Patchie's POV
Nakatulala pa rin ako dahil sa nangyari. Masyadong intense. Parang ang bilis nung pangyayari ngayon lang nagsink sa akin lahat ng nangyari.
"Hija okay ka lang ba? Gusto mo ba umuwi na tayo?"
"Ha?" saka lang ako bumalik sa realidad "Yes, Tita. Okay na okay po ako"
"Nanggaling lang kayo sa cr nagkaganyan ka na. Sige na lang. Since maaga pa naman. Mamasyal muna kayong tatlo sa Mall. Kami ng Tita Katie mo eh magkukuwentuhan pa."
"May cash ka pa naman diyan diba Xerius? Singilin mo na lang ako mamaya. Alagaan mo yang kapatid mo at yang si Patchie. Lagot ka sa Tita Minerva mo.
"Tara na, Patchie" At umalis na kami dun
Zach's POV
~Sa *** Hotel
So nice to be back. After 6 years. After six freaking years, I'm finally back at my homeland.
"Sir. Saan ko po ilalapag ung mga gamit niyo? and kung di niyo po mamasamain bakit di po kayo tumuloy? Bakit di na lang po kayo magstay sa bahay ng mommy niyo?"
"Gerard. Isusurprise ko si Mommy. Di niya alam na uuwi ako ikaw lang ang nakakaalam" at may isusurprise akong babae.
~Flashback
"Uwaaaaaaah! Akin na yan, Rina! Bigay yan ng mommy ko sa akin" sabi ng isang cute na bata. Kaklase ko siya sa Kindergarten. Siya ang pinakacute at pinakabright sa klase namin. Siya ung sinasali pag may event like singing contest. Mabait naman siya pero di kami close since ang mga nagiging close ko lalake.
"Ha Ha Ha. Sorry ka na lang, Patchot. Ang cute cute kasi netong headband mo kaya sa kanila" ugh. Sobrang bully talaga ni Rina.
"Anong Patchot? Patchie nga ang name ko" tas nakipag agawan pa rin siya hanggang sa tinulak siya ni Rina at ayun umiyak na.
"Rina, tama na. Akin na nga yan." kinuha ko ung headband at binigay kay Patchie "Oh eto na. Wag ka na umiyak. Pag inaway ka uli ni Rina tawagin mo lang ako" tapos tumango siya.
Simula nun naging close na kami. Tuwing may aaway sa kanya, pinoprotektahan ko siya hanggang sa wala ng umaaway sa kanya dahil alam nilang ako makakalaban nila. In return, ginagawa niya ako ng Peanut butter and Jelly Sandwich. Kaya ayun ang naisip niyang tawagan namin. Nakornihan ako nung una pero kalaunan eh natutuwa na ako. Lalo na pag sinasabi niyang Peanut butter ko.
Ako si Peanut Butter and siya si Jelly.
Nung nag grade one kami. Classmates pa rin kami at close pa rin. Sabay kaming papasok. Magkakilala nga ang parents namin eh.
Grade Four nagkaroon kami ng fieldtrip. Siya ang buddy ko. Ang last kasi naming destination nun eh parang camp site. Tumambay lang kami ni Patchie dun at nag usap.
"Peanut butter. Sana hanggang pagtanda natin ganito pa rin tayo kaclose noh?"
YOU ARE READING
University Love Book 1
RomanceI just graduated highschool in my ever so loving alma mater called St. Therese of Avila high school. Follow me on my journey to the third chapter of my life in "University love" as I will have a taste of what romantic love truly feels like. ...