UL Chapter 34: With him Tonight.

538 22 5
                                    

Winsher's POV

"Don't make any contact with Patchie within those 30 days."
Nung sinabi yun ni Jannika. Natulala ako and at the same time nagtaka.

"Bakit kailangan pa yun? Sinabi ko nga diba kanina? Wala naman akong gusto dun sa tao?" Pagsisinungaling ko.

"I'm not dumb, Winsher. Alam kong siya ung babaeng tinutukoy mo nung huli tayong makita. I don't know why, alam ko namang I have more of an adventage than her, pero I feel small. Mas matagal na kitang kilala, mas matagal ung pinagsamahan natin pero imbis na I feel superior, I feel inferior of her."

"Jannika. Ikaw na rin nagsabi. Mas matagal ung pinagsamahan natin. Why would you feel insecure over her?"

"Masyadong malakas ang potential niya. I feel like malingat lang ako. Makukuha ka na niya sa akin. Ayaw ko mangyari yun. That would kill me"

"Kahit sino pa yan. Kung sure ka na ako'y sa iyo, wala kang dapat ikatakot."

"Basta. I don't want you hang out with her. No texting, calling, looking and talking to her. Understood? or else the deal is off. Or better, we'll extend it."


"What? come on Jannika, you can't be serious right?" Ilang oras pa nga lang na di ko siya nakikita di ko na kaya eh. 30 days pa kaya. 


"Sabi mo seryoso? Mukha ba akong nagbibiro?" sabi niya. 

"Fine. Let's do it your way" kailangan ko tong gawin.

"Yey! I'll make sure you won't regret this" tas niyakap niya ako. 


After nun sinabi ko na uuwi na ako. Pagkalabas na pagkalabas ko palang pinto nagsisi na agad ako. Pero I have to stay strong.

Naglakad na lang ako pauwi since di naman kalayuan ung bahay ko mula dito.


Naglakad lang ako ng naglakad habang iniisip ang mga pinag gagawa. Ang raming nangyari ngayong araw na to. Nakakapagod. Nakakastress.

Di ko namalayang dinala ako ng paa ko sa bahay nina Patchie. Ano kayang nararamdaman niya ngayon?Siguro sobrang malungkot siya ngayon. Ayaw ko siyang saktan. Pero napakaironic, isipin niyo yun, Ayaw ko siyang saktan pero para magawa ko yun kailangan ko siyang saktan?


Nasa tapat ako ng bahay niya ngayon. Nung mapansin kong parang may lalabas mula sa bahay nila. Nagtago agad ako. Sinisilip ko kung may lumabas mula sa bahay nila.

"ui guys salamat talaga!" Boses ni Patchie yun. Grabe para akong nabunutan ng tinik ng malamang okay lang siya.


"Gusto pa naming magstay kaya lang may pasok pa bukas eh. See you tomorrow. Hwaiting!" sabi nung mga kaibigan niya. 

Patchie's POV

Buti na lang dumating sila kanina kundi baka nagpakamatay na ako. Char. Mahal ko masyado buhay ko noh? Ano si Jannika? Sinusuwerte? Anyways, akala niyo siguro mag gigive up na ako kay Winsher noh? Not a chance. Well naalala ko ung sinabi ng Mommy ko about love. Nasa bawat tamis may pait. Eto palang siguro ang mapait na parte ng pag ibig. Kaya di ako susuko!!!


Nakahiga na lang ulit ako sa kuwarto. Nag iisip kung panong sa isang araw na to ay sandamakmak na mga bagay ang mga nangyari.


May nagdoorbell. Hayssst. Napapasarap na ako sa higaan eh. Pero baka si mama yun. Gusto ko pa naman na ako ang sasalubong sa kanya dahil gusto ko ikuwento sa nanay ko ang mga nangyari today. Feeling ko kasi may tinatago ako sa mommy ko kung di ko to sasabihin.


Pagkabukas ko ng pinto. Nakita ko si Winsher. Parang maluluha ako.


Pinapasok ko siya sa bahay. Ewan ko kung nanaginip ako or what kasi di nagsasalita si WInsher. Nakangiti lang siya sa akin. hindi ung creepy na ngiti ah. Ung radiant. 


Sinabi niya kung puwede daw ba siya magstay for the night. Sa wakas nagsalita na din siya. Sabi ko puwede naman. 

Ayun nag usap usap lang kami na parang walang nangyari. Nag movie marathon. Nag playstation. Nagfood trip. Lahat un ginawa namin.


Nakangiti akong nakatulog nung gabing un. Kasama si Winsher.


Pero sana natulog na lang. Kasi pag gising ko nung umaga..


*To Be Continued


Sorry talaga naging delayed ang ud. Super procastinator kasi si Author ayun. Babawi ako. Promise. Tingnan niyo naman diba. Medyo mahaba ang UD haha. Depende sa reaction niyo kung itutuloy ko ang pag ud mamaya. Pag di ako nainspire sa reactions niyo, sorry na lang. hahaha. Ay basta mag uud ako. Abangan niyo na lang. 

Ang rami kong sinabi. hahaha. you know the drill na. Vote, Comment, add this to your reading list or lib, or be my fan

~Leela Turanga

University Love Book 1Where stories live. Discover now