(SPECIAL CHAPTER) #63

335 31 467
                                    

MEANWHILE -

- IMELDA POV -

Iniwan ko na doon si Ferdinand, nakakainis naman kase e, bahala siya dyan.

Sa ngayon nandito na ako sa aming kwarto, tahimik, ako lang mag-isa.

Pinipilit ko na yung sarili ko na matulog pero ayaw pumikit ng mga mata 'ko.

Wala akong kasama, kaya niyakap ko na lang yung unan ni Ferdinand.

Kaya sinubukan ko ulit na matulog. Pero hindi parin talaga pumipikit yung mga mata ko.

Ewan ko ba.

Lahat na ng pwesto ng pagtulog ginawa ko.

Patagilid.

Paharap.

Saka nakadapa.

Hindi talaga ako makatulog e.

Nakaramdam na naman ako ng gutom.

Pero paano? Magluluto ako?

Siguro may kahit anong biscuits or ulam doon sa kusina.

Hindi na ako mang-aabala pa kila manang, dahil oras na ng pahinga nila sa trabaho.

Pagkalabas ko ng kwarto diretso na akong naglakad tungo sa kusina.

Napadaan ako sa may orasan.

Maaga pa pala. 9:26 pm pa lang.

Habang naglalakad ako nakita ko yung panganay at bunso ko.

Gising pa pala sila?

May dala silang dalawang box.

I wonder kung ano yung laman non.

Kaya lumapit ako sa kanila.

Kumukuha sila ng platito.

Nung sinilip ko naman yung dalawang box, nakita ko sa loob na may cupcakes and donuts.

Napansin naman agad ako niya Imee, kaya agad nilang tinigil yung ginagawa nila.

"Ano pong ginagawa mo dito mommy?" tanong niya sa akin.

Ngunit yung tingin ko ay hindi naaalis doon sa mga box na may lamang donuts.

Pwede kaya akong makahingi.

"Mommy??" pagtawag niya ulit sa akin.

Doon ko lang napagtanto na tinatawag niya na pala ako.

"Uhm...sorry...ano ulit yung sinasabi mo?"

"Nothing po, sige alis na po kami mom."

Kinuha na nila ulit yung box sa mesa, tag-isa silang may hawak nito.

Pero bago pa sila umalis, nagsalita na ako.

"Sa inyo ba 'yang mga pagkain?" tanong ko.

Nagtinginan naman silang dalawa.

"O-opo"

"Pwedeng makahingi kahit isa lang? I'm hungry na kase e."

Nag-try ako na makahingi sa kanila.

Nagugutom na din kasi ako e.

"Sorry mom, pero sakto lang po kasi itong lahat sa aming tatlo." sagot ni Imee.

"Ah okey, I understand naman, sige na make sure na after niyo kumain, mag-toothbrush kayo ah."

hindi naman sila nasagot, kaya tinawag ko ulit sila.

Marcos Family Life At The Palace  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon