Patchie's POV
Nakatulala akong bumalik sa table namin. Di ko akalain masasabi ko un kay Jannika.
"Okay ka lang ba, Patchie? Gusto mo umuwi na lang tayo? Kanina ka pa tahimik eh. May sakit ka ba?" Sabi ni Cy
"Tama. Magpahinga ka na lang kaya" sabi ni Ate Rachel
Nagfake smile ako. Tama. I need to show that girl na may laban ako against her. Tama siya na mas kilala niya si Winsher. Three years nga naman ang pinagsamahan nila. Pero mali siya sa isang bagay, si Patchie to. I won't give up without a fight!
"I'm okay guys! Nag LBM lang ako." Alam kong dyahe ung excuse ko pero un lang naisip ko at that time.
"Eeew Patchie! Akin na kamay mo!" Sabi ni Sam. Binigay ko nalang ung kamay ko at ayun. Parang diring diri siyang sprinayan ng alcohol.
Tawanan na lang kami. Hahaha. Nawala tuloy ung tense na atmosphere.
"Hi guys! I'm back!" Well kung gaano kabilis nawala kanina ung tense na atmosphere, ganun din kabilis ito bumalik nung dumating si Jannika.
Nawala lahat ng ngiti sa min unti unti.
"Guys? Okay lang kayo? Para kayong nakakakita ng multo" tapos tumawa pa siya as if may nagjoke. Di ako mataray kagaya ni Sammy pero parang gusto ko magtaray dahil sa kanya. Hayst. Kaloka.
Dahil tapos na kami kumain, nagyaya si Sammy mag karaoke. Nako. We missed this. After Graduation pa ata ung huling karaoke bonding namin
"Ui guys ah! Walang KJ! Ayoko ng nagiinarteng ayaw kumanta at mas lalong ayoko sa na napilitan lang. Game na ah!!" Sabi ni Sammy na kala mo'y host. Ang daming alam. Nakakawala talaga ng BV."Sino unang kakanta?" Sabi ni Sammy
"Ako!" Sabi ni Xerius. Seriously? Kumakanta siya. Oo gwapo siya, pero this past few days na nakasama ko siya, naging iba na ung aura niya. Alam niyo un. Di ko na mafeel na cool siya. Kengkoy na tingin ko sa kanya.
Now playing: Akin ka na lang by Itchyworms🎵🎵🎵🎶🎶🎶
"Wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya"After ng first part nung kanta. Sumayaw sayaw pa siya. Super kengkoy talaga. Tapos kumikindat kindat pa. Sobra nga yung tawa ng mga kasama ko eh kasama na ako. Kahit si Winsher napapangiti din.
"Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo"Maganda naman ung boses niya pero dahil sa mga actions niya, super laftrip ako.
'"di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo'y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima
('wag naman sana)"Nung kinanta niya yun. Ngumuso nguso siya. Nung tiningnan ko kung sino. Si Winsher pala. Loko talaga siya.
Tapos tinawag niya si Kuya Achilles. Tumayo naman to.
"Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo"Ginawa niya palang back up singer. Nakakatuwa silang tingnan tapos may bromance pa. Super nakakatawa at nakakaasiwa at the same time. Di na nga namin mawari ung itsura ni Sam. Parang di makapaniwala na nandidiri na ewan. Hahaha
YOU ARE READING
University Love Book 1
RomanceI just graduated highschool in my ever so loving alma mater called St. Therese of Avila high school. Follow me on my journey to the third chapter of my life in "University love" as I will have a taste of what romantic love truly feels like. ...