Prologue

10.8K 159 17
                                    

"TITA!" Itinaas ko ang isa kong kamay at ikinaway iyon upang makita niya ako.

Ibinaba ko muna ang isang malaking karton at isang malaking bag sa lapag. Inayos ko ang nakasukbit na malaking bag din sa likuran ko. Pinunasan ko na rin ang noo ko sa puno ng pawis.

Ang sakit sa balat ng sikat ng araw. Parang hindi ako makahinga. Kanina pa ako rito sa terminal ng babaan. Akala ko hindi na ako masusunduin ni Tita.

Hindi ako sanay sa buhay probinsya, ngunit kailangan kong magbakasyon.

Gaya ko ay pawisan at hingal na hingal si Tita na lumapit sa akin.

"Allira! Naku pasensya na, anak. Nagkaroon lang ng problema roon malapit sa amin. Iyong Tito Montea mo may pasok kaya hindi ka nasundo. Iyong kapitbahay naman namin doon ay na aksidente kaya pinuntahan muna namin sa hospital. Ayon nga at na-comatose," anang paliwanag niya.

Si Tito Montea ay kapatid ng asawa ni Tita Malo. Sa bahay ito ni Tita tumutuloy. Hindi ko pa siya nakikita simula noong huling bakasyon ko sa probinsya. Mapa picture man ay hindi ko pa nakikita siya. Ang alam ko lang ay mas matanda siya sa akin ng limang taon. Ang Asawa naman ni Tita ay seaman. Once a year lang umuuwi ng pinas kapag nagbabakasyon.

Ngumiti ako ng tipid. "Ayos lang po, Tita," sagot ko na lamang dito.

Pinunasan niya ang noo niya na mayroong pawis gamit ang kanyang palad. Kinuha niya sa akin ang isang bag.

"Ako na magdadala nito. Ako lang ang sumundo sayo, dahil may lakad din si Louie."

Si Louie ay anak ng kaibigan ni Tita Malo na pumanaw na. Pagkatapos isilang si Louie ng Ina nito ay hindi inaasahang mawawala ito. Siguro dahil sa raming iniisip at dahil na rin sa hindi pagtanggap ng kanyang nobyo na buntis siya at iniwan na lang siya nito. Gaya kay Tito Montea, hindi ko pa rin nakikita sa picture o personal si Louie.

Wala ring pakialam ang ama ni Louie sa kanya kaya si Tita na lang ang kumup-kop sa kanya. Hindi rin naman magka-anak si Tita kaya mas pinanatili na lang niya na ituring anak si Louie.

Si Tita Malo lang din naman ang nag-kwento sa akin niyan.

Pero sa totoo lang, ang daming nagbago rito sa probinsya. Ang bata pa noong huli akong pumunta rito. Pero ngayon, nasa edad bente dos na ako. Pakiramdam ko mas lalong guminhawa ang probinsyang 'to.

"Kamusta po kayo, Tita?" tanong ko sa kanya sa pamamagitan ng aming paglalakad patungong sakayan ng tricycle.

"Maayos naman," aniya. "E, ikaw? Ang alam ko kaka-graduate mo lang. Kwenento sa akin ng Mommy mo."

Huminto kami at isinakay ang mga dala ko sa tricycle nang kami na ang next sa sakayan. Tinulungan naman kami ng tricycle driver na ilagay sa loob ang mga dala ko.

Bumuntonghininga ako. "Ang sabi ko sa kanya ako ang magsasabi sayo niyan dahil isusurprise sana kita. Mukhang may naka-una na. Tsk!" Napairap ako.

Hindi niya ba naisip na naiinis ako kapag may nangunguna sa mga bagay na ako dapat ang magsabi. Palagi na lang!

Bakit kaya naging nanay ko pa iyon kung minsan iniisip niya lang ay sarili niya.

Sumakay kami ni Tita sa loob ng tricycle nang matapos ng driver ilagay ang mga dala ko.

"Allira, intindihin mo na lang ang Mommy mo," puna niya sa akin. Na sa sinabi niyang iyon ay parang madali lang na intindihin ang Ina ko.

Paano ko siya iintindihin kung pati nga ako hindi niya maintindihan.

"Tita, ilang beses ko na siyang inintindi. Nirespeto ko pa siya kasi Nanay ko siya. Pero siya mismo sa sarili niya ay hindi niya marespeto. Wala siyang pakialam sa akin dahil pinipilit niyang maging dalaga," hinanakit na paliwanag ko.

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon