UL Special Chapter Presents: Torn between THREE??

612 22 41
                                    

Sam's POV

Kakauwi ko lang galing school. Thursday bukas kaya wala akong pasok. Sa wakas, makakapagrelax na. Ay wait, di pala.

You see, pag Thursday kasi wala ring pasok ung boyfriend ko. At sabi niya, qinuote niya pa ung tatay niya, "Ang nagpapatibay sa isang relasyon ay ang mga munti niyong alaalang magkasama. Magandang magkaroon kayo ng oras para sa isa't isa ng kayo lang ng gayon ay makabuo kayo ng mga alaalang tatatak sa isip niyo hanggang sa pagtanda niyo".

Ewan ko kung gawa gawa niya lang un. Dahil kasi dun napag desisyunan niyang (oo siya lang) tuwing free day namin eh magdedate kami. Pinagpaalam niya pa ako sa parents ko at ang mga to naman eh tuwang tuwa na naman.

So ayun, imbis na dapat pahinga lang ako eh kailangan ko pang makipagdate sa kanya. Every week yun ah. Grabe. Baka magsawa na kami sa mukha ng isa't isa.

After kong kumain at magtoothbrush at magshower at magbihis ng pajama ay napagdesisyonan ko ng matulog

*kinabukasan

Jun's POV

Hayyyy. Si mama talaga. Nung nalaman niyang inoofferan ako ng trabaho sa mas malaking university eh pinilit na akong magresign dito sa sintang paaralan. Di man lang niya pinatapos tong sem na to. Ang hirap pa namang makakuha ng papalit nowadays. Lalo na sa subject na tinuturo ko.

Dahil nga pinagreresign ako, nandito na ako agad sa school kaaga aga. Asikasuhin ko na daw agad ung papers ko.

Hindi pa pala un ang inaalala ko, pano na kami ni Sam? Alam kong walang kami kaya wag niyo kong awayin. Siguro it's not meant to be 😭😭😭. Saka going strong naman sila nung si Achilles. Di ko lang talaga maiwasang di mainis pag nakikita ko sila. Arggggh!!!

*Mommy calling

" yes mom?"

"After mo diyan sa school, uwi ka muna dito" galing na magtagalog ng nanay ko noh? Sa tagal ba namang tumira dito niyan. Yung nanay ko kasi Americana. Ung tatay ko koreano. Ako, halos buong buhay ko nandito ako sa pilipinas. Pero pinanganak ako sa South Korea.

Bumibisi bisita ako dun minsan pag may family gathering. Tapos minsan nagbabakasyon ako sa hometown ng mommy ko.

"Bakit po?"

"You see, ung tita mong galing Canada umuwi na. Kasama ung pinsan mo. Miss ka na daw nila"

"Sige mom, see you later"

"Bye" sabi niya at binaba ko na. Naexcite tuloy ako. Close kasi kami nung nakababata kong pinsan. Tagal na rin naming di nagkikita.

After ng pag aasikaso ko, which means I'm officially not part of the faculty anymore. Meron na lang akong one week ng pagtuturo. Yun ang gagawin para maging smooth ang transition kahit papano. I'll miss this school.

Nagdrive na ako papuntang bahay. Safe naman akong nakarating at super excited akong makita sina tita Minerva. Bale kapatid siya ni Mommy. Nakapangasawa siya ng Filipino, si Tito Marco. Mababait sila at super close ko ung anak nilang si Franco.

"Broo!!! Long time no see!!!" Bungad sa akin ng pinsan kong si Franco. Grabe ang tangkad na niya. Bro lang tawagan namin kasi ayoko magpatawag ng kuya. Feeling ko ang tanda ko haha.

"Musta na? Grabe. Tangkad mo na. Pero sorry ka, di mo ko maabutan haha. Bakit kayo napauwi?"

"Aaah. Balak ko na kasi dito ituloy ung college ko. Nakakamiss ang Pilipinas. Actually, nauna akong dumating dito." Sabi niya "tara nandun sa sala si Mommy ko at si Tita" dagdag niya

"Sure" pumunta kami sa sala ni Franco at nagmano na ako kay tita Minerva. Nagpaalam kaming tatambay muna kami sa garden para makapagkuwentuhan.

"Kilala kita bro, alam kong may dahilan kung bakit ka nauna umuwi dito sa Manila. Babae ba yan?"sabi ko. Grabe. Binata na siya haha.

University Love Book 1Where stories live. Discover now