan
"Good morning mommy!"
"Ang ganda ng gising ng anak ko ah"
"Syempre. Singganda ko hahaha"
"Parang may iba sa iyo. Aaah alam ko na. Nakaearrings ka. San galing yan?"
"Secret hahha"
"Aba nagsisecret ka na ah"
"Sige na nga mommy sasabihin ko na. Galing to kay Zach. Ung kababata ko"
"Si Zach? Nagkita na ulit kayo?"
"Hindi. Dati pa to. Ngayon ko lang nakita at sinuot"
"Aaah. Kamusta na kaya siya noh? Sige. Mag ayos ka na at may klase ka pa mamaya."
"Yes Mom"
Ang saya saya ko ngayon. Feeling ko walang puwedeng sumira ng araw ko hahaha.
After kong magprepare at kumain ng breakfast ay nagpaalam na ako kay mommy para pumasok sa school
"Bye mommy! See ya later!" nagkiss na ako at tumakbo papuntang labas.
Nakarating naman ako on time sa klase ko at nakita ko sina Cy at Xerius.
"Naks naman. Ang ganda ng mood mo ah."
"Syempre :D" sabi ko at umupo na sa upuan ko sa classroom
"Siguro dahil magkasama kayo ni Xerius kagabi noh?"
"Ui ano ka ba" inasar asar niya pa ako habang di pa dumating ung prof namin.
In the end di rin talaga dumating ung prof namin at napagdesisyunan na naming mag lunch kaya pumunta na kami sa usual spot.
"Ay Patchie nasabi ko ba saiyong may dadating ako classmate ko na galing Canada. Zach ang pangalan..." Marami pang sinabi si Xerius pero parang nabingi ako. Nung narinig ko ung Zach siya agad ung pumasok sa isip ko pero napaka liit ng possibility nun dahil napakaraming Zach sa mundo pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Patchie okay ka lang?"
"Yep. Cr lang ako ah."
"Sige"
Medyo tulala akong naglakad papunta sa cr. Grabeng bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba.
Pagkabalik ko sa table namin ay may nakaupo na lalaki malapit sa puwesto ko.
"Ui Patchie nandito ka na pala. Zach si Patchie nga pala."
"Hi. Im Zach. NIce to meet you Patchie"
*To be Continued.
Yep. I know. Super bitin to. Hahaha sorry na po. Btw, Happy birthday kay Cj_Mej12 noona. At sa avid reader and commenter kong si MeantToBeWarrior, pagaling ka hehe. Baka bukas na ang kasunod hehe
~Leela Turanga
YOU ARE READING
University Love Book 1
RomanceI just graduated highschool in my ever so loving alma mater called St. Therese of Avila high school. Follow me on my journey to the third chapter of my life in "University love" as I will have a taste of what romantic love truly feels like. ...