Zach's POV
So I decided dito na lang mag aral. Di ko n kasi kailangang mag adjust since may mga kakilala na ako. Saka kahit sa ganito man lang paraan eh masubaybayan ko pa rin si Patchie. I know na parang ansama kong kaibigan kung iwiwish ko na magkahiwalay sila pero kasi first come first serve dapat diba?
So pumunta na ako sa first class ko. Wala akong kakilala nga lang dahil major ko na to. Wala naman akong kacourse na kaibigan ni Patchie.
So habang nagkaklase, may katabi akong babae. Im getting weird vibes off of her.
"Ms. Guevarra. Please pay attention to my class."
"Yes sir" tapos nagsalute pa. Di kasi siya nakatingin sa board at puro kalikot sa desk niya ang ginagawa niya
Tumalikod ulit ung prof namin tas biglang naglabas siya ng pagkain.
As in kanin at ulam. Naglagay lang siya ng libro sa harap niya at tinayo niya para takpan ung kalokohang ginagawa niya.
Tas susubo siya kada talikod ng prof namin tas pag humarap kala mo wala lang.
Tinitigan ko lang siya.
Napansin niya atang nakatingin ako kaya lumingon siya "Bakit ka nakatingin? Gusto mo ba? Pasensya di pa kasya sakin to eh" tas sumubo na naman siya.
Napangiti na lang ako at nagfocus sa prof namin.
Di kalaunan eh nakapansin na ung prof namin.
"Ms. Guevarra. What are you doing?"
"Wala po sir."
Hanggang sa lumapit na ung prof namin at nakita ung baunan niya.
"Out."
At wala pang sampung segundo eh naligpit na niya ung gamit niya at nakaalis na
Naawa ako kasi mukhang gutom siya at gusto lang niya lang kumain.
After 30 mins eh natapos na ung klase. Pumunta ako sa usual spot nina Patchie pero bago ako nakarating eh nakita ko si Ms. Guevarra. Mag isa lang siya sa damuhan at nakikinig ng music.
I can't feel but be mesmerized. She looks so pristine. Or I dont know the right term pero she looks different relaxed sa damuhan na yun.
Tapos ngumingiti pa siya habang nakikinig. Di ko mapigilang lapitan siya.
Tumabi ako sa kanya at wala siyang kaideideya. Tinitigan ko lang siya dun. Siya ba talaga to? Parang nag iba eh
"Ay nandyan ka pala seatmate"
Alam mo ung parang nasira. Nagbalik na naman ung weird vibes niya.
"Alam mo seatmate. Gwapo ka pala. Pasensya na talaga di kita nabigyan ng baon ko ah. Tara" inalok niya ung kamay niya para itayo ako. At kinuha ko naman.
"Hayst sarap umidlip after lumamon. San kaya puwede magsiesta? Ay seatmate ano nga pala name mo? I'm Zoella Guevarra. Zoey na lang."
"Zach."
"Ay ang tipid naman magsalita ng kuya mo boy. Sige Zach. Gogora na ako. "
Umalis na siya. Ang weird niya talaga.
Tumuloy na ako sa pakay kong pumunta sa usual spot. And as usual. Ang sweet nung dalawa. Mas gugustuhin ko pang samahang magsiesta si zoella kesa makita to.
Buong lunchbreak tahimik lang ako.
"Ui Zach. Sino yung kasama mong babae ha? Unang araw mo palang may nabingwit ka na agad ah hahaha" sabi ni kuya achilles
"Matinik naman pala si kuya mo boy" sabi ni Sam. Nung narinig ko un. Napangiti ako dahil naalala ko si zoella.
"Ay ngumiti. Alam na this hahaha" sabi ni Cyrene
"Naku Zach aral muna hahaha" sabi ni Rachellyn
"Bro. Sino ba yun? Sabihin mo na haha" sabi ni Xerius
"Wala un bro. Kaklase ko lang sa major subject ko un"
After nun kanya kanya na ulit silang usapan. Well kinakausap parin akoni Xerius pero walang magregister sakin.
*the next day
May klase ako dun sa major subject ko. At nandun na si zoella.
Parang may weird sa kanya. Nakaglasses kasi siya.
Binati ko siya pero no response.
Nagstart na ang klase. Alam ko na kung bakit ang weird niya. Di siya kumukurap. May nakadikit sa salamin ng glasses niya na printout ng mata niya.
"Ms Guevarra" lagot
"Ms. Guevarra. Are you paying attention?"
Lumapit na ung prof namin. At tinapik si Zoella.
At un bagsak ang ulo niya sa desk at biglang nagising at nabisto na ung glasses niya
"OUT!!"
As usual wala pang ilang segundo eh nakalabas na siya.
After nung klase eh nandun na naman sa damuhan nakikinig ng music.
"Psst" sabay kalabit
"Ui seatmate. Musta?"
"May tatanong sana ako. Pero nevermind na lang. Sige alis na ako"
Di pa naman kami close kaya di muna ako mangengealam
Sa mga sumunod na klase ko sa subject na yun eh madalas siyang mapalabas. Kung ano anong kalokohan ang ginagawa niya. Spinitball naman ung ceiling habang di nakatingin ung prof namin. Nako sa dami ng kalokohan niya di ko na maalala ung iba.
Isang araw di na ako nakatiis at tinabihan ko siya habang nakikinig siyang ng music.
"Zoella"
"Zoey nalang"
"Okay Zoey. Bakit parang ayaw mo sa klase natin? Major subject un ah."
"Aah. Kulang lang ako sa Pansin."
"Nino?"
"Ng tatay ko."
"Anong kinalaman ng tatay mo dito"
"Yung prof natin. Siya ang tatay ko"
Ano daw?
*To be Continued
I swear dapat regular ud to pero naging special chapter. Eto na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ni Zach? Hahaha
Btw, mahaba to ah hahaha. Any suggestion for Zoella imaginary character?Show some support by voting or commenting. Thank you!!! Sorry for the wait.
~Leela Turanga
YOU ARE READING
University Love Book 1
RomanceI just graduated highschool in my ever so loving alma mater called St. Therese of Avila high school. Follow me on my journey to the third chapter of my life in "University love" as I will have a taste of what romantic love truly feels like. ...