Patchie's POV
Umuwi na ako after naming mag usap ni Winsher. Dapat ihahatid ako pauwi ni Xerius. Pero siguro magkasama sila nung Stacy na un. Linta talaga.
Gumawa ako ng homework. Baka sabihin niyo puro landi ako eh. Hardworking student kaya ako haha.
Sumilip ako at makulimlim sa labas. Napapadalas ang ulan ngayon kaya di na ako magtataka kung uulan magdamag mamaya.
Dumating na si mommy. May dala siyang dinner
"Nak. Kamusta kayo ni Xerius"
"First LQ"
"Normal lang yan anak."
"I know Ma. Kainis lang kasi dahil kinampihan niya ung linta kong kaklase kesa sakin"
Kinuwento ko kay mommy ung pangkakanulo ni Xerius sakin.
"Alam mo bata pa kayo. Madami pa kayong pagdadaanan. Pero sana sa bawat away niyo eh may matutunan kayo dun. Wag lang puro away. Masarap mainlove pero sobrang sakit maheartbroken kaya alagaan niyo ang puso ng bawat isa. Iwasan niyong magkasakitan ng damdamin ha? Akyat ka na at ako n bahala dito"
"Sige Ma"
Umakyat na ako. Sakto tinatawagan ako ni Sammy
"Ano tong narinig ko na magkaaway kayo ngayon ni Xerius?"
"Kanino mo nalaman yan?"
"Kay Cyrene. Nawitness niya dun sa class niyo daw ng major subject"
"Hayst oo"
"Lagot talaga samin si Xerius. Isang linggo mahigit palang kayo"
"Hayaan mo na siya"
"Anong hayaan? Lagot sakin yung lalaking yun"
"Sige bye na Sam. I think I'll just sleep now"
"Pahinga ka na"
Binaba ko na. Napatingin ako sa bintana. Unti unti ng umuulan at unti unti na rin ako nakatulog.
Nagising ako na parang may tumutuktok ng bintana. May nagbabato ng maliliit na bato.
Pagkasilip ko nandun si Xerius. May hawak na banner.
"BATI NA TAYO"
Napasigaw ako ng "Anong ginagawa mo at nagpapakabasa sa ulan?"
Bumaba agad ako at pumunta sa labas ng bahay ng may payong.
"Anong ginagawa mo?"
"Di ko kasi alam kung paano mo ako mapapatawad eh"
"Tara na nga at pumasok" tagong tago ang kilig
Kinuha ko siya ng tshirt galing sa drawer ni daddy.
"Magshower ka"
Habang nasa shower siya eh nagpeprepare ako ng hot chocolate.
Habang hinahalo ko ung hot chocolate eh biglang binack hug niya ako."Bati na ba tayo?"
"Hmmp"
"Sige na. Gagawin ko lahat"
"Ikaw lang sapat na"
At humarap ako sa kanya at yinakap ko siya.
Alam kong ang cliche ng nangyari pero ganun naman talaga minsan eh. Parang drama sa television ang nangyayari.
We shared a cup of hot chocolate while looking at how the sad rain could be happy just because we have each other
*To be continued
Happy 50th chapter 🎉🎉🎊🎊🎇🎇. Di ko akalain aabot to ng ganito. Salamat sa lahat ng readers. Sorry for the short chapter. I love you readerss
Show your support by voting and commenting
~Leela Turanga
YOU ARE READING
University Love Book 1
RomansI just graduated highschool in my ever so loving alma mater called St. Therese of Avila high school. Follow me on my journey to the third chapter of my life in "University love" as I will have a taste of what romantic love truly feels like. ...